Nang tumila na ang ulan ay medyo nabawasan ang panginginig ng binata. Nangyari lang ito noong namatay ang mga magulang niya, hindi naman sa takot siya sa tubig kaya lang nagkaroon siya ng trauma dahil sa nangyari noong nakaraan. Kahit sa dagat iyon nangyari ay nagkaroon din siya ng takot sa ulan. Kitang-kita niya kung paano lumubog sa tubig ang kaniyang Mommy at Daddy. Wala siyang magawa dahil maliit pa siya noon. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng dalaga sa kaniya. "Oo, pasensiya na. Next time, kapag nakita mo ako na nanginginig, huwag mo na uli akong yayakapin," wika nito. Biglang napalukot ng noo si Deanna, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ano bang sinasabi niya? Ako na nga itong nagmagandang-loob na tulungan siya pero parang sinasabi niya mali ang ginawa ko. Ang g

