Chapter 66

1716 Words

"Janna sagad na talaga sa buto ang kasamaan mo! Pati mga taong nagmamahal sayo na umampon sa iyo tinanggap ka ng buong-buo tapos ngayon sasaktan mo sila?! Anong klaseng nilalang ka! Kanina akala ko nakukonsensya ka sa nagawa mo dahil nalaglag ang baby ko, pero ngayon sinasabi mo sa amin ni Cedrick na may balak kang masama sa mga magulang mo. Gaganti ka sa kanila, para saan? Anong nagawa nilang masama sayo? Bakit naisipan mo ang bagay na iyan? Hindi ko alam na ganyan ka pala punong-puno ng galit ang iyong puso!" pang-uusig ni Janna kay Janna Mae. "Tinatanong mo kung bakit? Tinatanong mo kung bakit ko nagawa iyon?! Sila lang naman ang may-ari ng truck na iyon na nakabangga sa mga magulang ko at naging dahilan para mamatay sila ng sabay at naging dahilan kaya naulila ako!" pagsisiwalat ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD