Chapter 63 Series 08: Leighton Achilles Yvanov Bago ang flight nina LAY pauwi sa Royal Palace ay dumaan muna siya sa barn ni YoRi kung saan naroon ang pekeng Kristan, binigyan siya ng time nina Lu na pumunta doon habang hinihintay siya ng mga ito sa malawak na garden ng Knight’s Mansion kung saan susunduin sila ng spencer ni LAY papuntang Royal Palace. Hindi na siya nagpasama sa kahit sinong Phantoms pero nakasunod sa kaniya si Calissi para bantayan siya mula sa malayo sakaling ulitin ng mga kalaban ang ginawa nito sa kaniya. Ilang araw palang na hindi niya nakakasama at nakikita si Athena ay nahihirapan na syia pero kailangan niyang tiisin ang kung anong desisyon na ginawa niya. Alam niyang sa mga oras na ‘to ay kinamumuhian na siya ni Athena, hindi niya masisisi ang dalaga pero nangang

