Chapter 48

4515 Words

Chapter 48 Series 08: Leighton Achilles Yvanov   *FLASHBACK*   “Post-traumatic stress disorder?”   Hindi makapaniwala ang ina ni LAY ng sabihin ng doctor ang resulta ng check-up ng kanilang anak matapos ang nangyaring dumurog sa puso nito dahil sa pagkamatay ni Kristan sa mismong harapan nito dahil sa mga di kilalang mga lalaki na hinabol sila. Awang-awa sila kay LAY ng madatnan nila ito kasama sina Alpha sa ospital na tulala habang nakaupo ito sa upuan malapit sa morgue ng ospital na pinagdalhan nila kay Kristan. Si Alpha ang tumawag sa mga magulang ni LAY at sinabi ang mga nangyari kaya dali-daling lumipad ang mga ito papuntang Persia para sa kanilang anak kasama si Leigh na kambal nito.   Sobrang pag-aalala ang naramdaman ng ina ni LAY na pilit na binibigyan ng comfort ng asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD