Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. I'm the one who initiated the kiss! Ako ang nauna! Was that really me? I'm that crazy? I kissed a guy that I didn't even know. I just met him in the dance floor for goodness's sake! I gave in easily to him!
"Tara, pinapatawag ka ni Ma'am Neri." Ryla said, one of my colleagues, interrupting my thoughts.
"Ah ganon ba sige pupunta na ko sa office nya,"
I stand up and walked to the office our head. Nandito ako sa trabaho at pinipilit ang sarili na magtrabaho kahit na hindi pa rin makapaniwala. Kung wala lang lang akong tambak na gawain. I will spend the rest of the day in my condo, thinking again and again.
I knocked first before entering to the office of our head.
"Good Morning Ma'am pinapatawag nyo daw po ako,"
She looked at me before returning to her papers in the table "Yes, I just want to know if you already encoded our recent transaction."
"Yes Ma'am I already encoded our transaction with Mr. Belza." I answered politely.
"How about the records of all transaction for this month? The board need it, Are you done with it?" she inquired.
"Yes, Ma'am. I'll just send you the files."
"I want it now. Anyways by next week I need the financial statement last month." she said dismissively.
"Noted Ma'am. I'll go now." tango na lang ang isinagot nya sakin.
Agad akong bumalik sa cubicle ko at sinend na ang files kay Ma'am. Itinuon ko ang aking buong atensyon sa aking desktop at nag-umpisa na bumalik sa trabaho. Naistorbo lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. An incoming call from my mom.
I immediately answered the call "Mom,"
"Hello anak, Adrienne...Are you free tonight? I just want to ask if you could come for dinner. I missing you, darling,"
"Sure Mom, I'll be there." I replied.
"Oh that's great! May gusto ka bang iluto ko? Anything darling? Perhaps your favorite lasagna?"
"Anything, Mom, basta ikaw nagluto "
She chuckled " I love you honey, See you."
"I love you too Mom," and the line went dead.
Kauuwi ko lang mula sa trabaho pero kailangan ko ng mag-ayos dahil may dinner pa ko with family. I need to be there by 6:30 para makatulong naman kahit papaano kay Mommy. And it's already 5 PM. I was about to go to my room when my phone beeped. There's a text from my Rein.
Rein:
Hey Tara, Are you free? Let's hang-out! May bagong bukas na bar malapit sa unit ko!Pumayag na sina Leya.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil may dinner na ko na pupuntahan at di ako makakasama sa kanila sa pagni-night out. Sa totoo di pa ko nakakamove-on sa nangyari kaya di ko alam kung makakapunta pa ako sa mga bar.
I typed my reply to Rein
Ako:
I'm sorry Rein but I'm not free. I have a dinner with family. Maybe next time.
And I hit the send button, Minutes later Rein has replied.
Rein:
Oh that's sad. Sayang naman but we understand. So next time.
Dumiretso na ko sa kwarto ko upang makaligo at makapaghanda na. I don't know if I'm ready to see Dad 'cause that last time we had a dinner, I and Dad just fought. Nag-away lang kami.
Suot ang aking black high-waist pants and halter top na pinaresan ko ng black sandals. Bumaba na ko ng basement upang kunin ang aking kotse.
Nakarinig ako ng kuwentuhan ng makapasok ako sa kusina. Nakita ko si Mommy na nakikipagkwentuha sa mga katulong habang nagluluto. She really loves to cook that's her passion.
"Hi, Mom," I greeted.
Agad nya kong sinalubong ng yakap ng makita ako "You're so early Tara, hindi pa luto ang pagkain."
I kissed her cheek " Sinandya ko talaga pumunta ng maaga para makatulong ako sa paghahanda, mom,"
"That's so sweet of you dear."
Ako na ang naglagay ng mga pinggan, kutsara at baso sa lamesa. Inayos ko ang place mat at pati na din ang vase na nasa gitna ng mesa at pinakialaman ko din. Hanggang nakita ko si Dad na papasok sa dining area. Nakadamit pang-office nya pa mukhang kagagaling lang sa trabaho.
Mom kissed him "Oh tamang-tama ang dating mo, Fredo kakain na tayo. Kasama natin si Tara."
"Aakyat lang ako sa taas at magbibihis muna." he said, nilampasan nya lang ako. He did not bothered to look at me. Para lang akong hangin sa kanya. Galit pa rin sya, dahil sa hindi ko pagsunod sa utos nya. He's still mad at me.
"Pagpasensyahan mo na ang Dad mo, Tara" Mom said in a soft voice.
Mapait akong ngumiti "It's okay, mommy, sanay na naman ako."
Inakay na ko ni Mommy papunta sa lamesa. Pinaghanda nya ko ng makakain habang hinibintay si Daddy na bumaba mula sa taas. Nang nasa hapag na si Dad nakakabingi ang katahimikan.
"Kamusta naman ang trabaho mo, Tara?" Mom asked to ease the tension
"Ayos pa rin naman po." I answered politely.
"Ikaw kamusta ka? Baka naman di ka na nakakapag-pahinga? Inaalagaan mo ba ang sarili mo? "
"Ayos lang ako, Mom, Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. I still get enough rest."
I almost fell on my seat when Dad calls my name "Tara,"
"Y-yes Dad?" I said stuttering. Tahimik ako na nagdadasal na sana hindi ito yung iniiwasan kong topic.
"Nakipagkita ka na ba sa kay Andrew?" Malamig nyang tanong. Hindi ko akalain na ipipilit nya pa rin yon!
"Dad diba sinabi ko na pa na ayoko nga po na pinapagawa nyo?"
"Hindi ka ba talaga makikinig sakin Adrienne Tara!" tumaas na ang boses nya.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy "Fredo, huminahon ka."
"Ayaw ko magpakasal sa kanya D-dad.. please..Hindi ko sya lubusang kilala at h-hindi ko rin sya mahal." I pleaded
He laughed " You will get to know him when you get married and eventually you'll love him."
Ito yung topic na iniiwasan kong pag-uspan. Ipipilit nya ko sa isang arrange marriage. Kailangan ko pakasalan ang anak ng kumpare ni Daddy para sa negosyo nila. Hindi ko inaasahan na ipipilit nya pa rin ito dahil napag-usapan na namin ito noong nakaraan na nauwi rin sa pagtatalo.
"D-dad---" naputol ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita.
"Kung di mo rin ako susundin.. Wag ka na magpapakita sa akin kahit kailan." he said coldly.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. Really? He would do that to me? I'm her daughter.
I always asked myself. Bakit di nya maintindihan na ayaw ko? Bakit nya ko pinipilit? Hindi ba importante ang kasiyahan ko? Mas importante ba ang negosyo kesa sakin?
"Pasensya ka na talaga sa Daddy mo, Tara. Hindi ko alam na ipipilit nya pa rin yon hanggang ngayon. Kinausap ko na sya tungkol sa bagay na iyan. I'm really sorry, hija,"
"Don't be sorry, mom. Wala ka namang kasalanan." I smiled bitterly.
"Wag mo nang isipan ang huli nyang sinabi sayo. Nadala lang yun ng galit nya."
Natapos ang dinner sa na wala ng nagsalita. Hindi na uli ako tinapunan pa ng tingin ni Daddy. Cold treatment na naman. Dumiretso sya agad sa kwarto nila at di na ko kinibo pa. It damn hurts! He is my father yet he discarded me like I'm not his daughter.
Tumutunog ang cellphone ko habang naglalakad ako papunta sa glass door ng building ng condo ko kaya wala akong choice kundi kunin ito sa satchel ko. Ibinigay ko buong atensyon sa paghahanap ng kanina pang nagwawala na cellphone ko. Ngunit gayon na lang na ang gulat ko nang muntikan tumilapon ang cellphone ko ng may nakabangga akong tao.
Mabilis kong iniangat ang aking paningin sa sobrang inis "What the f----"
Tuluyan nang nabitin sa ere ang aking mga salita. Ang nararamdang inis ko kanina ay napalitan ng pagkabigla ng makita ang lalaking nasa aking harapan. His thick eyebrow, his familiar hazel eyes, his perfect pointed nose and his lips. It's all familiar
Mariin nakakatitig sakin ang kanyang mga mata. His intimidating eyes. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha bahagya pang nakakunot ang kanyang mga noo. Ngunit hindi iyon nakabawas sa kanyang kagwapuhan bagkus mas dumagdag pa.
I can't be wrong.. It's him! That man!