Balak niyang surpresahin ang mga kaibigan niya sa school. Dire-diretso siyang pumasok sa kanilang room habang hindi napapansin ng tatlo na paparating siya. "Good morning, girls!" Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya hanggang sa niyakap siya ng tatlo at nagtititili ito dahil sa sobrang saya. "Deanna... akala namin hindi ka na babalik pero salamat dahil bumalik ka," maluha-luhang sabi ni Kendra. "Na-miss ka talaga namin nang sobra. Halos araw-araw pinag-uusapan ka namin," pakli naman ni Suzy. Bigla siyang hinampas ni Pamela, "Ang daya mo, ah! Akala naman talagang hindi ka na babalik. Pero grabe, sobrang saya ko ngayon." "Ano nga pala ang naisipan mo kung bakit ka bumalik?" tanong ni Suzy. "Napagtanto ko na tama nga kayo, malungkot ang mag-isa roon," tugon niya. "Iyon lang ba

