Chapter 4

2492 Words
Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo matapos niyang sabihin iyon. Ramdam ko ang pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan. Ilang beses ako napalunok. "S-Sino siya?" nanginginig kong saad. Narinig ko ang pagtikhim ni Lucas nang ituro ko ang babaeng nasa litrato. "Why... why the f**k am I in that photo?" hindi ko maiwasang mapamura dahil sa aking nakita. It's not me... she's not me. "Ikaw ang tinatanong ko, Caroline," ani Di-A. "Natuklasan ng aking ina kung saan at paano ka inilibing... paanong buhay ka pa rin at nakapunta muli sa aming mundo? Nandito ka ba para maghiganti sa mga bampira?" tanong muli ni Di-A. Ilang beses akong napailing habang umaatras. Napahawak sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi dahil sa sobrang pananakit ng aking ulo. Ramdam ko ang pagdudugo ng aking labi sa diin ng aking pagkakagat. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang pagsalo sa 'kin ni Lucas. "Miss! Okay ka lang?" rinig ko ang pag-aalala niya nang buhatin niyo ako at inihiga sa kama na gawa sa matigas na kahoy. Napalunok ako sa sarili kong laway habang mariing nakapikit. "C-Caroline..." bigla kong naiusal bago ako lamunin ng kadiliman. Dahan-dahan akong napamulat nang may makaramdam akong nakatitig sa 'kin. Ilang beses akong napamulat dahil sa paglabo ng aking paningin. Unang sumalubong sa 'kin ay gulat na ekspresyon ng maliit na mukha ni Di-A. Kumunot ang aking noo nang mabilis itong tumakbo palabas ng kwarto. Agad naman akong napatayo. "H-Huh?" Napatingin ako sa aking sarili at makitang iba na ang aking kasuotan. Nakasuot ako ng kulay puting bestida na umaabot sa aking tuhod. S-Sinong... Napabaling ang aking paningin sa pintoan nang makarinig ako ng kaluskos. Napadako ang paningin sa 'kin ni Lucas at bumakas sa mukha niya ang saya nang makita akong gising. "Caroline, mabuti naman at gising ka na," ngisi niya at dahan-dahang lumapit sa 'kin. Kumunot naman ang aking noo nang banggitin niya ang pamilyar na pangalan na 'yon. "Hindi Caroline ang pangalan ko..." sagot ko sa kaniya at tumayo nang maayos. Nawala naman ang kaniyang pagkakangisi at bumaling sa kaniyang likod kung nasaan si Di-A. Napatingin naman ako sa kaniyang likod at makitang mataman na nakahalukipkip sa 'kin si Di-A. Napanguso naman ako at umiwas ng tingin. "Nagsasabi ako ng totoo... hindi ako si Caroline. Angeline ang pangalan ko," madiin kong saad at tumingin muli kay Di-A. Nakita kong natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan at namumulang napaiwas ng tingin. "K-Kung ganoon, bakit kamukhang-kamukha mo—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lucas at bumaling sa kaniya. "Hindi ko alam, basta hindi ako si Caroline," tumikhim ako at tumitig sa kaniyang mga mata. "Hindi. Ako. Si. Caroline," dahan-dahan kong saad. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang umiwas ako ng tingin. Huminga ako nang malalim at mariing napakagat sa aking ibabang labi. Hinding-hindi ako magiging si Caroline... — Malakas akong napabuntong-hininga habang nakaupo sa hagdan na gawa sa kahoy. Nakatambay ako sa labas ng bahay ni Di-A. Lucas said that I've been asleep for three days... straight. Noong una hindi ako naniwala, ngunit sa huli ay bumigay na rin ako dahil ramdam ko ang pananakit ng aking katawan gawa ng matigas na kama dahil sa tagal ng aking pagtulog. I heard someone's footsteps walking behind me. Base sa maiingat nitong paghakbang ay bata ito. Naramdaman kong umupo ito sa aking tabi. Sumulyap ako sa aking gilid at makitang si Di-A ito. Ang maamo niyang mukha ay nakasimangot habang nakatingin sa kawalan. Napangiti naman ako dahil doon at bumungisngis. Agad akong napaiwas ng tingin nang tumingin siya sa 'kin. Kinagat ko ang ibaba ng aking lahi para pigilan ang aking pagtawa. "Ano'ng tinatawa mo riyan?" masungit niyang tanong. Salubong ang aking kilay na tumingin sa kaniya. "Masama 'po' bang tumawa?" sagot ko at diniinan ang salitang 'po'. Ngumuso naman siya sa 'kin at tumikhim. "Hindi naman 'po'... pero... pero mas masama 'po' kung tumatawa ka kahit wala naman dapat ikatawa," mahina niyang saad at diniinan din ang salitang 'po'. Hindi ko na lamang siya pinansin at umirap sa hangin. Pasalamat ka at cute ka... kung hindi, kanina pa kita binatukan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya at mahina akong kinulbit sa balikat. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kaniya at makitang nakanguso siya habang nakatingin sa 'kin. Ngumuso rin ako para pigilan ang aking pagngiti nang bigla siyang ngumiti nang malaki sa 'kin. "Salamat..." nahihiya niyang saad. Nawala naman ang aking pagkakanguso nang sabihin niya iyon. "Salamat para saan?" nakakunot ang noo kong ani. Napayuko naman siya at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri. "K-Kasi... binalikan niyo ako rito," pautal-utal niyang saad. "W-Wala na kasi akong pamilya e... pasensya na rin sa naiusal ko noong nakaraang araw, Angeline..." malungkot niyang saad. "... hindi lang kasi ako sanay makipag-usap dahil mag-isa lamang ako rito..." Rinig na rinig ko ang panginginig sa kaniyang boses para pigilan ang kaniyang paghikbi. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Itinaas ko ang aking kamay para akbayan siya. Mahina kong tinatapik ang kaniyang balikat habang nakatingin sa kawalan. "Okay lang 'yon..." aniko. "Hindi ka na mag-iisa rito... sasamahan na kita," mahina kong saad dahilan para lumakas ang kaniyang paghikbi. Nagulat ako nang bumalot sa aking bewang ang maliit niyang braso. Mahigpit akong niyayakap. Napangiti na lamang ako at ginulo ang kaniyang itim na buhok. "Salamat, ate." Napatigil ako sa aking ginagawa nang banggitin niya ang katagang iyon. Ate... Napangiti ako dahil doon. "Angeline..." Agad na napahiwalay sa 'kin si Di-A nang sumulpot sa aming likod si Lucas. Halata sa mukha niya ang pagkabahala habang tumatayo ako nang maayos. "Ano 'yon?" aniko habang nakahawak sa aking kamay si Di-A. Napatingin naman doon si Lucas ngunit agad ding itinaas ang tingin. "Ayokong iwan ka rito..." Napalunok siya sa kaniyang sariling laway at pumikit nang mariin. "... ngunit kinakailangan ko munang bumalik sa aking tahanan— kung saan kinakailangan nila ako bilang Alpha," paliwanag niya sa 'kin at iminulat ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa 'kin ang kaniyang kulay itim na mata. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Okay lang, naiinitindihan ko... sasamahan ko rito si Di-A," sagot ko. "Don't worry, kaya ko ang sarili ko," dugtong ko sa aking sasabihin at nakangiting nag-thumbs up. Nakahinga naman siya nang maluwag sa aking sagot. "Babalikan kita," seryoso niyang saad. Napangiti naman ako sa kaniyang saad. I know... Bumaling siya kay Di-A at tumango. "Ikaw muna ang bahala kay Angel." Inosenteng tumango si Di-A sa kaniya bilang sagot at maliit na ngumiti. Napangisi siya at bumalik ang kaniyang paningin sa 'kin. "Hahanap ako ng paraan para makabalik ka sa iyong mundo," pangako niya sa 'kin bago mabilis na nag-anyong lobo para umalis. — 2 weeks. It's been 2 weeks and Lucas didn't come back yet. I'm worried, yes... what if something bad happened to him? Or did he abandoned me? "Ate, tara na. Aalis na po tayo!" rinig kong sigaw ni Di-A sa labas ng kubo. Agad naman akong napaayos ng tayo at naglakad palabas. I'm starting to get used to this life... world. Pupunta kami ngayon sa pamilihan para mamasyal. I'm kinda scared because this is the second time that I'll be going to their market. I don't want to get in trouble again... Sumalubong sa akin ang masiglang ngiti ni Di-A. It's not bad to get attached to this cute little kid, right? Mabilis siyang dumamba sa 'kin at mahigpit na humawak sa aking palad. Halata sa kaniyang mukha ang pagkasabik para pumasyal. Napailing na lamang ako sa kaniyang pagiging makulit at sabay kaming naglakad sa loob ng gubat. Thanks to the dirty road we get in to the market without getting lost. Hindi ko pa rin maiwasang mapanganga dahil sa dami ng mga 'tao' sa pamilihan. Damn, it's been 2 weeks since I last saw people... Tumingin-tingin kaming dalawa ni Di-A ng mga kagamitan na kanilang binebenta. Tingin lang, wala akong salapi para bumili 'no. Ginawa kong pantakip ng mukha ang kukay pulang tela na nakita ko kung saan para masiguradong walang makakilala sa 'kin. Habang abala sa pagtitingin ng mga gamit ay hindi ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan ng dalawang babae na nagtitinda. Mapuputi ang balat ng mga ito at magaganda ang katawan. Bampira... "Kailangan kong umuwi nang maaga ngayon, balita ko ay pipili na naman ang mga gwardya ng hari ng mga babaeng iaalay para sa anak niyang may sumpa," rinig kong saad nito habang inaayos ang kaniyang paninda. "Ganoon ba? Nako, tara na't bilisan nating magbenta para hindi tayo maabutan," nagmamadaling saad ng isa. Napaiwas naman ako ng tingin nang mapatingin sa akin ang babae. "Miss, bibili ka?" aniya. Napailing naman ako at hinila si Di-A papalayo. I thought it's a myth... Lumuhod ako para magkapantay kami ni Di-A. Nakanguso siyang nakatingin sa 'kin dahil sa ginawa kong paghila sa kaniya. "Akala ko ba alamat lang iyong sinasabi mo tungkol sa anak ng hari?" mahina kong saad. Nawala ang kaniyang pagkanguso at umiwas ng tingin. "Batas iyon ng hari... na gawing alamat ang sumpa tungkol sa kaniyang anak, dahil ang alam ng iba ay ang alamat ay gawa-gawa lamang," sagot niya at yumuko. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil doon. Is that so? Napataas ang aking paningin nang makarinig ako ng sigawan. Agad akong napatayo at itinago sa aking likod si Di-A. Halos lahat ng nandito sa pamilihan ay napatigil sa kanilang ginagawa nang dumating ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng magagarang damit. Maraming mga nakakapa na kulay itim sa kanilang likod. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman at dahan-dahan na hinila paalis si Di-A. I know something bad is going to happen if we stay in this place... "Guards," rinig kong saad ng isang lalaki. Base sa kaniyang damit ay siya ang pinakamataas sa lahat ng mga kasama niya. "Kunin niyo ang lahat ng mga babaeng nandito... bampira man o hindi," ma-awtoridad niyang saad dahilan para magsitakbuhan ang lahat ng mga nakarinig. Hindi ko rin mapigilang mapatakbo habang hinihila si Di-A. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang tumatakbo papalayo. Agad akong napatigil nang biglang may humarang sa aking dadaanan. Napalunok ako nang makita ko ang suot-suot niyang itim na kapa. No... s**t. Humigpit ang aking pagkakahawak kay Di-A at tumingin sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang takot habang nakatingin sa lalaking may pulang mata. "Di-A... you need to run," I whispered and slowly let go of his arm. "Ayoko..." sagot niya at umiling. Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya. "Susunod ako... pangako," aniko at matamis na ngumiti sa kaniya. Bumakas sa kaniyang mukha ang lungkot. "Please..." mariin kong saad. Run... Dahan-dahan siyang tumango at mabilis na tumakbo palayo. Nang mawala siya sa aking paningin ay matapang kong sinalubong ang paningin ng bampira. "What do you want?" seryoso kong saad at masama siyang tiningnan. Hindi niya sinagot ang aking tanong ngunit naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay sa aking leeg at malakas itong hinampas gamit ang kaniyang palad para mawalan ako ng malay. — Dahan-dahan akong naalimpungatan nang makarinig ako ng tahimik na paghikbi sa aking paligid. Nanlalabo ang aking paningin habang ramdam ko ang pananakit ng aking batok at pulso. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit ramdam ko ang magaspang na tali na nakapalibot sa aking pulso. Namamanhid din ang aking tuhod dahil sa aking pagluhod. Napalunok ako sa takot at kaba habang inililibot ang paningin sa paligid. We're... in a big living room. Pansin kong marami kaming babaeng na nakapalibot sa salas. Napatingin ako sa aking katabing babae dahil sa paghikbi nito. Namumula ang kaniyang ilong at namamaga ang kaniyang mata dahil sa kaniyang pag-iyak. "N-Nasaan tayo..." hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya. Napatigil siya sa paghikbi at tumingin sa 'kin. Kumunot ang kaniyang noo bago sumagot, "Nasa loob tayo ng kaharian ni haring Oscar... mamatay na ako," sagot niya at umiyak muli. Napaiwas naman ako ng tingin at napalunok. Mamamatay? Bakit? Napatingin ako sa malaking pinto nang bumukas iyon at lumabas ang isang pamilyar na lalaki. Siya 'yong nag-utos sa mga lalaking nakaitim kanina... Tumigil siya sa aming harap at malakas na tumikhim. Seryoso niya kaming pinagmasdan isa-isa at napatigil ang kaniyang paningin sa aking katabi na umiiyak pa rin. "Bring her in," utos nitong muli dahilan para kunin siya ng dalawang lalaking nakaitim na kapa. Sinubukan pang magpumiglas ng babae ngunit sa huli ay wala rin siyang magawa. Halos kapusin ako ng hininga para lang magsalita. "Bakit... anong gagawin niyo sa amin?" malakas ang loob kong saad. Napabaling ang paningin ng lalaki sa 'kin. Sobrang lakas ng t***k ng aking puso sa kaba. "We're finding someone who'll satisfy the prince's thirst," malamig niyang saad at pinagmasdan ang aking mukha. "Since you have the guts to talk to me, you're next..." seryoso niyang saad nang dumating ang dalawang kawal na kumuha sa katabi kong babae. Nanlamig ang buo kong katawan nang itayo ako ng dalawang bampira at dinala ako kung saan. Halos mangatog ang aking tuhod dahil sa kaba. Shit... am I going to die? What about Di-A? Is he okay? Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil kami sa isang malaking pinto. Dahan-dahan itong binuksan ng isang kawal. Halata sa mukha nito ang kaba at takot habang maingat na binubuksan ang pinto. Why? Is there a monster there? Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay agad akong itinulak ng isang kawal papasok at mabilis itong sinarado. Sumalubong sa 'kin ang isang madilim na silid. Ilang beses akong napalunok sa kaba dahil sa nakakabinging katahimikan. Hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa aking paligid nang makarinig ako ng mabibigat na paghinga sa aking likod. Humakbang ako papalapit sa kama at makitang gusot-gusot ang kobre kama. Who slept here? Malakas akong napasinghap nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa aking batok. Mabibigat at mabagal ang kaniyang paghinga na nakapagkaba sa 'kin. W-Who... "Your scent... it's f*****g addicting," someone whispered. My breathing hitched. As soon as I heard his cold yet manly voice made my heart go wilder. Who is he? Sinubukan kong lumayo ngunit mabilis niyang nahapit ang aking bewang. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi dahil sa kaba. "L-Let go..." I whispered. I heard him sexily chuckled. "I'll let you go..." Ramdam ko ang kaniyang pagngisi at hinigpitan ang pagkakayakap sa aking bewang. "... but after I do this," dugtong niya at naramdaman ko nalang ang matatalas niyang pangil sa aking balikat. Hindi ko mapigilang mapakagat sa aking ibabang labi dahil sa hapdi at impit na napaungol sa sakit. Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi. My visions starts to blur. Hindi dahil sa aking luha, kun'di dahil sa aking panghihina. Naramdaman ko ang pagtigil ng misteryosong bampira. I heard him cursed. Multiple times. And the next thing I knew that he was gently putting me on his bed while putting my hair on the back of my ear. "Finally..." he coldly said. I saw him licked my blood on the side of his lips. His lips pursed as it turned into a wide smirk. "... I've found my girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD