Episode 3

1043 Words
Point of view - Rea Miller -   Bigla nalang akong binitawan ni Keith. ‘Muntik na sana akong may maalala pero nakalimutan ko nanaman.   "Sorry..." ‘Yun lang ang sinabi n’ya sa’kin at iniwan na n’ya ‘ko. Bumalik na s’ya sa next class namin at gano’n din naman ako.   "Hmm ano kaya ‘yon? Bakit niya kaya ‘yon ginawa?" Ang bulong ko sa aking sarili hay! Keith, anong meron sa kan’ya, napaka misteryoso n’yang tao.   "Rea nag-da-day dream ka nanaman. Tara na PE class na natin," sabi ni Irish sa’kin. At pumunta na kami sa PE class. Last day na ni Keith ngayon na kasama namin. Buong araw ko lang s’yang tinitigan. Ang galing n’ya pala sa sports, matalino din s’ya at sobrang gwapo, kung iisipin. Ang swerte ko dahil meron akong mga awkward moments kasama siya hehe!. Napahawak nalang ako sa aking mukha na pulang pula. Crush ko na yata talaga s’ya.   "Rea ilag!" At sa hindi inaasahang pagkakataon, tinamaan ako ng bola sa mukha at dumugo ang gilid ng aking labi.   "Ouch! ang sakit." Nagulat ako nang si Keith ang unang lumapit sa’kin. Hindi ko maaninag yung mukha n’ya dahil against the light s’ya at nakaupo ako sa lapag. Basta binuhat n’ya ako at sobrang kinikilig ako. Sure akong inggit na inggit ang ibang girls sa’kin hehe! ‘Pag dating namin sa clinic hindi padin s’ya nagsasalita at wala ring nurse sa clinic.   "Ah Keith pa’no ba ‘to ayaw tumigil ng dugo baka naman may band aid dito or yelo."   nagulat ako ng bigla n’ya kong hinalikan sa gilid ng lips ko kung saan may dugo. Sobrang nahiya ako kaya tinulak ko s’ya   "Rea, sa susunod mag-ingat ka na,"  sabi n’ya at umalis sa clinic para tawagin ang nurse.   "First time n’ya ‘kong tawaging Rea." Hindi ko maintindihan kung bakit namula ang aking mukha at bumilis ang t***k ng aking puso.   ***   Point of view - Keith Valentine -   "Bakit ko ‘yun ginawa? Sobrang nauuhaw ako sa dugo, hindi ko na kayang pigilan ‘to." Naglakad ako na tila pagewang-gewang. Ang paningin ko sa paligid ay pula. Nakikita ko pati ang loob ng mga puno, hanggang sa. May nakita akong babae na nakasandal sa may puno at natutulog, dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang kinaroroonan.   Sinunggaban ko s’ya and I bit her neck, nagising yung babae pero hindi ko s’ya pinakawalan. Nagpumiglas siya pero wala siyang nagawa, hanggang sa tumigil siya at himatayin. I can feel the warm blood on my throat, dahan-dahan ko ‘tong sinipsip at ininom. Ah what a relief, hindi ko siya napatay, saktong dugo lang ang kinuha ko.   "Keith!" Narinig kong sigaw sa likod ko at tiningnan ko siya   "Volt?" Pagulat kong sabi   "Hay! hindi ka nag-iingat, keith paano kung may makakita sayo tsk." Hindi ako umimik. Alam kong mali, pero anong magagawa ko.   Tulad ng ginawa niya sa babaeng si Rea, nilapitan niya rin ang babaeng kinagat ko. Hinawakan niya sa noo and erase her memory.   "Keith tara na, siguradong mapapagalitan ka ‘pag nalaman ‘yan ni Vlad," pananakot sa’kin ni Volt.   "Alam ko, tara na umuwi nalang tayo." At dumiretso na kami sa bahay, hindi ko na tinapos ang klase ko.   ***   Point of view - Rea Miller -   Hindi na talaga bumalik si Keith. Ang lungkot naman, iniwan nalang niya ko bigla. Dumating naman ang nurse at ginamot niya ang sugat ko. Habang ginagamot niya ako   "Ah Ms. Nurse, ano po’ng sabi nung lalakeng tumawag sa inyo?"   "Tumawag sa’kin? Wala pong tumawag sa’kin Mis, ‘pag pasok ko dito, nakita kita kaya tinulungan na kita."  Lalo ‘kong nalungkot. Hindi naman pala niya tinawag ‘yung nurse para gamutin ako.   Dahil sa masama ang pakiramdam ko, hindi na ako pumasok sa mga sumunod kong klase. Umuwi nalang ako. At ‘pag dating ko sa bahay, humiga ako sa aking kama.   "Hay Keith, bakit ba hindi ka maalis sa isip ko? Minsan mabait ka, minsan misterioso, pero madalas weird." Niyakap ko ang unan ko at dumapa.   "Pero kahit ganon, mahal na yata kita."   Kinabukasan…   Wala na si Keith, hindi na namin siya classmate. Nilipat na siya sa night class   "Rea!"   "Oh Irish!"   "May meeting daw ang mga representative, kaya hindi muna ako sasabay sa’yo pag-uwi, baka mamayang 7PM pa ‘ko eh. Ingat ka pag-uwi huh," nakangiting sabi sakin ni Irish.   "Ah sige, lalo ka na mag-ingat ka ha!" At no’ng aayusin ko na ‘yung bag ko, bigla ‘kong may naisip. 7PM pa out niya. Start ‘yun ng night-class diba? night class.   "Tama!" sigaw ko.   "Tama ang alin Rea?" tanong ni Irish. Hinawakan ko ang kamay niya. "Dahil sa bestfriend kita sasamahan kita sa meeting mo, ayoko namang mapahamak ang bestfriend ko sa daan ‘di ba? Hehe," energetic kong sabi sa kaniya.   "Ah okay," nagtatakang sagot ni Irish. At nagsimula na nga ang kanilang meeting. Isa-isa na ring pumasok ang mga studyante ng night-class. Inabangan ko sila sa may entrance ng school, nakita ko do’n ang kaibigan ni Keith na lalake, ‘yung kasama niyang maglakad nung nakaraang araw, pero bakit wala padin si Keith? Unti-unti na ‘kong nalungkot at nawalan ng pag-asa. Ayun, pumasok na ko sa loob ng school, hanggang sa mag-uwian na. Hindi talaga siya pumasok, Umuwi nalang kami ni Irish after ng meeting nila.   "Bakit kaya?' nasabi ko ng pabulong habang naglalakad pauwi.   ***   Change Point of view -Keith Valentine-   Hindi ako pinapasok ni Vlad dahil baka raw maka-kagat pa ‘ko ng iba. Parang aso lang? kaya natulog nalang ako sa k’warto ko.   "Keith… keith…" Naririnig ko ang malamig na tinig na tumatawag sa’kin sa may bandang likuran. Nakikita ko ang aking sarili na nakatayo sa parang hardin na maraming bulaklak.   "Keith?" Sa aking paglingon. May isang babae na pamilyar ang itsura. Mahaba at puti ang kaniyang damit, lagpas hanggang tuhod. Spaghetti strap ang kaniyang suot, mahaba at straight ang itim niyang buhok. Ang ganda ng pilik mata niya at matangos niyang ilong, mapulang labi at mamula-mulang kutis. Ang ganda nya. At naalala ko na kung sino siya.   "Ikaw si... Rea?-" Bigla’ng dumilat ang mata ko.   "Panaginip lang pala." Hinawakan ko ang aking ulo at bumangon sa kama, pero pagtingin ko sa aking likod.   "Ah! Rea pala ah. haha! ‘yun ba ang pangalan no’ng chicks mo?" Nanlaki ang aking mata nang Makita ko si Volt. Kadarating lang niya galing sa school.   "Shu-shut up!" Umalis ako at lumabas ng bahay. Wala naman si Vlad kaya makalalabas ako   "Bakit ko siya napanaginipan?" Habang ako ay naglalakad, nakita ko si Rea at ang kaniyang kaibigan. Ngunit paglingon ko sa itaas ng isang poste hindi kalayuan sa kanilang pinaroroonan. Nakita ko si Vlad, nakatingin siya kanila Rea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD