Ito ang unang nagbawi ng tingin at umupo na. agad itong binira ng tanong ng press. Naramdaman niya ang paghatak ni Coffee sa braso niya. “Lapit tayo.” Hindi na siya nagprotesta. Iyon naman talaga ang intension niya sa pagpunta roon – ang makalapit kay Eman. “Eman, this is a surprise, why did you cut your hair? Maraming babaeng magpoprotesta sa ginawa mo. Hindi ka ba natatakot na mabawasan ang popularity mo?” tanong ng isang reporter. Muli niyang nasalubong ang tingin nito bago nito ibinaling ang atensyon sa nagtanong. “No. I cut my hair because I lost a bet. And because I am brokenhearted,” deretsong sabi nito. Lalong nagkaingay ang press. Maging si Coffee na nasa tabi niya ay mabilis na nailabas ang recorder. Kinindatan pa siya nito. “I’ll get your reaction after this okay. My, mga g

