Hindi mo talaga makikilala ang isang tao kapag hindi mo ito nakakasama. Kaya kung gusto mong makilala ng lubusan ang lalaking gusto mong makasama, magsama muna kayo sa iisang bahay at doon niyo lang makilala ang isat-isa. That's what I realized while we are going back to his rest house. Medyo malayo-layo rin pala ang bayan na 'yon. "Nagpapunta ka pala ng mga tao sa resort mo galing doon sa bayan?" tanong ko kay Peter nang maalala ko ang sinigaw ni Mang Kanor bago kami umalis sa Isla na 'yon. Kasalukuyang umuupo si Peter sa isang puting silya na gawa sa bakal. Nakasuot siya ng shades dahil na rin tirik ang araw sa gitna ng dagat. Nakasuot na rin ako ng shades at medyo pinagpawisan na kahit may bubong naman ang yatch. "Mangingisda si Mang Kanor at palagi silang dumadaan sa resort sak

