Chapter 53 Series 08: Leighton Achilles Yvanov “Eh?! Seryoso ‘yan LAY? Tinago ni Valdemor ang kaibigan mo ng mahigit 14 years, tapos ngayon lang nagpakita sa inyo?”may gulat na sambit ni Blue ng sabihin sa kanila ni LAY ang dahilan na mga sinabi ni Kristan sa kanila. Sila lang ang nasa kawarto ni LAY dahil saglit na umuwi ang mga magulang nito at si Leigh sa Knight’s Mansion upang kumuha ng ilang gamit ni LAY dahil kailangan pa nitong mag stay ng isang araw upang ma check pa ni Tad ng maayos ang bali nito at ang kondisyon ng katawan ni LAY. Hindi biro ang nangyari dito, at tulad nina Paxton nagulat din ang mga magulang ni LAY at ang kambal niya ng malaman ng mga itong buhay si Kristan. Phantoms lang ang nasa kwarto ni LAY at si Athena na katabi ni LAY na nakaupo sa kama niya. “Bingi k

