Ano bang pag-uusapan namin? Bakit ba kasi siya pa ang partner ko? "Para makapag-usap kayo ng maayos, kayong dalawa, pumunta kayo roon sa may gilid ng dagat. Kayo naman, doon sa may pool. Tandaan ninyong pinanonood ko kayo at mamaya ay may itatanong ako sa inyo. Isa pa, kapag hindi ninyo ginawa ang ipagagawa ko ay suspended kayo ng tatlong araw sa school ninyo. That's an order of Universidad de Ashford. Sige, umalis na kayo." Mabuti na lang sa gilid kami ng dagat. Magkasama sila ni Amaury na pumunta roon. Wala silang imikan. Pagdating doon ay umupo siya sa buhangin, gano'n din ang binata. "Alam mo, sa tuwing pumupunta ako sa ganitong lugar, nalulungkot ako at maraming alaala ang gusto kong balikan pero hindi na mangyayari pa iyon. Ikaw ba?" "Gano'n din. Kung nailigtas ko lang sila a

