Alipin C8 ANTHONY POV “Anong ayaw?!” “'Yon po kasi ang bilin ni Madam Senyorito,” “Wala akong paki-alam kung ano man ang bilin ni Mommy! Kapag inuutos ko gusto kong sundin n'yo kung ayaw n'yo na mawalan ng trabaho!” sigaw ko sa mga maid namin dahil anong oras na hindi pa rin nila pinapakain si Judy. “Judy, tumayo ka na d'yan!" Nag-angat siya nang mukha at tumitig lang sa akin. Minsan talaga hindi ko mapigilang mainis sa kanya dahil ang tigas nang kanyang ulo, kaya ko siya nasasaktan. "Judy! Bingi ka ba?” Mas lalo akong nakaramdam nang galit dahil sa pagtango niya sa akin. Sa sobrang inis ko sa kanya ay nilapitan ko siya at hinila. “Gusto mo ba talagang masaktan ka ha?!” Wala naman akong emosyon na nakikita sa kanyang mukha habang hinawakan niya ang kanyang t‘yan. Napahawak ako s

