"Kuya, nakita mo ba si Deanna? Hanggang ngayon, hindi pa siya umuuwi," bungad nito sa kapatid na kararating lang sa mansion. "Hindi ko siya nakita. Akala ko ba magkasama kayo?" "Ang sabi niya sa 'kin may pupuntahan daw siya with her friends pero hanggang ngayon wala pa siya. Tinatawagan ko rin pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. It's already eleven, ang sabi niya sa 'kin, nine o'clock daw siya uuwi," wika nito. "Tinawagan mo na ba ang mga kaibigan niya?" "Yes, I already called them. Ang sabi nila, around eight o'clock daw ay naghiwa-hiwalay na silang apat para umuwi. Baka raw dumaan pa sa mall si Deanna sabi ng isa niyang kaibigan dahil nabanggit daw no'n na may bibilhin," pahayag niya. "Hindi si Deanna ang tipo ng babaeng uuwi ng alanganing oras. Hindi kaya naligaw siya?"

