ALIPIN C20 BENILDA POV “Kumusta si Judy?” tanong ko kay Alice nang pumasok akong muli sa kwarto. “Ayos na po siya Manang, ayaw niya lang pong magsalita,” “Kahit naman noon, hindi na siya nagsasalita.” “Mali po kayo Manang, di ba minsan sumasagot siya sa mga tanong natin?” “Hindi mo pa talaga siya kilala, Alice, mas maganda siguro kung sa iba ka na lang mamasukan.” Nag-angat siya nang mukha at tumingin sa akin. “P-po? Pero bakit po Manang? Bakit po ninyo ako paalisin? Wala naman po akong ginawang masama?” “Sa ngayon wala pa! pero baka sa susunod meron na?” “P-po? Manang, magpapakabait po ako rito, Manang kailan ko po ang trabaho na ‘to Manang!” “Kung ganu’n, ‘wag na ‘wag kang magtangka na itakas si Judy Alice!” “Hindi ko lang po kasi mapigilang maawa sa kanya Manang,” “Tapos sa

