Faint voices, silhouette objects... What's going on? parang nagkakaroon ng kaguluhan dito... May dalawang kamay ang nakahawak sa magkabilang kamay ko. Sa kaliwa ay malamig na palad ang mahigpit na kumakapit sakin, habang sa kanan ay mainit na palad ang humahawak sakin. Nang maka-adjust na paningin ko tumambad sakin sina Loki at Maria. "Ash, gagawin na namin ang transplant, kaya kumalma ka lang." "Transplant?" Namamalat na tanong ko. "Critical ngayon ang Hero mo, nasa limitation na sya at kung hindi maibabalik ang puso sa kanya, mamatay sya." Dama ko ang pag-aalaala at kaba ni Loki, may kung anong usok galing sa kandila syang pinasinghot sakin. "Save him, no matter what." Nahihilo na sambit ko, pagtingin ko sa kanan. Laking gulat ko nang makita ko ang matamlay na ngiti ni Warren sakin

