Chapter 44 Series 08: Leighton Achilles Yvanov Tatlong araw nalang natitira at magaganap na ang pinakahihintay na selebrasyon ng kaarawan ni LAY at ni Leigh na ise-celebrate sa Garden ng Knight’s Mansion kung saan malapit ng matapos ang pag-aayos, lihim naring inaayos ni Leigh ang surprise wedding ni LAY kay Athena sa mismong birthday nilang magkapatid at isa siya sa naeexcite sa magaganap na ‘yun. Walang kaalam-alam si Athena na sa karawan ni LAY ay ang araw na mag-iisang dibdib sila at mangangakong magsasama habang buhay. Hindi hinahayaan nina Leigh at Eris na tumulong si Athena sa pag-aayos sa may garden dahil ayaw nilang magkaroon ito ng idea kaya si LAY ay isinama siya sa KAC na ikinatuwa naman nito pero pagdating doon ay pinaupo lang siya ni LAY sa lamesa nito habang ito ay busy

