"Naomi, pumunta ka na doon sa great hall pakidala na lang itong mga bulaklak at ilagay mo sa mga vase doon." Utos ni Violeta sakin kinuha ko naman yung red and black roses. "Uhmm.. Madame ano po'ng magaganap sa great hall? May party po ba?" Magalang na tanong ko. "Oo, engagement party nila Prinsepi Theodore at Lady Luna dalian mo na ilagay mo na yan doon." O_o! Loading...Loading...Loading... POTANGNA! ENGAGEMENT PARTY! Pakiramdam ko umuusok yung ilong ko sa galit kung maka i love you si Hero sakin kahapon akala nya wala ng bukas maybe wala na nga dahil ENGAGE na sya kay bitchy Luna! Hahaha baka prank nya lang sakin 'to at ako talaga yung engage sa kanya. Tama! Tama... Parang gumuho lahat ng positive thoughts ko nang makita ko sila Luna at Hero, magkahawak kamay habang nakikipag-usa

