Natigil ako sa paglakad nang makita ko ang isang lalake sa di kalayuan. May dala itong basket ng assorted flowers at nilapag nya iyon sa isang puntod. Nakatunghay lang ako sa kanya habang may yakap-yakap akong kumpol ng puting rosas. Akala ko'y ako ang makakauna na mag alay ng bulaklak sa puntod ng kuya ko yun pala naunahan ako ni Chief Romero. "Kamusta? Head Chief, alam nyo mali pagkakakilala ko sa kapatid nyo kung susumahin mas magaling pa sya magpalakad ng isang organization, dedicated sya sa ginagawa nya at halos ibuhos lahat ng oras para lang sa mga hunters, mag-kapatid talaga kaayo pareho nyo pinagsusumikapan ipag-patuloy ang nasimulan ng magulang nyo." yun ang narinig ko sa kanya, dahan-dahan naman ako lumapit sa puntod ng kuya ko. "Chief Romero Sorry po talaga." Bago pa sya lumi

