"Are you joking me, Mal?! I looked... different! What happened to my previous face?!" iyak ko.
Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi ngunit agad ring ngumiti nang malaki.
"Don't worry, I can break the spell if I want to," saad niya. Agad akong nakahinga nang maliwag. Napatango na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
We padded lightly into the long yet familiar hallway. I can feel my chest tightened when we reached my old bedroom.
The thought of Di-A sleeping here alone chokes me.
Ilang beses akong napahinga nang malalim bago buksan ang pinto. Tahimik akong pumasok. Naiwan sa labas si Mal upang magbantay.
Napalunok ako. This room didn't even change... it's still spacious.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Nostalgic memories starts to flash on the back of my mind.
I swallowed again.
"Di-A?" tawag ko sa batang natutulog sa malaking kama. He moved a bit but after seconds passed he opened his eyes.
His confused face turned into shock. "Sino ka?!" aniya sa maliit at mababang boses.
I was only staring at him while he panic.
"Di-A..." naiiyak kong saad. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa sobrang pagkamiss sa kaniya.
"Sino ka..." tanong niya sa mas mababang boses. I swallowed the lump on my throat before answering.
"It's me... Angeline."
He looked at me with a confused face. "Anong nangyari sa mukha mo?" bakas ang kuryosidad sa kaniyang boses.
"I can't explain it here, I'm here to take you back," sagot ko. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi dahil sa kaba.
Ilang segundo niya akong pinagmasdan. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagiging masungit.
"Kung ikaw nga ang totoo kong ate, saan mo ako unang nakilala?" masungit niyang tanong.
Napangiti ako sa kaniyang litanya. "Sa gitna ng gubat—kung nasaan ang bahay mo," mayabang kong saad.
Lumambot ang kaniyang ekspresyon dahil doon. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagbalot ng kaniyang maliit na braso sa aking bewang.
Napaiyak ako sa kaniyang biglaang pagyakap.
"I missed you..." bulong ko. Ramdam ko ang mahinang pag-alog ng kaniyang balikat.
"Ba't mo ako iniwan..." iyak niya.
"Sorry," hagulgol ko. Humiwalay siya sa aking pagkayakap at ngumuso sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang luha at sipon.
"Inaaway nila ako," sumbong niya.
Bumakas sa aking mukha ang inis dahil kay Caroline. That old hag...
Tumingin ako kay Di-A at inakay siya palabas ng kwarto. "Let's go... let's leave here," mahina kong saad.
Ngunit pagkalabas na pagkakabas namin ay sumalubong sa akin ay isang sampal. Tumagilid pakaliwa ang aking ulo dahil sa lakas ng pagkakasampal.
Ramdam ko rin ang pamamanhid ng aking pisngi.
"Why do you have the nerve to escape from me and then come back?!" nangangalating sigaw ni Caroline.
Agad akong humarap sa kaniya at masama siyang tiningan.
"I'm taking Di-A with me."
Humigpit ang aking pagkakahawak sa palad ni Di-A. Ganoon din siya. Dahil doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.
"No. You can't!" sagot niya at sinubukang kunin sa akin si Di-A. Agad kong iniwas ang kaniyang kamay at masama siyang tiningnan.
"I'm not asking for a permission, b***h," mariin kong saad.
Sumama ang kaniyang tingin sa akin at agad na itinaas ang kaniyang kamay para sampalin akong muli. Ngunit napatigil iyon nang may pumigil sa kaniya.
"One is enough, Caroline," mataray na saad ni Mal.
"Sino ka?!" gulat at inis na wika ni Caroline.
Kumibit-balikat lamang si Mal at pabatong binitawan ang braso ni Caroline. "Yuck," bulong pa niya at tumingin sa akin.
Napadako ang aking paningin kay Caroline nang siya'y magsalita.
"I can't move..." nahihirapang saad ni Caroline. Naguguluhan akong napatingin kay Mal. Kumindat lamang siya sa aking at ngumiti.
"Let's go, Angel," aniya. Agad akong tumalima at sumunod sa kaniya.
Magkahawak kamay kaming sumunod ni Di-A. Palabas na sana kami ng palasyo nang harangan kami ng isang pamilyar na lalaki.
"Di-A, sino sila?" nagtatakang saad ni Oliver nang makita kami. Hindi ko maiwasang mapansin ang paraan na pagtitig ni Oliver kay Mal. Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon ni Oliver at tumingin sa akin.
Napalunok ako sa kabang nararamdaman.
Shit. s**t. s**t.
"Oliver? Where's Angeline?" Napako ang aking paa sa sahig nang makarinig ako ng isang pang pamilyar na boses.
Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso dahil sa boses na iyon. I swallowed as I gazed on my feet.
Humigpit ang aking pagkakahawak kay Di-A.
"Di-A, who are they?" rinig kong tanong ni Tobias sa mababang boses.
Napalunok ako bago dahan-dahang itinaas ang aking paningin sa kaniya.
"I'm—"
"—Tobias! Love, that two ladies are abducting Di-A. Stop them!" Agad kaming nagkatinginan ni Mal sa sinabi ni Caroline at agad na tumakbo papalayo kasama si Di-A.
Ngunit agad akong napatigil sa pagtakbo nang bumunggo ako sa isang matigas na dibdib.
Dahil doon ay napaatras ako at naramdamanan ko nalang ang pagtama ng aking puwitan sa sahig.
Masakit.
Ngunit ramdam ko ang matatalim at mainit na ipinupukol sa akin ng lalaking nasa aking harapan.
"Angel!" Agad na tumakbo papalapit sa akin si Di-A at hinawakan ako sa balikat. Masama niyang tiningan si Tobias.
"Huwag mong sasaktan ang ate ko!" he shouted. Ngunit hindi ko kayang ialis ang aking paningin sa lalaking nasa aking harapan...
Sa lalaking gabi-gabi kong iniiyakan. Sa lalaking naghatid ng sakit sa aking puso. Sa lalaking... patuloy ko pa ring minamahal.
"Who the f**k are you?" malamig niyang saad sa akin. Ramdam ko ang unting pagbigat ng aking dibdib sa kaniyang tingin na ipinupukol sa akin.
Right. He doesn't recognize me...
Tumiim ang kaniyang panga at humakbang papalapit. Agad akong tumayo at itinago sa aking likod si Di-A.
"I-I'm here to take Di-A back," matapang kong saad. Sinalubong ko ang kaniyang tingin at hinanda ang aking puso sa susunod na kaniyang sasabihin.
"Who are you to take him... back?" mababa niyang wika. Itinagilid niya ang kaniyang ulo at sinuri ang aking mukha. Dahilan para magwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.
"It doesn't matter, and it's none of your business..." mahina kong litanya. Sinubukan kong dumaan sa kaniyang gilid ngunit agad ring napatigil nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso at madiin itong hinawakan.
"That kid is in my territory, meaning he is one of my business..." mariing bulong niya sa akin.
Bumigat ang aking paghinga at itinago ang sakit na nararamdaman sa kaniyang paghawak sa aking braso.
"Again, I'm not asking for your permission," paos kong saad. Iniiwas ang aking paningin sa kaniyang mainit na titig.
Feeling ko ay sasabog ang aking puso sa kaba.
I can also feel my knees slowly weakened by his presence. Damn...
Agad na bumakas sa aking mukha ang sakit nang lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa aking braso. Napataas ang aking paningin sa kaniya.
Nang makita ang aking nasasaktang ekspresyon ay nakita ko agad ang pagsisisi sa kaniyang mukha at agad akong binitawan.
Nag-iwan ng malaking pasa ang kaniyang ginawa at ramdam ko ang panghihina ng aking braso.
"Love, did you get her?" Rinig ko ang papalapit na yapak ni Caroline. Kita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon at agad na lumayo papalayo sa akin.
"Yeah, I'll call Oliver to tell the guards to lock all the doors..." Sumulyap siya sa akin at lumapit. Hindi ko mapigilang mapaatras dahil doon. Kinuha niya si Di-A sa akin at agad na naglakad papalayo.
"No..." pabulong kong saad. Kitang-kita ko ang pagtutol sa mukha ni Di-A habang naglalakad ngunit napako ang aking paa sa sahig.
Marahas akong napabuntong-hininga. f**k!
May lumapit sa aking dalawang guwardiya at iginaya ako sa isang kwarto. Maliit lamang ito at tamang-tama lamang sa isang tao. The whole room was dirty but I don't care. I tried opening the door but it's locked on the outside.
Rinig ko ang papalapit na yapak ng kung sino kaya aking inabangan itong pumasok.
"How does it feel, Angeline? How does it feel na hindi makilala ng sarili mong mahal? Does it hurt?" nakangising salubong ni Caroline sa akin.
Masama ko siyang tiningnan. Hindi alintana ang bigat sa aking dibdib na nararamdaman. "I don't deserve this, Caroline..." aniko. "Let me take Di-A with me... please."
She laughed at me sarcastically. "My dear Angeline. You deserve this... you're a disgrace to our generation. You should feel pain. Psychically and mentally, you're good for nothing, lady!"
Mariin akong napakagat sa aking ibabang labi.
"Tama na..." Tears continuously come down on my cheeks. I can't help but to breakdown.
A year of pain is enough. I'm tired. Di-A is only my family I can treasure. Bukod sa kaniya ay wala na...
Tinakpan ko ang aking mukha at mahinang napahikbi. I don't know anymore... I want breathe properly without thinking about this bullshits.
Rinig ko ang huling sinabi ni Caroline bago umalis sa loob ng silid. "This is just the beginning of your pain, Angeline... prepare for the worst."