Naalimpungatan si Cedrick nang marinig ang mahinang katok sa pinto ng kanyang silid at paanas na pagtawag sa pangalan niya. Pinakiramdaman muna niya iniisip na baka nananaginip lang pero muli niyang narinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. "C-Cedrick buksan mo ang pinto!" medyo malakas na ang boses na tawagan nito sa kanyang pangalan. Napakunot-noo siya dahil nabosesan niya si Janna. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at mabilis na lumapit sa pintuan para buksan iyon. Nag-aalala kasi siya sa babae iniisip niya na baka may nangyari dito. "Jan—," ngunit hindi na niya naituloy dahil agad na sinibasib siya nito ng halik sa labi. Na ikinagulat niya napansin din niya na ini-lock nito ang pintuan ng kanyang silid ng makapasok na rin ito sa loob. Gulat na gulat siya sa kapusukan nito

