“Thank you,” pilit na ngumiti si Mandie nang iabot sa kaniya ni Romina ang coin na ihahagis niya sa Trevi Fountain. Ang Trevi fountain na matatagpuan sa Rome ay isa sa pinakakilalang fountain sa buong Italya at maging sa buong mundo. Yari iyon sa bato at madalas na puntahan ng mga turista. Madalas na ibida sa kaniya ng ama ang tungkol sa sikat na lugar na iyon kaya naengganyo siyang puntahan iyon kasama si Romina. Pumikit siya at huminga ng malalim. Alam niya ang tungkol sa alamat ng fountain at marami na daw mga kahilingan ang natupad sa lugar na iyon. Pinagsalikop niya ang mga palad at taimtim na sinabi niya sa sarili ang kahilingan niya. Sana bumalik na siya…nakikiusap po ako. Sana bumalik na po si Taru. Piping hiling niya at itinapon sa fountain ang hawak niyang coin. Naririnig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


