Chapter 66 Series 08: Leighton Achilles Yvanov “Are you ready to end this, Zourab Farsov?”seryosong pahayag ni LAY na ikinaharap ni Zourab sa kaniya na binabalewala ang pagbaril nito sa sarili nitong tagiliran. “Until you die Yvanov, let’s end this.” Sambit ni Zourab na dumapot pa ng isang espada at humarap kay LAY. Wala na silang pakielam sa nangyayari sa paligid nila at parehas na nasa utak nilang dalawa ay tapusin na ang lahat. Ang alitan na unang naganap sa pamilya nila ay mga anak ang tatapos, ang paghihiganti na ninanais ni Zourab ay puputulin na ni LAY, ang paghihiganti na akala nito ay nasa tama ay pipigilan na ni LAY. Alam ni LAY na ang pagtatanim ng galit ay hindi nakakabuti sa isang tao at ‘yun ang hindi magandang epekto na nangyayari kay Zourab. Napuno ng galit ang puso nit

