Chapter 1

1725 Words
~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV) "Zice, ano ba? Saan mo ba ako dadalhin? Baka hinahanap na ako ni Mang Danny!" "Basta!" saad ko at nagpatuloy sa paghila sa kamay niya palabas ng campus. "Zice, sandali! Saan ba kayo pupunta, huh?" sigaw naman ni Halene habang patuloy pa rin ako sa paghila sa kamay ni Chanel. May nakita kasi akong mga tutubi sa pangatlong kanto kanina. Gusto ko lang ipakita ang mga iyon sa kanya kasi... hindi ko sila mahuli. "Zice, let go of me. I want to go home na!" reklamo nito. "Sandali lang, may ipapakita lang ako sa'yo. Sigurado ako magugustuhan mo sila." Nakangiting sambit ko na puno ng excitement. Napahinto rin ako nang marahas nitong bawiin ang kamay mula sa akin. Agad akong bumaling sa kanya. "Why do you always hold my hand? Why do you always go near me? We are not friends, right?" Magkasalubong ang mga kilay na sabi nito. Kahit na ganoon ay ito pa rin ang pinaka-maganda sa paningin ko. "Oo nga, hindi nga kayo friends pero gusto ka niyang maging girlfriend, Chanel!" Singit ni Halene. "We are too young. Mommy will get mad. At tsaka... hindi naman kita gusto eh. Ayoko sa'yo," diiretsang sabi nito. Sabi nila seven pa lang ako, bata pa raw ako para maging seryoso sa nararamdaman ko pero sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Para iyong tinutusok ng maraming karayom. "Ayaw ko sa'yo. Wag mo na ulit kukuhanin ang kamay ko at tsaka wag ka nang lalapit sa akin." Kinuha ko ang braso niya. "Eh 'di ba, gusto mong kasama ako makakita ng maraming fireflies?" "I can see them alone. Go away. I really don't like you." "Bakit? May gusto ko na bang iba?" I asked frowning. "Wala. Hindi lang talaga kita gusto at tsaka hindi kita gusto kahit kailan. Kahit kailan hindi. Kaya wag ka nang lalapit sa akin, okay?" "Bakit hindi mo ako gusto?" tanong ko na namumuo ang luha sa mga mata. "Basta! Ayaw ko sa'yo!" Tumalikod ito sa akin at nagsimulang tumakbo palayo. Nanatili lang akong nakatingin sa direksyon nito kahit pa hindi ko siya makita nang maayos dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang siya ring pagpatak ng ulan sa ulunan ko. "Oh my gosh!" Narinig kong sabi ni Halene. "I have to open my umbrella. Rain is dirty and my skin is very sensitive," maarteng sabi nito. Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa direksyon niya hanggang sa nawala na si Chanel sa paningin ko. "Zice, the rain is getting heavy! Don't you have an umbrella inside your bag? Ay, walaaaa? Are you poor na? Zice, you're soaking wet na! Come on, find a shelter! I can't share my umbrella to you, this is too small for the two of us." Naririnig ko siya pero wala akong naiintindihan. Ang alam ko lang hindi na niya ako gustong makasamang makakita ng maraming fireflies. Hindi ko rin nararamdaman ang malakas na ulan. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang palayo. "Zice, I will call our driver. Don't go too far, I don't want to follow you!" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Halene. "Can you still remember that day na para kang talunan na naglalakad sa ilalim ng ulan?" "How can I forget?" sabi ko at sumimsim sa frappe na in-order ko. "Hindi mo ako pinasilong sa payong mo." Tumawa ito nang malakas. We were best friends since we were young dahil nagkakasundo kami sa halos lahat ng bagay. "7 years old pa lang tayo heartbroken ka na at busted ka na agad kay Chanel." "Psh, we were too young at that moment." "Pero aminim mo, hindi mo pa rin nakakalimutan because that day na sinabi niyang ayaw niya sa'yo at hindi ka niya kailan man magugustuhan really broke your heart." "Sandoval ako. Lahat ng gusto ng Sandoval nakukuha niya." "Well, let's see. Baka si Chanel lang pala ang magpapakain sa'yo ng buhangin,"nakangising anito. "Have you asked her to date you sa prom AGAIN?" "I'm planning to ask her today." "Gusto mo bang pumusta?" she asked raising an eyebrow. "100,000, I'll give the money to you, CASH kung mapapasagot mo siya ng yes. Pero kung hindi, ikaw ang magbibigay sa akin ng 100,000." I remained looking at her. Psh, kailan pa siya natutong mag-offer ng deal sa akin? Lalo pang lumapad ang ngisi nito and she leaned closer to me. "What's happening to the only Sandoval na magaling pumusta at walang inuurungang deal? Bakit parang umuurong yata ang dila mo ngayon?" She really knew how to annoy me. "You can't accept to the deal, right? Dahil sigurado ka sa nararamdaman mo para sa kanya pero hindi ka sigurado sa nararamdaman niya para sa'yo. And... you know you can control everything, but not her. She's your 21 years frustration. The only person you can't get." I glared at her. "I can get whatever I want." "And that's your biggest lie to yourself. Can you hear Chanel whispering? 'Not all that you want, Sandoval...'" Humalkhak ito nang balibagin ko siya ng isang kumpol na tissue. "I'm already happy now, I've already ruined your day." Hindi nawala ang ngisi sa mga labi nito. Kinuha niya na ang handbag niya sa ibabaw ng mesa at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Good luck, lover boy." "Psh…" Pinanuod ko lang itong lumabas ng coffee shop. What a b***h. Sinabihan ko agad ang mga alipores ko pagdating ko sa campus tungkol sa plano. Nagawa na agad nila ang banner na may nakalagay na 'Will you be my prom date?'. Nakakuha na rin ng mga bulaklak at balloons ang mga ito. Hinintay kong matapos ang klase ni Chanel sa labas ng classroom niya at hinintay ko na rin siyang lumabas. Katulad dati ay tumingin lang ito sa mga mata ko na walang kahit anong emosyon, hindi katulad ng ibang mga babae na parating excited na makita ang ka-gwapuhan ko. Humarang ako sa daan nito at mabilis kong inabot sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak. Agad namang tinaas ng mga alipores ko ang banner sa likuran ko. I didn't mind the other students around na nagsimula nang magbulungan at magchismisan. Binigyan ko ito nang malapad na ngiti. "Chanel Gabrien, will you be my prom date?" "What is this again?" malamig na tanong nito. "I want you to be my date." "Well... I don't want to be your date." Nilagpasan ako nito at nagpatuloy sa paghakbang palayo. Parang bubuyog ang mga tao sa paligid na kanya-kanyang bulong. "Awwww!" sigaw ng mga alipores ko na isa-isa kong pinaghahampas ng bouquet sa bunbunan. They didn't have to f*****g annoy me. Binagsak ko sa sahig ang natira at tinapakan iyon. Ibang klase talaga ang babaeng iyon. Ilang beses niya na bang niyurakan, pinilipit, binubgbog, hinagis at pinatumba ang pride ko? Pitong taon na niya akong tinatangihan na maging prom date niya at kapag sinu-swerte nga naman ay pang walo ko na ngayon. Hindi ko napigilan ang pagtatangis ng mga bagang ko at ang pagkuyom ng mga palad ko. "Boss, next year naman ulit." "Hanggang may buhay may pag-asa." Anong pinagsasabi nila? Hindi na ako papayag na hindi niya pa rin ako gawing date ngayon! "Boooss!" Sigaw ng isa sa kanila. Namimilog ang mga matang lumapit ito sa akin at kinuha ang braso ko. Marahas ko iyong binawi sa kanya na naka-angat ang sulok ng labi. "Psh, sinabi nang ayoko nang hinahawakan ako." "Boss, si Madame President, papunta rito!" Agad namilog ang mga mata ko. "A-Ano?" Agad akong bumaling sa mga alipores ko. "Itabi niyo 'yan. Itabi niyo." "Boss anong gagawin namin dito sa balloons?" "Lunukin mo!" "Patay na naman tayo kay Madame President, boss." Lalong namilog ang mga mata ko nang makita kong malapit na ito. "Takbo!" sigaw ko at nagmamadali akong kumaripas ng takbo papunta sa ibang direksyon. Kumubli agad ako sa likod ng pader habang malakas ang kabog ng dibdib ko. Napadaing ako nang makita kong nabangga pa ito ng isa sa mga alipores ko. "Hays, tanga talaga..." mahinang bulong ko. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harap ni Ate para lang humingi ng pasensya. Katulad ng dati ay wala pa rin akong nakitang emosyon sa mga mata nito na lalo kong ikinakaba. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kapag nalaman niyang hindi na naman ako pumasok sa klase ko magiging empyerno na naman ang buhay ko. Haaay! Bakit ba naman kasi ang tanga-tanga niya? Tatakbo na nga lang siya ay ito pa ang binangga niya. Pasalamat siya at hindi nito pinadugo ang ilong niya o 'di kaya ay na-super combo nang malakas na sipa at sapak nito. Nagmamadaling umalis ang mga estudyante sa paligid. Pati ako ay nagmadali na ring pumunta sa classroom ko dahil baka dumaan ito roon. "Mr. Sandoval..." sambit ng professor ko. Hindi ko ito pinansin at dumiretso ako sa upuan ko at nagmamadaling nilabas ang libro ko. Tinapat ko agad iyon sa mukha ko lalo pa nang makita kong malapit na itong dumaan sa classroom ko. Nagpanggap akong tutok at binabasa iyong mabuti. Naramdaman kong mabilis na tumayo ang mga classmate ko kaya naman nagmadali rin akong tumayo. "Good afternoon, Madame President." They greeted her. Bahagya kong binaba ang librong nakatabing sa mukha ko para makita ko ito sa labas ng pinto. Sunod-sunod akong napalunok nang makita kong sa daming estudyante sa loob ay sa akin lang ito nakatingin. Those eyes were powerful kahit pa madalas ay walang emosyon doon. Kahit tingin niya pa lang nagiging mabait na ako. Pinilit kong ngumiti rito at nilaparan ko pa iyon hanggang tainga. Baka sakaling makuha ko ito sa ngiti. Tinanggal niya rin ang tingin sa akin at nagpatuloy na sa paghakbang palayo. Agad akong humugot ng malalim na hininga at ganoon rin ang mga kaklase ko. Wala yatang estudyante sa campus na hindi takot sa kanya. "Mr. Sandoval, gan'yan ka ba magbasa ng libro?" tanong ng professor ko. Wala sa loob na napatingin ako sa librong hawak ko at namilog ang mga mata ko nang makita kong nakabaliktad iyon. "And please put that book inside your bag. Erotic comics or whatever cartoon p*********y is not my subject." Wala sa loob na napatingin ako sa librong hawak ko. f**k? Malakas na nagtawanan ang mga ka-klase ko. Most of them even shouted. 'Idol!' 'Ibang klase ka talaga!' 'Mabuhay ka!' Argh… siguradong patay na naman ako nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD