ALIPIN C22 ANTHONY POV Matapos kong pakainin si Judy ay pinunasan ko ang kanyang bibig. Pinainom ko rin siya ng tubig. Napatingin ako sa kanyang dress dahil parang lumubo ang kanyang damit. “What’s that?” Tanong ko habang tumayo at nilapitan siya. hindi naman siya tumingin sa akin at nagyuko lamang. “Judy, ano ‘yang nasa loob ng damit mo?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Judy!” sambit kong muli habang nakayuko siya. inis ko naman siyang pinatayo at tinaas ang kanyang damit. Narinig ko naman na may suminghap kaya nag-angat ako nang aking mukha at nakita si Manang. “What are you doing here?” Inis kong tanong sa kanya habang tiningnan kung ano ang nasa ilalim ng damit ni Judy. “Itatanong ko lang sana kung may kailangan ka pa Senyorito?” sagot niya habang nakita ko naman ang te

