Chapter 7: Entrepreneur

2161 Words
Habang naghihintay sa lahat ng ka-board-members ng meeting. Pinaghandaan ko naman ang sarili. Kabang-kaba ako habang pinag-iisipan ang sasabihin sa kanilang lahat. Isa-isa na silang nagsidatingan. Kadalasan mga matatanda ang nandito. Iilan lang ang ka-edad ko. Malawak ang conference room. Magkakasya ang benteng tao sa pabilog na lamesa. Sa harapan may projector doon at isang white screen. Nasa dulo ako ng upuan, pinapagitnaan ko sila Mommy at Daddy. Isa-isang nakikipag-shake-hands ang Mommy at Daddy sa mga dumarating. Nakaupo lang ako rito sa upuan. Hindi gumagalaw. Pinagmasdan ko lang ang mga ginagawa nila. Nag-uusap ang mga dumarating. Nagkakamustahan and as usual, business na naman ang kanilang pinag-uusapan. Napanguso ako habang tiningnan ang lalaking nagbibigay ngayon ng lakas sa akin. Hindi ko makuha ang atensyon niya para may makausap man lang. Busy rin kasi si Aldwin sa mga folder. Nilalagay niya ito sa lamesa ng bawat ka board-members rito.. Pansin ko ang nakaw niyang sulyap sa akin. Senisenyasan niya ako na huwag kabahan. Kumalma raw ako. Mahalata rin siguro sa postura ko ngayon sa pagkat namumutla na talaga ako habang hinihintay namin ang oras. Kanina pa ako nagre-rehearsal sa aking sasabihin sa mga taong nandito ngayon. Hindi pa naman nagsimula kabado na talaga ako. Takot akong mautal sa mga shareholders ng Company namin. Alam kong wala pa akong sasabihin sa kanila. Ipapakilala ko lang ang sarili ko. That's it, but I couldn't help it. Habang dumarami ang taong pumapasok sa conference hindi pa rin ako mapakali. "Mrs.Pascual, mukhang kompleto na po ang mga ka-board-members sa conference room," sabi ni Aldwin. "Shall we start?" Katabi ko na ngayon si Mommy at Daddy habang katabi naman ni Aldwin si Daddy we are one seated apart. Akala ko magkatabi kami kanina pero tinawag ako ni Mommy at pinaupo ako sa dulo ng upuan kung saan kita ako ng mga nandito sa loob. It's too awkward dahil napatingin sila sa akin. Feeling ko, ako lang ang kanilang pinag-uusapan. "I think we are still not completed. May dalawang upuan pa ang natira," sabi ni Mommy. Medyo hindi ko na pinagtutuonan ang pag-uusap nila ni Aldwin dahil busy ako ka-memorize sa sasabihin ko mamaya. Napatingin ako kay Aldwin nang ngumiti siya sa akin ka-onti. I nodded. And say what I felt. Sumenyas siya na nasa tabi niya lang ako. Huwag raw akong kabahan. This is my first time handling a business. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng lahat sa i-annunsyo ni Mommy ngayon. "Mrs.Pascual nandito na po ang anak ni Mr.Celestine," senyas ni Adwin nang may pumasok na babae. Sobrang puti niya, kulay glass skin ang kanyang balat. Makinis ang mukha. Lahat ng mga mata ay nasa kanya naagaw. Ngumiti siya sa lahat at nahihiya pang nag-ayos ng kanyang buhok. "Hey, iha... Saan ang daddy mo?" Tumayo si Mommy para lapitan ang babaeng kadarating lang. Pansin ko sa mga lalaki ang pagtingin nila doon sa babae. "He is not coming po. My dad sent me here." Nawala na tuloy ako sa focus kong mag-memorize. Kahit babae ako, bigla akong na attract sa ganda niya. Nakakapangliit. Bagay sa kanya ang suot na white dress at mataas na takong. Mapula ang kanyang labi, medyo bilogan ang kanyang mga mata. Kausap niya si Mommy ngayon. "Sino siya?" tanong ko kay Aldwin nang magkaroon kami ng oras na magkatabi. Wala si daddy sa kanyang upuan dahil nagpaalam itong mag-powder room muna. "She's the daughter of Celestine Incorporation. Sila ang isa sa mas malaking na-share sa Company niyo. Ang pamilya niya ang pangalawang malaaki ang shareholder." Tumango-tango ako. Wala ako masiyadong naintindihan pa tungkol sa shareholder na 'yan. Marami pa talaga akong dapat busisihin tungkol sa business. Ang naintindihan ko lang, malaking parte sila sa Company namin. "Bakit? Sino ba sa nandito ang pinaka-unang malaki ang share ng company nila Mommy?" Inikot ni Aldwin ang tingin sa buong paligid. Nagkalkal rin siya sa kanyang folder na dini-distribute niya kanina. Kumunot ang kanyang noo pagkatapos tumingin sa pinakadulo kung saan ako umupo at kaharap ko ang kadulo ring upuan. Walang tao roon. At iyon na lang ang nag-iisang upuan na bakante. "He's still not here. He is the richest man... Siya ang may pinakamalaking na ibigay sa Company ng parents mo. I don't think dadating siya. Mukhang sekretary niya yata ang dadating ngayon," sabi nito. Mas lalo akong nagtaka sa sinasabi niya. "Huh? Bakit hindi ba siya dadalo sa mga meetings?" "Hindi e... Hindi ko pa nakita ang mukha niya. Sa pagkakaalam ko, hindi siya dumadalo sa mga meetings na ganito. Pangalan lang ang alam ko sa kanya. Busy raw siyang tao kaya hindi ito nakapunta sa mga importanteng meetings." Bigla tuloy akong na kuryuso sa sinasabi niya. Pinakamayaman? Siguro matanda na ito. Mostly ang successful entrepreneur ngayon ay matatanda na. "Bakit? Sino ba siya? Ano'ng pangalan niya?" Nagkasalubong ang kilay ni Aldwin. Bago pa siya makasagot. Bigla kong narinig ang tikhim ni Daddy sa tabi ko. Napatuwid ako sa pagkaka-upo dahil masiyado na pala akong malapit kay Aldwin. "Puwede bang malaman kung ano ang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Daddy. Nagkatinginan kami ni Aldwin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin. Kahit hindi niya pinahalata alam kong kinakabahan siya ngayon. "Nagtanong lang ako sa kanya, dad kung ano ang gagawin ko," sagot ko sabay prenteng ngumiti. "I see... That's good kay Aldwin ka magpapaturo. He is really good in teaching. Marami kang matutunan sa kanya." Umupo na si Daddy sa kanyang upuan kaya tanging pagsulyap na lang ang ginawad ko kay Aldwin na ngayon hindi mapakali. "I know dad." Hindi mapigilan kong sabi. Natutuwa ako bigla dahil pinupuri niya si Aldwin. I guess hindi na ako mahihirapan na ipakilala siya someday. At least they adore him as a secretary. Paano na lang kaya kapag na laman nilang boyfriend ko siya? I guess matutuwa rin sila. I think so. Biglang bumukas ang pintuan ng conference at pumasok roon ang isang babaeng nakasuot ng eyeglasses. May dalang makapal na notebook. Nagmadali itong umupo sa pinakadulong upuan na may nag-iisang bakante. "Good morning everyone. I'm sorry to inform you. Hindi makakapunta ang boss ko sa meeting," sabi ng babae. Pormal na pormal siya sa suot niyang pink longsleeve at isang skirt. Nakatali ang kanyang buhok. "It's okay, iha. Sanay na kami sa boss mo na hindi sumusulpot tuwing meeting," pag-iling ni Mommy. "Sadyang busy lang po ang boss ko. Pinapasabi niya rin na hindi siya dadalo sa ganitong meetings na wala naman daw ka-kuwenta-kuwenta." Napasinghap ako sa sinabi noong babae. Seryoso pa ang kanyang mukha. Nagsinghapan kaming lahat. Nanlaki din ang mata ko. Gusto kong mapatayo at pagsabihan ang sekretary sa sinasabi nito pero agad na siyang ngumiti ng malaki. "Ganyan po ang sabi ng boss ko. Sabi niya kasi sasabihin ko raw sa inyo. Saka masanay na lang po tayo. Ilang meetings na rin kasi ang hindi niya sinisipot." Nakita ko ang paghilot ni Mommy sa kanyang noo pagkatapos nagkatinginan sila ni Daddy. Parang may pinapahiwatig ang tinginan nila na hindi ko makuha. "It's alright, iha. Sanay na kami sa boss mo," sabi ni Mommy. "Masasanay ka na lang talaga dahil inaapak-apakan na niya ang Company niyong palubog. Siya na lang ang dahilan kung bakit nabubuhay pa rin ito hanggang ngayon. Dahil sa malaking shares na nilaan niya rito. Kakatakutan niyo kapag nag-back siya... Mawala ang pinaghirapan niyo," sabi ng isang hindi katandaan. Naramdaman ko ang tensyon sa conference room. Pansin kong hindi makapagsalita si Mommy at Daddy. At ipinagpatuloy na lamang ang mga susunod na gagawin. Habang nasa kalagitnaan ng pagmemeeting. Biglang pumasok sa isipan ko ang top 1 shareholder ng Company namin. Kaya ba hindi siya pumupunta ngayon dahil nanliit siya sa palubog na Company ni Mommy? How dare him to insult my parents businesses? Sino siya para pagsabihan ang Mommy at Daddy ko na walang ka-kuwenta-kuwenta ang meeting na ito? Yes... Isa nga siya sa pinakamalaking na share sa Company kaya ito lumago pero hindi pa rin tama na maliitin niya ang Company namin. It is an insult for me... Dahil ipapakilala ako ni Mommy sa lahat ng mga shareholders pero nanliit ako nang marinig ko galing sa kanyang sekretary na isa lamang itong walang ka-kuwenta-kuwentang meeting. How dare him! Pigil na pigil ako na huwag magsalita ng masama ukol doon sa taong 'yon. Gusto ko ngang may ihatid rin na sasabihin ang sekretary doon sa kanyang mapagmataas na boss pero hindi ko na ginawa. Hindi ko ka-level ang masiyadong ma-attitide niyang ugali. May pinag-aralan ako..pero mukhang ang taong 'yon ang walang pinag-aaralan. Siguro sobrang tanda na noong lalaking 'yon kaya na bo-bored na sa mga meetings. Mas gustuhin niya pang humiga na lang sa kanyang kama habang hinihintay ang kanyang kamatayan. Iyan talaga ang naisip ko sa aroganteng boss noong sekretarya. Naiinis ako sa pagkat hindi man lang makaimik si Mommy at Daddy sa pang-iinsulto noong top 1 share holder ng Company namin. Like, hello? Were born in equallity. May karapatan tayong ipagtanggol ang sarili kapag inaapi-api na tayo. Kaya noong matapos akong ipakilala sa lahat ng mga board members at sa mga empleyado rito sa Company. Obviously, wala naman silang reklamo. Pinuntahan ko agad si Mommy at Daddy sa kanilang office. Gusto ko silang kausapin tungkol doon sa top1 shareholders ng Company's namin. Naabutan ko na naman silang magkaaway dalawa sa office. Hindi na sana ako tutuloy pero narinig ko ang kanilang pag-uusap. "This is not right, Jackson! Hindi ko hahayaang mapunta ang anak natin sa lalaking 'yon!" sigaw ni Mommy ang naririnig ko sa labas. "Tingnan mo kung gaano niya pinanliitan ang Company natin? He always called our business a trash... Walang kuwenta. Ilang meetings ang Hindi niya sinipit since day one. Hindi ko kayang mapunta ang anak natin sa lalaking walang modo na 'yon." "But we don't have a choice, Clarita. Wala na tayong pera para mabuhay pa itong negosyo natin. Wala tayong sapat na pundo. Siya lang ang huling alas natin! Malaki rin ang utang natin sa kanya. Any moment puwede siyang mag-back-out!" sabi naman ni Daddy. "Kaya ipapamigay mo ang anak natin sa kanya para mabayaran natin ang utang na loob na binigay niya sa Company natin? Hindi lang 'yan, ipambayad mo pa si Sariyah sa lalaking 'yon? Do you think she is safe to that man?" Nanginginig ang buo kong kalamnan habang nakikinig sa kanila ngayon. Hindi ko makuha ang pinag-uusapan nila kaya binuksan ko na agad ang pintuan na ika-igtad nila sa gulat. "Riyah! Why you were not knocking the door?" Natatarantang sabi ni Mommy sabay pahid ng kanyang luha. "Hindi naman naka-lock, Mom," walang gana kong wika. "But were talking? Why you came here? suddenly? Nahihirapan ka ba sa trabaho mo? You need my help?" Ngumiti siya ng matamis. Nagtagis ang aking bagang. Nakikita ko sa mga mata ni Mommy ang takot. Nawala ang kanyang ngiti. "May sasabihin sana ako... but nevermimd about it. I heard pinag-uusapan niyo ako ni Daddy? Ano'ng ipapamigay? Ako ibibigay niyo para maisalba ang Company natin? Kanino?" hindi makapaniwala kong tanong. "Gagawin niyo pa akong pambayad ng utang!" Napakuyom ako sa kamao. Nagkatinginan silang dalawa. I am not sure kung 'yon ba talaga ang ibig nilang sabihin. Nag-aaway na naman kasi sila pa tungkol sa pera. Wala na silang pundo kung kaya't ako na lang ang gagawin nilang kabayaran. I can't believe this. Sarili nilang anak handa nilang ipagpalit para lang sa negosyo? "No...anak. Nagkakamali ka. You heard us wrong!" apila ni Mommy. Naglakad siya palapit sa akin pero tinaas ko ang kamay. Para hindi niya ako malapitan..Naiiyak na lang ako bigla. I felt like being treated like a trash. "B...bakit kailangan pa akong ipamigay sa iba? Hindi pa nga ako nagsimulang magtrabaho sa Company natin. Gumagawa agad kayo ng aksyon para maisalba ang nalugmok niyong negosyo? Hindi ba kayo makapaghintay na ako ang mag-manage rito? Bakit kailangan ako pa ang maging kapalit para bumalik sa paglago ang negosyo niyo?!" I covered my mouth para pigilan ang hikbi na gustong kumuwala sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano'ng klase ipapamigay ang pinagsasabi nila... But all I think about it. Gagawa sila ng arrange marriage sa taong hindi mo naman gusto. "Iha... We don't have a choice but to do that to you. I am sure magustuhan mo naman ang mapapangasawa mo. Sobrang yaman niya... Hindi mo na kailangang maghirap pa sa pagtatrabaho sa Company natin. Magaling siya sa lahat ng bagay. At a young age he is already a successful entrepreneur." Pareho na sila ni Daddy na lumapit sa akin pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon para makausap nila ako. Iniling ko ang ulo nang sunod-sunod. Mabilis na akong tumalikod. Hindi ko na kayang makipagsagutan sa kanila. Ang hirap e-explain sa sarili ko na kailangan ko pa ng sapat na panahon para matulungan sila sa kanilang problema pero pinapangunahan na nila ako. Hindi ako papayag na makasal lang sa lalaking hindi ko naman kilala. Mas gugustuhin ko pang itanan ako ni Aldwin kay sa mapunta ako sa taong hindi ko sigurado kong makakasundo ko ba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD