ALIPIN C13 ANTHONY POV Matapos kong barilin ang dalawang hita niya ay tinawagan ko ang mga bodyguard ko. “Ibalik n’yo siya sa pinanggalingan niya.” Utos ko sa kanila habang binuhat nila ito. nilingon ko naman ang mga maid na tulalang nakatingin sa duguang lalaki at nanginginig. “You!” Napapitlag naman ang isang maid nang tawagin ko ito. Nilapitan ko siya at hinawakan nang mahigpit sa kanyang braso. “Pinapalabas mo ba si Judy?” Tanong ko sa kanya habang mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. “H-hindi po Senyorito,” “Hindi?! Pero bakit siya nakita nang taong ‘yon?!” “S-Senyorito, naalala n’yo po ba noong pinapakuha mo ang kama ni Judy sa taas?” Nilingon ko si Manang dahil sa kanyang sinabi. “K-kaya niya po nakita si Judy dahil do’n, baka po kasi nag-angat si Judy

