Naiwan na lang ako at ang mag-aayos sa akin sa kuwarto. Buong oras na inaayusan ako ramdam ko ang antok. "Dumilat ka na, Ma'am. Tapos ka na naming maayusan," sabi ng make-up artist. Dalawa sila ngayong nag-aayos sa akin, isa sa pag-make-up at isa naman sa nag-aayos sa buhok ko. Pagkadilat ko sa mga mata. Isang maaliwalas na mukha ang nakita ko sa salamin. Mahahaba ang eyelashes extensions na nilagay nila, parang natural lang. Isang pink na may gold ang nilagay sa eyeshadow ko. Pinkish ang pisnge ko at tumangos lalo ang ilong ko dahil sa contour na nilagay. Ang panga ko naman at mas lalo lang dumipena. I wear a red lipstick. Maayos na nakalugay ang buhok ko, kinulot nila ito ng pahaba na bumagay sa itsura ko ngayon. "Thanks.... Nagustuhan ko," nakangiti kong sabi sa kanila. Ang

