15

992 Words
“Good morning,” Naalimpungatan si Mandie ng may maramdaman siyang mainit na bagay na dumadampi sa isang braso niya. “Taru?” agad na napangiti siya. Ginising siya nito sa pamamagitan ng munting mga halik nito. Inalalayan siya nitong bumangon at isandal ang likod sa headboard ng kama. “Morning, beautiful. Pinagod ba kita kagabi?” Awtomatikong namula ang mga pisngi niya dahil sa narinig. Sinuklay niya ng mga daliri ang magulong buhok at itinaas ang kumot para matakpan ang dibdib niya. Wala na siyang kahit anong saplot sa katawan at nasisiguro niyang ganoon din si Taru. Nang maalala ang unang gabi niya sa bahay nito ay parang may kung anong kumiliti sa puso niya. Ilan beses siyang inangkin ni Taru kagabi. Naroong gigisingin siya nito dahil uungot ito sa kaniya at maglalambing. Kahit antok na antok at masakit ang katawan ay kusang lumalambot ang puso niya sa tuwing makikita ang pagkasabik sa mga mata ng lalaki. Ngayon nga ay parang hindi na siya makabangon. Baka magpahinga na lang siya buong araw dahil masakit din ang mga binti niya. Alam niyang masasanay din siya sa ganoong bagay dahil palaging sinasabi ng mga kakilala niya na sa una lang naman daw masakit ang pakikipagtalik. Kung tutuusin ay hindi na siya virgin. Iyon na ang pangalawang beses na ibinigay niya kay Taru ang sarili niya. Pero malaking lalaki ito at higit sa lahat ay malaki rin ang….. awtomatikong bumaba ang mga mata niya sa bagay na naroon sa ibaba ng mga hita ni Taru. Mabuti na lang at nakabalot din ito ng kumot kaya hindi niya nakikita. Baka kasi pasukin na naman ng kamunduhan ang utak niya. Nang sulyapan ni Mandie ang orasan ay napakunot noo siya nang malaman na alas onse na pala ng tanghali. Malakas na napasinghap siya. “Late ka na sa trabaho mo!” “Hey, hey, hey,” natatawang umusod si Taru palapit sa kaniya at inipit sa gilid ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok niya. “Ako ang boss kaya kahit anong oras ako pumasok, pwedeng pwede.” Napalunok siya nang mapagmasdan ang mukha ni Taru. Napakagwapo talaga nito. Kahit nakasimangot o nakangiti ay talagang gwapo ito at malakas ang s*x appeal. Ito ang klase ng lalaki na lilingunin ng lahat habang naglalakad sa isang mataong lugar. Si Taru ang isang halimbawa ng Prince Charming sa fairytale book. “Nag day off ka?” hindi makapaniwalang tanong niya. Nakwento sa kaniya ni Manang Marcy na mahigpit at istrikto sa trabaho ang binata. Sa kaunting pagkakamali ay tinatanggal nito ang isang staff. Kahit daw sa kompanya ay kinatatakutan ito dahil sa pagiging moody nito. Hindi man niya iyon makita sa lalaki ay gusto niyang baguhin nito ang ganoong ugali. Hindi nito dapat na ituring na robot ang sarili lalo na ang mga tauhan nito. Dapat itong makisama dahil naniniwala siya na kahit wala na itong pamilya maliban sa sariling ama ay maaari itong mahalin ng mga empleyado nito. Napag alaman pa niya na ‘Monster boss’ pala ang tawag dito ng lahat. Hindi rin daw uso ang day off kay Taru. Kahit linggo ay subsob ang ulo nito sa trabaho. Kung hindi sa opisina ay sa library daw ito ng mansiyon naglalagi. Napakalungkot ng buhay nito dahil kahit maraming tao sa paligid nito ay alam niyang mag isa lang ang pakiramdam nito. “Ako rin ba pwedeng mag day off?” nakangiwing sabi niya kay Taru. “Huh?” anito at dumako ang mga mata sa tinitingnan niya. Ang bagay sa pagitan ng mga hita. Mukhang naintindihan naman iyon ni Taru dahil tumango lang ito at kinintalan siya ng magaang halik sa ilong. “Good morning pala,” naalala niyang bati dito. “Ay teka nga pala,” dinampot niya sa bedside table ang isang ballpen at notebook. “Ano iyan?” nagtatakang tanong nito nang makita na may isinulat siya sa papel. “Agreement.” “Agreement?” “Oo, kagabi pa kita hinihintay para dito. Gusto ko may kasunduan tayo sa pagtira ko dito.” “Hmmm…” tumango ito at tumabi sa kaniya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya at sumulyap sa notebook. “Payag ako,” “Meron akong tatlong rules at dapat ikaw meron ka din.” “Okay,” “Una, dapat kapag weekends uuwi ako sa amin,” “What?” “Dalawang araw lang iyon,” “Baby!” “Ayaw mo?” “Hindi naman sa ganoon kaya lang, pwede ka naman bumisita sa kanila. Pamilya mo sila kaya hindi ko ipagkakait iyon sa'yo. Pero ang hindi ka makatabi sa gabi? Balak mo ba akong i-t*****e?” punong puno ng pagtutol ang mga matang kontra nito. “Mister, twenty nine years mong nagawang matulog na hindi ako katabi. Maano ba naman iyon twice a week na wala ako dito?” “Okay,” tila napipilitang sabi na lang nito. “Pangalawa, bago ka magdesisyon tungkol sa ating dalawa, ipaalam mo na muna sa akin.” Tumango ito. “Pangatlo, kailangan mong sundin ang lahat nang sasabihin ko. Kapag sinabi kong matutulog tayo ng maaga, matutulog tayo. Bawal kang mapagod at mastress sa trabaho. Bawal ang magpuyat. Bawal ang magtrabaho kapag linggo.” Habang nagsasalita ay isinusulat niya sa notebook ang ginawang kasunduan. “Ikaw naman,” pukaw niya sa pananahimik ni Taru. Ngumiti lang ito at saka nagsalita. “First, gusto ko na ipaalam mo sa akin ang lahat lalo na kapag may problema ka, ayoko na naglilihim ka sa akin, second, I'm a jealous type of guy, dapat ako lang. Third, I can give you everything at isa lang naman ang gusto kong kapalit niyon.” “Ano?” bumilis ang paghinga ni Mandie nang gumapang ang mga kamay ni Taru sa ilalim ng kumot na bumabalot sa katawan niya. “Ikaw.” Heaven! Wala pa yatang balak si Taru na ibigay sa kaniya ang day off na iniungot niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD