Pumunta si Deanna sa Engineering Building para puntahan ang lalaking nakasuot ng eyeglasses para kausapin ito. Nakita niya si Amaury na nasa may pintuan habang nagbabasa ng libro. Hindi niya ito pinansin, bagkus dire-diretso lamang siya sa loob. Naghiyawan naman ang mga kaklase nang nilapitan niya si Nathan. "Nathan, puwede ka bang makausap?" tanong niya rito. "Oh, hi, Deanna! Sige ba, ano 'yon?" nakangiting tanong nito sa kaniya. "Hindi ba ikaw ang nag-post sa—" Hindi na siya nito pinatuloy sa pagsasalita. "Oo, ako iyon, pero hindi naman talaga iyon para sa kaibigan mo, kung hindi, gusto ko lang makipagkaibigan sa kaniya para mapalapit ako sa 'yo," pahayag nito. Napakunot siya ng kaniyang noo at uminit ang ulo niya sa kaniyang narinig kaya bigla niya itong sinampal. Lahat ng kaklas

