Sexy Dress!

1390 Words
Chapter 1 Zeirah “Hey, Zei, ano? Sama ka na.” Mula sa sinusulat na form ay napaangat ang tingin ni Zei sa kanyang boardmate na si Risa. Nakabihis na ito, suot ang maikling maong na paldang hapit sa balakang, mataas na boots, at spaghetti strap na pang-itaas, kulay puti na kita pa ang u***g nito dahil sa nipis ng damit. Makapal ang makeup nito at nakalugay ang mahaba nitong buhok. Lihim siyang napangiwi sa porma nito na halos wala naman ng itinakip.Sana hindi na lang ito nagbihis kung makikitaan lang din ito.Kung sabagay, sanay na sanay talaga itong si Risa, na magsusuot ng mga revealing na damit. “Zei?” tawag ulit ni Risa sa kanya, kaya naputol ang kanyang pagmuni-muni at napaiwas siya ng tingin sa kaharap. Umiling si Zei bago ngumiti nang bahagya. “Sorry, marami pa kasi akong gagawin, Risa.” “Sus, halika na. Bukas mo na isipin ’yan. Next week pa naman ang pasukan, marami ka pang oras para diyan. Isang gabi lang ’to; bukas, free ka na ulit, ’di ba?” nakapamaywang pa ring pilit nito sa kanya. “Risa, hindi naman ako kagaya mo na may nag-aasikaso o sumusuportang magulang. Alam mo naman sa amin, kung hindi kami magbanat ng buto, wala kaming makukuha.” malumanay niyang sabi sa babae. Umismid ito. “Ay sus, kung ako sa’yo, iinom mo na lang ’yan ngayong gabi para mailabas mo ang sama ng loob mo, saka enjoy your life, habang nandito ka sa maynila, ano kaba!" “Halika na,” dagdag pa ni Risa. “Ako na bahala sa’yo.” Sabay hila nito kay Zeirah, kaya napabitaw na lang siya sa hawak niyang form at ballpen. " Teka lang, naman!'' Wala nang nagawa si Zei nang hilahin siya ni Risa papunta sa damitan nito. Pinahiram siya ng dress na kulang na lang makita ang underwear niya sa sobrang ikli, at hapit na hapit sa katawan.Nahihiyang ibinaba niya ang laylayan nito, ngunit sa sobrang ikli nga ay hindi man lang ito bumaba kahit konti. Kulay pula ang dress na pinasuot nito sa kanya. Napahawak si Zei sa pisngi nang makita ang sarili sa salamin, makapal din ang makeup na ginawa nito at may bold lipstick pa na kulay pula rin.Daig pa niya si Rubi sa isang teleserye noon na napanood niya sa itsura niya. “Risa, ang ikli ng suot ko. Baka pwede naman nating palitan,” reklamo ni Zei habang hinihila pababa ang laylayan ng damit. “Hay nako, Zei. Bar ang pupuntahan natin. Saka don’t worry, wala namang makakakilala sa’yo ro’n,” sagot ni Risa na halatang nagmamadali. “Pero Risa, hindi kasi ako sanay sa ganitong kasuotan,” mahina niyang giit. “Nako, you’re beautiful at maputi ka, kaya bagay sa’yo ’yan. Saka wala na tayong time at naghihintay na ang boyfriend ko sa ibaba.” “Risa—” Hindi na siya nakapagsalita pa. Hinila na siya ni Risa palabas ng dorm. Pagdating nila sa baba, napansin agad ni Zei ang sasakyang nakaparada sa gate. Mabilis na kumaway si Risa at hinila siya kaya napasunid siya dito.Mataas din ang takong ng kanyang sapatos kaya, wala pa man lang sa pupuntahan nila, ngalay na agad ang mga binti niya. “Hi, babe!” masiglang bati ni Risa sa lalaking nasa manibela. Umupo si Risa sa unahan, sa tabi ng lalaki, habang si Zei naman ay naupo sa likod. Hindi pa man umaandar ang sasakyan ay nagulat si Zei nang biglang maghalikan ang dalawa sa harapan niya. Agad siyang umiwas ng tingin, pakiramdam niya’y siya ang walang lugar at nalunod sa hiya.Napasinghap pa siya ng biglang nagsalita si Risa. “Oh, sorry, Zei. Ganito talaga kami ni Steve,” maarte pang sabi ni Risa.Habang yakap pa sa leeg ang lalaki. Alanganing tumango si Zei at pilit na ngumiti. Hindi niya alam kung bababa na ba siya o sasama pa. Ngunit bago pa man niya magawang bumukas ng pinto, umandar na ang sasakyan. Wala na siyang nagawa kundi sumandal sa upuan. Mabuti na lang at nahila pa niya ang itim na jacket niya upang may maitakip sa kanyang exposed na mga binti. Hindi talaga siya sanay magsuot ng sobrang ikli kaya para siyang naiihi sa kanyang itsura ngayon. Pagdating nila sa bar, napahawak si Zei sa ilong dahil sa halo-halong amoy ng sigarilyo at alak. Parang gusto na niyang umuwi at sisihin ang sarili sa pagsama. Sobrang ingay at siksikan ang mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor.Halos nabubunggo na siya, dahil masikip sa tinatahak nilang daan kaya agad na hinarang niya ang kamay sa kanyamg dibdib at baka magkamali ng atras ang nasa unahan niya, mabunggo pa ang dalawalang bundok niya na medyo luwa pa nga dahil v-neck ang dress ni Risa. Naglakad si Risa patungo sa isang mesa sa sulok, mahigpit ang hawak sa kamay ni Zei para hindi siya mawala sa dami ng tao. Nakahinga nang maluwag si Zei nang makaupo sila, kahit hindi pa rin mawala ang tensyon sa kanyang mukha.Pasimple niyang hinilot ang kanyang binti, dahil nangalay ito. “Eto na!” masiglang sabi ni Risa nang ihatid ng waiter ang dalawang baso, isang dilaw na may bula, at isang madilim na inumin na may hiwa ng kalamansi sa gilid. “Para sa’yo ’yan,” sabay turo sa madilim na inumin. “Baka mawala ang bigat sa dibdib mo.” Tinitigan ni Zei ang baso na para bang banyaga sa kanya. “Hindi ako sanay uminom ng ganyan, Risa.” “Ngayon ka lang magsasanay!” tawa ni Risa bago itinaas ang sariling baso. “Cheers! Para sa lahat ng problema—bukas na lang ulit!” Huminga nang malalim si Zei at ibinaling ang tingin sa dance floor. Kita niya ang mga taong nagtatawanan at kumakanta, tila walang iniintinding problema. Sa isip niya, umiikot pa rin ang mga form na kailangang tapusin, ang bayad sa lupang kinatitirikan ng bahay nila, at kung paano niya itutuloy ang pag-aaral nang mag-isa. Biglang tumayo si Risa. “Halika na, sumayaw tayo! ’Wag kang mahiyang tumayo diyan!” “Hindi ako marunong sumayaw, Risa,” pigil ni Zei, pero hinila na naman siya palabas ng mesa.Napansin din niyang, mariing titig ng boyfriend ni Risa sa kanya,partikukar sa kanyang pang-upo kaya nailang na medyo kinabahan siya.Kaya para makaiwas sa lalaki, agad na sumama siya kay Risa sa gitna ng dance floor. Sa gitna ng ingay at umiikot na ilaw, unti-unti siyang sumunod sa ritmo. Napangiti pa siya nang makita ang ngiti ni Risa n handang gumastos ng oras para mapasaya siya. Habang sumasayaw, may tumapik sa balikat ni Zei. Lumingon siya at nakita ang isang lalaking may mapang-akit na ngiti. “Uy, maganda ka naman. Pwede bang makisayaw?” Agad humarap si Risa. “Baka hindi siya interesado, ha? Kayo na lang magsaya.” Ngumisi ito at hinila si Zei palayo habang sinsabayan nito ang malakas na musika na parang nagwawala na sa sobrang saya nito.Humihiyaw pa ang babae na tuwang-tuwa habang kumekembot-kembot pa pababa ng dance floor. Pagkatapos ng ilang kanta, bumalik sila sa mesa. Uminom si Zei ng kaunti, at unti-unting kumalma ang damdamin niya.Himala na wala na doon ang boyfriend nito. "Saan na naman nagpunta yun!" Inis na tumayo si Risa at nagpalinga-linga sa paligid. “Zeirah, iwan muna kita rito. Huwag kang aalis, hahanapin ko lang ’yung lalaking ’yon,” sabi niya. “Sige, Risa,” mahinang sagot ni Zeirah. Umalis na si Risa, kaya naiwan siyang mag-isa sa mesa. Medyo madilim sa bahaging iyon ng bar—tanging mga disco lights lang ang nagbibigay-liwanag sa buong lugar. Kahit pa maghanap ka ng kakilala, tiyak na mahihirapan kang makakita sa dami ng tao. Nagpalinga-linga si Zeirah, hinahanap ang pigura ni Risa at ang boyfriend nito, ngunit wala siyang nakita. Ilang segundo pa lamang ang lumipas nang bigla siyang makaramdam ng hilo. Napakunot ang noo niya. Hindi naman siya uminom nang marami, pero bakit parang biglang bumigat ang kanyang ulo? Para siyang hinihila pababa ng antok, at gusto na lang humiga dahil sa sobrang hilo. Tumayo siya at nagpasuray-suray sa paglalakad, sapo ang ulo na para bang mababasag na sa tindi ng sakit. Nanikip ang kanyang dibdib, at pakiramdam niya’y nauubusan na siya ng hininga. “Oops!” Isang baritonong boses ang umalingawngaw kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Zeirah sa matitibay na braso ng isang lalaki. -Next..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD