Ilang araw lamang ang naging preparasyon ng kasal ni Cedrick at ni Janna. Wala namang gaanong preparasyon kasi inayos lamang nila ang mga dapat na lakarin para maging legal ang kasal nila kahit na sila-sila lamang. Maging ang pari ay pinaki-usapan nila na hindi magtalaga ng sakristan o kaya ay seminarista na magsi-serve dito. Nagboluntaryo si Mr. Peliciano ang asawa ng kaibigan ng mommy ni Cedrick na umampon kay Janna Mae. Sa bahay na rin nila Cedrick gaganapin ang konting salo-salo. Hanggang ngayon parang hindi pa rin makapaniwala si Janna na kinabukasan ay kasal na nila ni Cedrick. Nang araw din na iyon, dumating na din si Senyora Eliza ang lola ni Cedrick kasama nito si Ate Anding na isa sa pinaki-usap niya dito. Kung maaari ay isama dahil ito lang naman kasi ang tumatayong Ate niya s

