“Ang alinsangan naman talaga,” sabay paypay ni Eve sa kanyang leeg gamit lang ang kanyang kamay. Matutulog na sana si Eve pero bigla na lang nawalan ng kuryente at hindi alam niya alam ang dahilan at wala naman din naging abiso na mawawalan ng kuryente ang kanilang lugar. “Anong oras kaya magkakaroon ng kuryente nito?” tanong ni Eve na init na init dahil nga nagkataon pa na matining ang panahon. Sobrang maalinsangan at walang kahangin-hangin. Hindi gumagalaw ang nga dahon at naka steady lang dahil sa sobra talagang init. Patuloy lang si Eve sa pagpaypay gamit ang mga kamay para lang makahinga siya. “Ano kaya kung maligo ako rito?” sabi ni Eve habang nakatingin sa host na nakakonekta sa isa sa mga gripo na siyang ginagamit niyang pandilig sa mga halaman at sa paligid. “Ano ba naman kas

