"b***h, nabalitaan mo na ba ang nangyari?" tanong ni Stacy kay Claire. "Nope. Ano ba 'yon?" "Alam mo bang ang baguhang si Deanna Cervantes ay nakatira sa Ashford Mansion?" "What?!" gulat na pakli nito. "Sino nagsabing nakatira siya sa mansion?" "Mismong si Amaury ang nagsabi," pakli nito. "Sige, magkita na lang tayo mamaya," wika ni Claire. Bigla nitong iniwan ang kaibigan. Nagmamadali siyang puntahan si Amaury. Pumunta ito nang Architecture Building, sa room ng binata. "Bro! Claire is coming," bulalas ng kaibigan ni Amaury na kapapasok lamang sa classroom. Hindi umimik si Amaury, huminga na lamang siya nang malalim. Pagkapasok ni Claire ay dire-diretso itong lumapit kay Amaury. "We need to talk," wika nito. "For what?" "Can you just go with me? Para malaman mo." "Okay

