ALIPIN C30 ABEGAIL POV “What do you mean na kina- cancele ng client ko?!” Hindi ko mapigilang mapatayo dahil sa sinabi nang manager ko. Sa lahat nang mga kumuha sa akin bilang endorser ay ang JJ products pa ang kauna-unahang mag-cancel. “Sino ba ang may-ari? Gusto ko siyang makausap?!” Hindi ko talaga matanggap ang ginawa niya. Ang kapal nang mukha niya para gawin sa‘kin ‘to? “Abegail pwede ba! Huminahon ka? Hindi makakatulong ‘yang init nang ulo mo?” “At anong gusto mo! Matutuwa ako? Ako ang pinapahiya sa may-ari ng products na ‘yan!” “Alam ko! Alam ko rin na malaking kawalan sila, dahil sikat ang products nila sa buong bansa!” muli akong napa-upo dahil sa kanyang sinabi. Tama siya, dahil dati ko pa pangarap na makapag- endorse sa products nila. Alam kong mas lalo akong makikil

