Chapter 52 Third Person POV Humihingal na umurong si Ken mula sa ibabaw niya. Pareho silang walang imik matapos ang nangyari. Tanging mabibigat nilang paghinga ang maririnig sa loob ng tahimik na silid kung saan sila naroon. Mabagal na bumangon si Zeirah, ng umalis sa ibabaw niya si Ken. Nanginginig pa ang mga kamay niyang isinuot muli ang kanyang mga damit habang pilit inaayos ang magulo niyang buhok. Samantala, si Ken ay tila walang pakialam na lumayo sa kanya, mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi man lang siya nilingon nito habang naglalakad papunta sa isang sulok malapit sa mesa nito. May kinuha ito roon, at nagsulat. Walang emosyon iyong inihagis ni Ken patungo sa kanya. Dumulas iyon sa sahig bago tuluyang huminto sa paanan niya. Isang cheke ang nakita niya kaya napalunok siya sa

