Nang matapos kumain si Adan ay agad din na iniligpit ni Eve ang mga pinagkainan nito at saka dineretso agad sa lababo upang hugasan. Ngunit hindi pa nabubuksan ni Eve ang gripo ay siyang may pagyakap na mahigpit mula sa kanyang likuran at wala rin pakundangan sa paglamas sa kanyang dalawang bundok. “Adan, ano ka ba?” saway niya sa binata na kakatapos lang kumain na sa halip nagpapahinga ay heto at nilalamas ang kanyang dalawang kabundukan. “Ang bango mo, Eve,” saad ni Adan sabay samyo sa leeg ni Eve na nagdala sa buong katawan nito ng bolta-boltaheng kuryente. “Tama na muna ang pagyakap mo at may ginagawa ako,” sabi ni Eve at pilit na inaalis ang mga braso ni Adan na mahigpit na nakayakap sa kanya. Ngunit hindi inaalis ni Adan ang pagkakayakap dahil mas lalo niya pang hinihigpitan an

