Chapter 2

1246 Words
Naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod. Tuluyan na akong napaluhod habang nakatingin sa kawalan. P-Paano ako makakabalik? Nanginginig akong napamura. Hindi maaari... Inis akong napasabunot sa aking sarili at pumikit nang mariin. Napabuga ako ng hangin at dahan-dahang tumayo. Ngayon ko lang nararamdaman ang basa kong buhok... at ngayon ko lang din naramdaman na normal na ang pagtibok ng aking puso. Mahina kong pinukpok ang aking dibdib at inilibot ang aking paningin sa paligid. There must be a way... "Please, there must be a way out," bulong ko at naglakad-lakad. Ramdam ko ang pangangatal ng aking katawan dahil sa kaba at lamig na nararamdaman. Bumuga ako sa hangin at balak na bumalik sa talon. Nawala sa aking isipan na pinaalis pala ako ng estraherong lalaki na humalik sa 'kin doon kaya agad akong napatigil sa paglalakad. Where do I go now? Inis akong napasabunot sa aking sarili habang napapadyak. Nagpipigil akong sumigaw sa inis nang makarinig ako ng mahinang hagikhik sa aking gilid. Dahil sa taranta ay naitaas ko ang aking kamay at iminewestra ito na parang namamaril. "S-Sino 'yan?!" Lumakas ang hagalpak na aking naririnig dahilan para lalo akong mainis. "Tarantado..." aking naiusal at inilibot ang paningin sa paligid, at doon may nakita akong lalaking nakangisi habang dahan-dahang lumalabas sa malaking puno na kaniyang pinagtataguan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa hubad niyang katawan. Tanging pantalon lamang ang kaniyang suot at walang pangitaas na damit. Agad naman akong napaiwas ng tingin at napalunok. Jusko naman... bakit walang pangitaas ang lalaking ito? Rinig ko ang mahina nitong pagtawa at humakbang papalapit sa 'kin. Nakangisi niyang itinaas ang kamay para makipagkamay. "Lucas nga pala, miss. Ikaw ba?" nakangisi niyang saad at kumindat pa sa akin. Hindi ko maiwasang pamulahan nang kumindat siya. Hindi ko na maiitanggi pa dahil makisig at g'wapo ang lalaking ito. Mapupungay ang kulay itim niyang mga mata at makapal ang kilay. Hindi pa maalis-alis ang ngisi sa kaniyang labi. Napatikhim naman ako at inabot ang kaniyang kamay. Mainit ngunit magaspang ang kaniyang palad. Halatang masipag at nagtatrabaho... "Angel," sagot ko at ngumiti. Mas lumaki ang ngisi niya at pinisil ang aking palad. Agad ko namang hinila ang aking palad papalayo at nahihiyang napakamot sa aking pisngi. Tumawa ito at tumikhim. "Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo... Angel. Ngunit p'wede bang miss nalang ang itawag ko sa 'yo?" aniya at binasa ang ibaba ng kaniyang labi. Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang saad. "H-Huh?" saad ko dahilan para mapatingin siya sa aking labi. Agad naman niyang itinaas ang kaniyang paningin sa akin at labas ang ngiping ngumiti sa akin. "Wala lang, miss..." kibit-balikat niyang saad at umiwas ng tingin. "... kiss mo 'ko," bulong niya dahilan para ako'y matigilan. "A-Anong sabi mo?" nakataas ang kilay kong saad ngunit ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Humalakhak naman siya sa aking reaksyon at pinitik ang aking ilong dahilan para samaan ko siya ng tingin. Close ba kami?! "Wala... ang cute mo," nakangisi niyang saad at naglakad papalayo. Naiwan akong nakatanga sa kawalan. A-Ano?! Napabalik naman ako sa realidad nang tawagin niya ako. "Tara, Angel. Mukhang bago ka pa rito sa lugar na 'to. Ipapasyal kita," nakangisi niyang saad habang nakapamulsa sa kaniyang pantalon. Napatakbo naman ako papalapit sa kaniya at hindi maiwasang matuwa. Alam niya kayang 'tao' ako? Normal lang naman siya kumilos. Ewan ko nalang doon sa lalaking nasa talon na humalik sa 'kin. He's weird... he reacted when he tasted my blood. Is he a vampire? Maputla ang mga bampira katulad niya... hmm mukhang hindi. Hindi naman siya nasusunog sa araw. Natigilan ako nang maramdaman kong may humalik sa aking pisngi. Mabilis lamang iyon ngunit hindi ko maiwasang matigilan. Napalingon naman ako kay Lucas na malaki ang ngisi sa akin. Napakamot siya sa tungki ng kaniyang ilong at napaiwas ng tingin. "Kanina pa kita kinakausap, naligaw na ata utak mo kung saan," nakanguso niyang saad at yumuko. Umiwas naman ako ng tingin nang mapatingin ako sa hubad niyang katawan. Ngayon ko lang napansin na mabalbon siya. Ngayon ko lang din napansin na nasa matao na kaming lugar. Kitang-kita ko ang mga taong naglalako sa gilid-gilid. "Pamilihan 'yan. Diyan kami namimili ng nga katribo ko. Halika, maraming magagandang kagamitan na tinitinda rito," aniya ni Lucas at hinila ako sa aking pulso. Hindi ko maiwasang hindi mapatong sa aking isipan nang sabihin niya ang katribo. Anong tribo? Habang nakahawak siya sa aking pulso at hinihila ako kung saan ay hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa paligid. Maraming iba't-ibang gamit ang tinitinda ng mga tao rito, may mga alahas, damit, pagkain, at mga gamit na ngayon ko pa lang nakita. Sa sobrang dami ng tao ay may nakabungguan akong isang lalaki dahilan para mabitawan ako ni Lucas at mapaupo ako sa sahig. Ramdam ko ang pananakit ng aking puwit habang iniinda ang sugat na natamo sa aking siko. Rinig ko ang pagtigil ng mga tao sa aking paligid at ramdam ko ang mga mata nilang nakamasid sa akin. Nakakunot ang aking noo habang napataas ng tingin. "Mama, 'yong babae bakit ganoon ang amoy ng dugo niya—" hindi na naituloy ng bata ang kaniyang sasabihin nang hilahin siya papalayo ng kaniyang ina. Napalunok ako habang dahan-dahang tumayo. Agad naman akong pinalibutan ng mga tao sa pamilihan. Kinakabahan naman akong napaatras. "A-Anong—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang may humila sa aking kamay. Pawisan ang kaniyang mukha at mabibigat ang kaniyang paghinga. "L-Lukas, bakit—" "Shh, huwag ka nang magsalita, miss. Takpan mo iyang sugat mo," seryoso niyang bulong sa akin at masamang tiningnan ang mga nakapalibot sa amin. "Pare, hindi mo mapapakinabangan 'yang taong iyan. Ibigay mo na siya sa amin at bibigyan ka namin ng salapi," saad ng isang lalaki habang mariing nakatingin sa siko kong nagdudugo. Agad ko iyong tinakpan at napakagat sa aking ibabang labi dahil sa hapdi. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lucas at mahinang umangil. Napaatras naman ang mga tao sa pamilihan dahil doon. "Miss, kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka," bulong ni Lucas at hinapit ang ako ng bewang papalapit sa kaniya. Ramdam ko ang matipuno niyang dibdib na dumanggi sa aking likod dahilan para mailang ako. Napalunok naman ako sa aking sariling laway at napatanong, "b-bakit?" Bakit sila nakapaligid sa amin? Ano'ng ginawa ko? "Tumakbo ka nalang, susunod ako," mariin niyang saad at muling ngumiti sa akin. Huminga siya nang malalim bago masamang tiningnan ang mga taong nakapalibot sa amin. Pinisil niya ang aking bewang at agad na bumitaw. "Takbo!" sigaw niya at nagsimula akong tumakbo papalayo. Hindi ko na sinubukan pang lumingon nang marinig ko ang sigawan ng mga tao at pag-angil ng isang aso. Ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis sa aking noo nang may humigit sa aking bewang at isinampa ako kung saan. Labis ang aking pagkakagulat nang makitang nakasakay ako sa isang malaking aso—lobo! What the fu— Napatili ako nang muntikan na akong mahulog. Agad akong napahawak sa balahibo ng lobo at napapikit nang mariin. Tell this is just a dream, tell me this is just a dream, please tell me this is just a dream! Hindi ko na maiwasang mapatili ulit nang mapagtantong hindi nga ako nananaginip. "Bwiset! Hindi ako nananaginip!" iyak ko at pinagsusuntok ang aso. Rinig ko ang pag-angil nito dahilan para ako'y mapatigil. Lumingon ito sa akin at umangil pang muli. Natigilan ako nang makasalubong ko ang pamilyar niyang itim na mata. "L-Lucas?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD