~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV) "Uy! Brayle! Helix!" tawag ko sa mga ito habang sinusundan sila. Hindi man lang ako nilingon ng mga ito kaya naman huminto na rin ako sa pagtakbo palapit sa kanila. Napabusangot na lang ako. Alam ko naman naririnig nila ako. Hindi ko alam kung pina-prank lang ako ng mga ito or they were really ignoring me. I thought of bad things I did to them the past few days pero wala akong maalala. Ilang araw nang ganoon ang mga ito. Ni ayaw nila akong kasabay sa breaktime. Psh, bakit ba hindi nila ako pinapansin? They were also ignoring my messages and my calls. Natapos ko ang unang klase ko na malayo ang iniisip ko. I tried going to private building but the guard didn't allow me. Utos daw iyon ni Ate. I tried ranting to her but she just told me na marami siyang gin

