Chapter 41 Series 08: Leighton Achilles Yvanov “N-nasan ako?” Labis labi sang kaguluhan ni Athena kung saang lugar siya ngayon, ang natatandaan niya ay nasa Knight’s mansion siya kasama sina LAY at naroon si Bliss at sinasabing magkapatid sila. Nang makita niya kung paano duguin si Bliss ay biglang sumakit ng napakasakit ang ulunan niya dahil sumisiksik lahat sa isipan niya lahat ng mga alaalang nawala sa kaniya. Walang clue si Athena kung nasaan siya, nasa isang magandang bahay siya na sa tingin niya ay pagmamay-ari isang mayaman tao, dahan-dahan siyang naglakad sa loob ng bahay habang iniikot ang kaniyang buong tingin sa magandang bahay ng mapalingon siya sa pintuang nagbukas at pumasok doon ang mag-asawang na ang babae ay may karga-kargang baby at ang lalaki naman ay isang batang b

