"Okey ka lang? Gusto mo na bang umuwi na tayo?" tanong ni Cedrick kay Janna na noon ay tila wala sa sarili. Nasa loob na ulit sila ng kotse na nakapark sa parking lot ng hospital pero hindi pa niya magawang magmaneho pabalik dahil parang wala pang lakas ang kanyang mga braso. Kalalabas lamang nila galing sa loob ng hospital. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kanyang isipan ang lahat ng sinabi ng Doctor na nagcheck up kay Janna. Lalo na ng usisain ng Doctor ang tungkol sa karanasan ni Janna sa lalaki. Ipinagtapat ni Janna ang tungkol sa namagitan sa kanila at ang tungkol sa namagitan dito at sa sakristan. Tinanong ng Doctor kung ano ang naganap ng sandaling iyon, nais sana niyang lumabas ng silid na iyon dahil ayaw niyang marinig ang mga naganap tungkol sa dalawa pero hindi siya pina

