Laglag ang mga balikat at tutop ang bibig upang pigilin ang hikbi na pilit kumawala sa bibig ko.I just received a text from an unknown sender informing me na isinugod sa hospital ang Nanay at nasa kritikal itong kalagayan.Lagi daw nitong tinatawag ang pangalan ko at lagi akong hinahanap.And I was asked to come home immediately. Tila huminto ang ikot ng mundo ko pagkatapos ko iyong basahin. Last time ko itong nakausap ay okay pa ito. Bakit biglang nagka ganito? May binabayaran akong taga alaga kay Nanay para kahit wala ako sa tabi niya ay may makasama at makatulong ito sa mga gawain sa bahay. Kahit hindi kami nagkikita ng Inay sa loob ng mahabang panahon ay lagi ko itong katawagan.Simula ng umalis ako sa Lungsod namin ay tanging tawag sa telepono o cellphone ang way communication namin.Mula pagka graduate ng high school hanggang sa maka-graduate ng college,hanggang sa nakapagtrabaho ay talagang tiniis kong mapag-isa.At tanging ang pakikipag-usap lang kay Inay ang nagbigay sa akin ng loob na kayanin lahat ng pagsubok sa buhay ko. Lahat ng ganap sa buhay ko ay alam nito kahit di ko man ito physically kasama.Nakasanayan na namin iyon ng Inay dahil alam nito kung gaano ang hinanakit ko sa mga taong naging dahilan ng paglayo ko.At ng e suggest ko dito na kumuha sya ng makakasama sa bahay ay napilit ko ito.Ng sumunod naming pag-uusap ay ibinalita nito sa akin na may nakuha na nga ito na kakasamahin sa bahay.Napanatag ako ng marinig ko iyon,at ng minsan akong tumawag muli ay kinausap ko ang dalaga na kasama nya na mag install ng messenger para naman pwede ko silang e video call ng Inay.Namimiss kong makita ang mukha ng Inay pagkatapos ng mahabang panahon.Sinunod naman nito ang bilin ko kaya hanggang nung huli naming pag-uusap ni Inay ay napansin ko ngang medyo pumayat ito. At ngayon, ito ang balitang natanggap ko. Bigla akong nanlumo sa nalaman ko ngayon. Ayokong isipin na may mangyayaring masama sa kanya.Ayokong may mangyaring masama kay Inay. Nang mahimasmasan ako ay agad kong iniligpit ang mga gamit sa opisina. Kailangan kong mag book agad ng ticket pauwing probinsya namin. Wala akong dapat na sayangin na oras. Sa hinaba-haba ng panahon na wala ako sa tabi ni Inay, ay sa mga sandaling ito nya ako mas higit na kailangan.
Pagkatapos ibilin lahat sa secretary ko ang mga importanteng bagay habang wala ako ay nagpaalam ako sa boss ko at ipinaliwanag dito na may emergency ako sa probinsya.Bahagya pa itong na sorpresa sa biglaan kong pagpaalam. Aware kasi ito sa lahat ng pinagdaanan ko dahil naging malapit na ako rito. At sa mahabang panahon ng panunungkulan ko sa kompanya nito ay nag-iba ang pakikitungo nito sa akin. At hindi ako manhid para hindi iyon mapansin.He fully knew how he stands in my life.And he assured me that he is willing to wait hanggang kaya ko ng harapin at buong wakasan ang masama kong kahapon. Napakabait nito. Kaya deserve nya din ang buo kong ibigay lahat sa kanya pag nagkataon mang bibigyan ko itong ng pag-asa.
I booked a ticket online at mamaya ay lilipad na ako pabalik ng Davao.
How long has it been since I last been there? Matagal na.
Muling nagflashback sa akin ang lahat. At ngayong pabalik ako doon ay muli ko na namang uungkatin ang sakit ng kahapon na kailanman ay di pa kayang itapon nalang at limutin ng isipan.At syempre pa ng puso kong kailan man yata ay di pa naghihilom.
Pagka-graduate ng high school ay napagpasyahan ni Nanay na sa Maynila na ako manirahan.Kinabukasan after graduation ay lumuwas kami at naghanap ng dormitory sa malapit lang sa papasukan kung University. Nang makahanap kami ay doon na ako nanatili at si Nanay nalang ang bumalik mag-isa sa probinsya namin sa Davao.Nakakalungkot ang paghihiwalay naming iyon pero kailangan ko talagang tiisin.Gusto nya rin akong ilayo sa gulo at init ng sitwasyon sa amin.Masakit man sa kalooban ko ay kailangan ko itong tanggapin.Pinayuhan ako ni Nanay na manahimik na lang at huwag ng patulan pa ang mga taong nagdulot noon sa akin kahit pa kapalit nito ay reputasyon at pangalan naming mag-ina.Oo,kaming dalawa nalang ni Nanay ngayon.Dahil bago pa man ang graduation ko ay binawian ng buhay ang Itay dahil sa sama ng loob sa nangyayari sa akin. Nakaka-guilty sa part ko dahil feeling ko ako ang may kasalanan niyon.Pero anjan si Inay at ipina-intindi nya sa akin ang lahat. Nagpapasalamat ako dito dahil kahit pa man sa lahat ng nangyayari at pangungutya ng mga tao sa amin pagkatapos ng malaking eskandalo na kinasasangkutan ko ay di ito nawala sa tabi ko.Bagkus ito pa ang tagapagtanggol ko.At buo ang paniniwala nya na nagsasabi ako ng totoo. Napakalaki ng tiwala ng Inay sa akin.Kaya isinumpa ko sa sarili na iingatan ko ang Inay kahit malayo ako. At hindi ko ipagsawalang-bahala lahat ng ginawa nyang sakripisyo para sa akin.
Di ko mapigilan ang pag -iyak habang hatid ng tanaw ang Inay ng araw na iyon.Napakasakit niyon para sa akin na magkakahiwalay kami ni Inay.Sinisisi ko ang sarili ko at ang mga taong akala ko ay mga mabuting tao pero sya rin palang aahas sa akin. Pinapangako ko,babalik ako doon at itatama ko ang lahat pagdating ng panahon.Ngayon ay titiisin ko muna ang pangungulila at pag-iisa ng wala ni isa mang kasama.
Sa murang edad kong iyon ay maaga kong natutunan kung paano maging independent..Ginawa ko lahat ng mag-isa.I took care of myself.I strive to excell in my studies kahit wala si Inay na gumabay sa akin physically.Maaga kong natutunan ang mga bagay-bagay sa buhay.Mas lalo ko ring natutuhan paano makipagsalamuha at kumilatis ng tao.Ayoko ng maulit pa ang mga pangyayari pa na nadaanan ko sa amin.Nasanay na rin akong magpakatatag para sa sarili ko. Tiniis ko ang di makita at di makasama man lang kahit sa importanteng okasyon at selebrasyon ang Inay. Birthdays,pasko at bagong taon ay mag-isa lang ako peor kinya ko dahil alam kong iyon din ang ginawa ni Inay.At tanging tawag lang nito ang kukumpleto sa nararamdaman ko sa mga okasyon at panahon na ganun. Nagsusumikap ako hanggang sa nakapagtapos ng BSA.After graduation ay nakapasok agad ako ng trabaho as Financial Consultant sa isang known furniture company sa bansa. At dito ko nga nakilala si Daniel.My hunky boss who is currently courting me.
Naramdaman ko na ang bahagyang pag-angat ng eroplano sa ere. Kinuha ko naman ang earpiece at inilagay iyon sa aking tenga.Gusto kong magpahinga habang nasa byahe pa.Dahil iisipin pa lang na babalik ako sa lugar namin ay nagbigay na sa akin ng kakaibang kaba. Kahit ba matagal na panahon na ang nagdaan ay di ko pa rin mapigilan ang sariling kabahan. Alam kong one of these days ay magku-krus ang landas namin ng mga taong iniwasan ko noon.Though I've long prepared myself for such possibilities ay di ko pa rin maiwasan ang kabahan.Pero need kong magpakatapang. Kuta na ako sa mga pang-aapi nila.Ngayon,ibang Sofia na ang makakaharap nila.