Ilang araw ng chat lang ang naging komunikasyon nina Eve at ng kanyang asawa na si Elmer. Kahit pa kasi humingi naman ng tawad ang lalaki sa mga nasabi nito ay hindi pa rin matanggap ni Eve na sa kabila ng pagiging tahimik niyang babae at hindi mahilig lumabas ng bahay ay sarili niyang asawa ang maghihinala sa kanya na pwedeng may iba siyang ginagawa kahit pa nasa bahay lang naman siya. “Matapos kung isuko ang lahat maging ang propesyon ko para lang maging mabuting asawa ay hindi ko akalain na ito pa ang mapapala ko,” ang hinagpis pa rin ni Eve. Mula ng araw na magkasagutan sila ng kanyang asawa ay tamad na tamad na si Eve na gumawa sa bahay o kahit pa maglinis ng kanyang katawan. Ilang araw na siyang walang ligo at maaayos na pagkain. Hindi rin siya naglilinis ng bahay. Ang mga baso

