Chapter 02

2024 Words
Chapter 02 Pabagsak na humiga si Athena sa kaniyang papag na may foam na ikinangiwi niya ng bahagyang masagi ang sugat niya sa kaliwang balikat niya dahil sa daplis ng bala ng baril na tumama sa kaniya ng magka-gulo na sa lugar kung saan niya nakita ang mga drug dealer na wanted sa kapulisan. Ngiwing paupong bumangon si Athena sa pagkakahiga niya at sinilip ang sugat niya na agad naman na nagamot ng medical team ni Lu na ikinatanggap pa niya ng sermon sa binatang Lieutenant. Matagal niya ng ginagawa ang pagiging informant ng kapulisan sa ilalim ni Lu na matagal niya ng kilala, para kay Athena si Lu lang ang pulis na pinagkakatiwalaan niya kaya ginagawa niya lahat para makatulong sa mga kaso nito at paghahanap ng mga Kriminal upang mapadali ang trabaho nito. Malaki din kasi ang utang na loob niya sa binata at hanggang ngayon ay tinatanaw niya ‘yun lalo na at kailangan na kailangan niya ang tulong ni Lu. Hirap sa buhay si Athena dahil bata palang siya ng maulila siya sa magulang, nawawala pa ang bunso niyang kapatid na napahiwalay sa kaniya mga bata palang sila kaya hindi siya tumitigil sa paghahanap sa bunsong kapatid. Hindi lang pagiging informant ang ginagawa ni Athena, kung ano-anong rake tang kinukuha niya para may maipon siyang pera pambayad kay Lu sa pagtulong nito sa kaniya at pang gastos niya sa araw-araw lalo na at sa squatter area lang siya nakatira kung saan magulo din. High School lang ang natapos ni Athena kaya nahihirapan siyang maghanap ng mas maayos na trabaho kaya minsan may nagagawa na siya na labag sa loob niya pero nakasanayan niya na para mabuhay habang hinahanap niya ang kaniyang kapatid. Pag wala siyang mahanap na trabahong pwedeng raketan ay pinapasok niya ang pagnanakaw sa mga taong sa tingin niya ay angat sa buhay, ilang beses na siyang nahuhuli at sa tulong ni Lu ay nakakalaya naman siya at sinsermonan na huwag ng ulitin ang ginagawa niya pero dahil gipit siya ay itinatago niya nalang kay Lu na nagagawa parin niya ‘yun. Buntong hiningang tumayo si Athena sa papag niya ng marinig niya ang sigawan at away ng mag-asawang kapitbahay niya na ikina-irap ni Athena dahil nasisiguro niyang aabot ang away ng kapitbahay niya hanggang magdilim kaya minsan nahihirapan siyang makatulog. Dahil mag-isa nalang si Athena sa buhay ay kinailangan niyang maging matapang at napagdaanan niya ang naging guro niya para maging isang matatag na babae. Inayos ni Athena ang sarili bago naglakad palabas ng maliit niyang barong para puntahan ang kapitbahay niyang pinagtsi-tsimisan nan g iba nilang kapitbahay na ikina-iling nalang ni Athena. Nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng bahay ng kaniyang kapitbahay ay lakas loob niya ‘yung kinatok dahil ang sigawan ng mga ito ay sinasamahan nan g ingay ng batuhan mula sa loob dahilan para mas marami pang kapitbahay nila ang maki-ususyo. Naka ilang katok si Athena sa pintuan ng tumigil ang sigawan at batuhan sa loob ng bahay ng kapitbahay niya at pabalang na bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isang lalaking walang suot na pang itaas at may tattoo sa katawan nito na plain look na binigyan ng tingin ni Athena. “Bakit k aba katok ng katok!”galit na singhal sa kaniya ng lalaki na ikinahalukipkip ni Athena dito. “Alam mo badong, nakaka-istorbo ka na ng kapitbahay mo dahil sa ingay niyong mag-asawa. Sigurado ako na nagbibigay ka na naman ng purwisyo kay Helen, naririndi na ako sa inyo alam mo ‘yun?”lakas loob na sita ni Athena dito na ikinahawak nito sa kwelyo ng damit niya at masamang tingin ang ibinigay sa kaniya habang ang mga kapitbahay ay nagulat at natatakot para kay Athena na pwedeng masaktan ng lalaking kapitbahay nito. “Bakit ka ba nangingielam ha?! Bakit hindi ka nalang magkulong sa barong mo at manahimik! Ano bang pakiealam mo sa away naming mag-asawa ha?!”bulyaw nito kay Athena na poker face na tingin ang ibinigay sa kaniya. “Amoy alak ka, mukhang naka droga ka pa, siguro sinasaktan mo si Helen at ang mga anak niyo nuh? Wala ka na bang pagbabago Badong? Tsaka pwede ba, bitawan mo ang damit ko.” “Alam mo masyado kang pakiealamerang babae ka eh, titikom siguro ‘yang bibig mo kung paduguin ko yan.”galit nab anta nito na ikinaigtad nito ng mula sa likuran nito ay sunod-sunod itong paghahampasin ng asawa nito sa likuran nito. “Gago ka talaga badong! Wala ka nan gang kwentang asawa pati ama wala ka ding silbi dail puro pag-iinoma at pagdo-drog---Ahhhhh!”hindi nauloy ng asawa nito ang sasabihin nito ng malakas siyang tinulak ng asawa niya na iyak niyang ikinabagsak sa sahig at umiiyak na ikinalapit ng dalawa nitong anak sa kaniya na bahagyang ikinagulat ni Athena. “Peste ka Helen! Manahimik ka muna diyan pwede ba?! Tatamaan ka na talaga sa akin pag inulit mo ang ginawa mo!”galit na singhal nito na seryosong ikinatitig ni Athena sa lalaki at tinapik ito sa balikat nito na ikinalingon nito sa kaniya nab ago pa makapagsalita sa kaniya ay malakas na suntok sa mukha ang isinalubong niya dito dahilan para mabitawan nito ang pagkakahawak sa kwelyo ng damit dinampot ni Athena ang isang bote ng alak na nakita niya sa sahig at agad iyon pinulot at ipinukpok sa ulo ng lalaki na walang malay na ikinagsak nito sa sahig ng bahay nitona ikinagulat ng mga tsismosang kapitbahay at ng asawa ng lalaki sa ginawa ni Athena. Nagpagpag ng mga kamay niya si Athena at bahagyang umupo para tingnan ang lalaking mahimbing ng natutulog dahil sa ginawa niya. “Siguro naman magiging tahimik ang gabi ko dahil tulog ka na.”sambit ni Athena bago ito tumayo at nilingon ang asawa ng lalaki na nakatingin sa kaniya. “Kung sumosobra na ang p*******t sayo ng asawa mo na batugan na, wala pang kwenta bakit hindi mo pa iwan? Pwede mo rin siyang isumplong sa pulis dahil sa droga na ginagawa niya. Alam mo Helen hindi na uso ang martir na asawa, kung binubugbog ka at hindi ka na inaalagaan, iwan mo na.”pahayag na opinyon ni Athena bago iwan ito na hindi pinansin ang mga tsismosa niyang kapitbahay at dere-deretsong pumasok sa barong-barong niya para ipagpatuloy ang pagpapahinga niya. Kailangan niya ng maraming lakas dahil marami siyang raket bukas, hindi pwedeng may oras na masasayang kay Athena kaya lahat ng pwede niyang gawin ay gagawin niya at kung may bakante siyang oras ay doon niya ginagawa ang pagnanakaw niya. Naglinis muna ng kaniyang katawan si Athena bago nagpalit ng damit niya bago kumain ng hapunan, nakakailang subo palang si Athena ng may sunod-sunod na kumatok sa pintuan niya na halatang may galit dahil parang sisirain nito ang pintuan niya at marinig niya pa ang sigaw na pagpapalabas sa kaniya ng isang babae na rinig niyang pinipigilan ng isang lalaki na mukhang alam na ni Athena ang nangyayari sa labas ng barong niya na siguradong pagtsitsismisan na naman ng mga kapitbahay niya. “Ano babaeng malandi?! Hindi k aba lalabas diyan sa barong mo ha?! Bakit hindi mo ko harapin ka mang-aagaw ng nobyo ng may nobyo!”sigaw ng babae mula sa labas na ikina-inom ni Athena ng tubig bago pigil ang inis na naglakad sa pintuan niya at binuksan ang pintuan at tumambad sa kaniya ang isang babae na masama na ang tingin sa kaniya at isang lalaking hawak-hawak ang babaeng parang kakainin si Athena ng buhay na balewala naman sa kaniya. “Alam mo bang abala ka sa kumakain, Clarita?”reklamong sita ni Athena na ikinaduro nito sa kaniya. “Wala akong pakielam! Sa tingin mo bakit kita sinugod sa barong mo ha?! Mang-aagaw ka ng nobyo!”sigaw nito sa kaniya na ikinataas ng isa niyang kilay at nilingon ang lalaking nakatingin sa kaniya. “Ako? Sinasabi mong inagaw ko si Juan sayo?” “Oo! Bakit itatanggi mo?! Nakipaghiwalay sa akin si Juan dahil sayo!”naluluhang galit na singhal nito kay Athena na bahagyang ikinangisi ni Athena. “Alam mo Clarita, hindi ko inagaw ang nobyo mo at wala akong balak. Kung nakipag hiwalay siya sayo huwag mo sa akin isisi ‘yun okay? Tsaka ikaw Juan..”baling na tingin ni Athena sa lalaki na iniwas ang tingin sa kaniya habang pigil-pigil ang nobya nito para sugurin si Athena. “Pwede ba, kung makikipag hiwalay ka sa nobya mo huwag niyo kong idamay.” “S-sorry Joy, hindi ko na kasi mahal si Claire. I-ikaw na ka---“ “Heep! Huwag mo ng ituloy Juan.”pigil na putol ni Athena dito na ikinabuntong hininga niya. “Sa tingin mo kung hihiwalayan mo si Clarita, magugustuhan kita? Alam mo bang ayoko sa mga lalaking mabilis mahulog ang loob sa isang babae? Umalis na kayo at hilahin mo na ‘yan nobya mo at makipag ayos ka. Hindi ako makakain ng ayos sa pang iistorbo niyo.”pahayag ni Athena na pumasok na loob ng barong niya at sinara ang pinto at hindi na pinansin ang paninigaw ni Clarita mula sa labas at pinagpatuloy niya ang pagkain niya. Tuloy-tuloy lang sa pagkain si Athena at matapos ang pagkain niya ay hinugasan niya na ang pinagkainan niya bago dumeretso ng upo sa papag niya. Sumandal siya doon at tinutok ang mga mata sa cellphone niya at nagsimulang maghanap ng clue na mga nakuha niya sa kung saan pwede niyang matagpuan ang bunso niyang kapatid na labin pitong taon ng hindi niya makita-kita. Tutok na tutok si Athena sa kaniyang cellphone hanggang sa di niya namalayan na nakatulugan niya na ito. Pag gising niya kina-umagahan ay ay deretso ligo na siya para makalabas na at masimulan niya na ang raket niya ngayon, dadaan muna siya sa presinto ni Lu upang magtanong ng balita dito tungkol sa kapatid niya na hindi naman niya natanong kahapin dahil sa nangyari. Simpleng loose shirt at fitted pants ang sinuot ni Athena bago nagsapatos. Pinatuyo niya pa muna ang buhok niya bago niya ito ipitan nang pa bun, ng pwede nasiyang lumakad ay lumabas na siya ng barong niya at sinara ang pintuan at nilock iyon bago umalis. BInabati siya ng mga kapitbahay niya na ngiting tinatanguan niya nalang. Naglalakad lang si Athena para makapunta sa presinto, pag nakapunta na siya dun ay deretso siya sa isang store na pinapasukan niya tuwing martes at huwebes. Marami pa siyang raket para kumita kaya maaga siyang umaalis sa lugar nila upang hindi masayang ang maghapon niya. Nakarating na si Athena sa highway at naghahanap ng tindahan na pwede niyang mabilhan ng umagahan niya. Malalaking building ang nakikita niya kaya nahihirapan siyang makahanap ng murang lugar na pwede niyang kainan ng mapangisi siya ng may makita siyang isang lalaki na makakasalubong niya sa paglalakad na sa porma palang nito ay mayaman na. Normal lang na lakad ang ginawa ni Athena kaya ng malapit na ito sa kaniya ay sinadya niya itong dinanggi na nag arte siyang bahagya siyang nasaktan. “Are you okay Miss?”kalmadong tanong ng binunggo niyang lalaki na agad niyang ikinalingon dito pero bahagya siyang natigilan dahil napagtanto niyang isang gwapong lalaki pala ang binangga niya na ikina-ilang kurap niya dito. “Hey? Miss?”tawag ng gwapong lalaki sa kaniya na agad niyang ikinatikhim at ikinayuko dito. “S-sorry sir,hindi ko kayo nakita.”pagdadahilan niya na kita niyang mas lalo nitong ikina gwapo ng ngitian siya nito. “It’s okay, just be careful next time.”sambit nito bago siya nito iwan na ikinahabol ng tingin ni Athena dito. “Infairness, ang gwapo nung lalaking ‘yun ah. Pwedeng maging artista kaya lang hindi maingat.”pahayag niya na ngisi niyang itinaas ang kamay niya at tinitigan ang isang kwintas na may magandang singsing na nakasabit doon. “Hindi man lang niya napansin na nanakawan na siya.”sambit ni Athena na ngising itinago niya sa bulsa ng pants niya ang nakulimbat niyang kwintas na may singsing at naglakad na patungong presinto ni Lu na malayo-layo pa ang lakarin na gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD