A/N: Sana naman kahit na updated na itong chapter 11 ay magkomment parin at magvote kayo dun sa mga nakaraang Update. Aasahan ko yan ahh? Comment at Vote narin kayo dito sa Chapter 11' inspirasyon man lang para matype ko na yung Chapter 12. Agad Agad! Hehehehe..
Maraming Salamat! o^__^o
DENNIS POV
Pagkatapos nga naming maligo ay naglakad na kame pauwe. Ang binabaktas namin ngayong daan pauwe ay ang kanang bahagi ng sapa.
Papunta yun dun sa tuytuy, sa tuytuy kong saan meron isang napakagandang alala. Di ko mapigilan mapabuntong hininga. *SIGH*
Hindi ako nagkakamali! Siya talaga yung nakita ko kanina (0___
Kapwa kame naglalakad sa may gilid ng sapa, suot parin ang mga basang damit. Di kase kame nakapagbaon ng tuwalya.
Pero ayus lang ang pogi niyang pagmasdan sa basang suot habang dala-dala yung baldeng may lamang mga pinaglabhan. Habang ako naman ay bitbit yung palangana at kahoy na tabla, isama pa yung sabonera.
Pero kita mo parin ang pagkaseryoso ni krab. Tila ang lalim ng iniisip, ano bang problema nito?
Dahil parin ba ito kay Mr. White?! Letse naiinis ako sa taong yun' dahil sa kanya nagkaroon ng insekyuriti ang mahal ko.
Meron pala siyang kinakatakutang karibal sa lahat ng bagay, di mo yun mapapansin sa kanya.
Isang gwapo, habulin ng mga babae, tinitilian ng mga bakla, mayabang, bastos (Pero ngayon, maginoong bastos na ang Krab ko), ano pa nga bang sasabihin ko? Hmmmm basta lahat ng katangian ng isang perpektong mayabang at masungit na Mr. Right ay nasa kanya na.
Kaya naman di ko expect na may ganun pala siyang insecurity sa buhay. Ramdam ko yung pag-aalala niya.
'OA nga ehh ako maagaw nung White na yun sa kanya? Anu siya sira ehh di ko nga kilala yun at never kong gugustuhin na makilala pa yun! Dahil si Krab ay sapat at sobra na sa akin'
Sobrang tahimik namin habang naglalakad, kaya nga ang sarap pagmasdan ng kalikasan. Ang daming puno, ang daming lumilipad na ibon, mga kalabaw na nakapwesto sa blankong palayan tsaka yung mga taong nasa pilapil naglalakad.
Malayo man sila sa amin, tanaw parin ang mga kulay ng damit nilang naglalakad sa napakalwak na palayan.
Gumiginto ang paningin namin sa sobrang taas at lago ng mga palay #^_^#
'So Fresh!'
"Krab?" pagbasag ko sa katahimikan. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Tahimik mo naman ata, kanina pa yan ahh. Tsk.. nagtatampo na tuloy ako" kunwari ay tumingin ako sa malayo.
"Di naman sa ganun Krib"
'Di sa ganun?'
"Di kita maintindihan.. Hmmm sa sobrang katahimikan nga natin baka maringig na natin ang mga ungol niyang mga kuhol sa palayan" kapwa kame napahinto sa paglalakad. "Krab kung tungkol pa ito kay White na yan, wag mo na siya---"
Nagulat naman ako nung hinila niya ako papalapit sa kanya. Kapwa nagdikit yung mga katawan naming nababalutan ng mga suot na damit.
*PLANNNNGGGG*
Tunog yan ng nahulog na palangana! Wag kang ano hahahaha (^___~)
Dahil nga sa gulat ko ay nahulog ko yung palangana. "Krab nakakagulat ka naman" tugon ko.
"Wag mo na kase banggitin pangalan niya" ramdam ko yung init ng hininga niya. "Kase bangitin mo lang ang pangalan na yun, nagseselos na agad ako. Pakiramdam ko magkakilala na kayo" sobrang lungkot ng boses niya.
Kaya naman damay yung puso kong biglang nalungkot (t_____t)
"Bat kase ang tahimik mo?"
"Kase nilalamig na ako.." kaya naman umalis ako sa pagkakayakap niya at muli siyang tinitigan.
"Kaya may pag-yakap?"
"Ayaw mo?"
"Hmmmm.." ako na parang nag-iisip kunware (^___^)??????
"Hala, pinag-iisipan talaga Krib?" sabay simangot at nguso nanaman siya. (=___=)
"Ito naman di na mabiro, siyempre gusto ko! Kaylangan pa bang i'ask yan?"
"Ang cute mo talaga!" sabay pingot sa ilong ko.
'Aray! Masakit yun Krab ahh!'
Pero di ko pwede ipahalata yun, masakit na masarap yun. Masarap kase namutawi nang muli yung mga ngiti ng aking Prinsipe! "At ikaw naman gwapo.." sabay pisil rin sa magkabilang pisnge niya.
'Akala mo ikaw lang ahh! Hahahahaha'
"Ohhh yan nakagan---"
*UHHHHHHHHHMMMMMMUAH!*
K(O*O)K
Agad akong naghabol ng hininga pagkatapos niyang alisin ang mga labi nito sa labi ko.
*LUNOK*
Shet akala ko malulunod ako. Putsaa si Krab Para'paraan ehhh!
Di bale na ang saya naman ehhh.. Bwahahahahahaha!
"Wag na tayong mag-isip ng kung anu anu pa.. White Out na natin lahat ng badvibes", Ohhhhh White OUT talaga noh?
Parang gumamit lang ng SnowPick Krab? Hehehehe..
Bigla kameng natahimik ulet, pero andun yung sulyapang nakangiti. Hehehehe parang nagkakahiyaan kame.
Muli kong pinulot yung palangana at dirediretsong naglakad ulet. Tanaw ko na yung tuytuy, pero nakakapagtaka parang may mga nag-uusap.
Di ko madinig ng ayos kong anu-anu yung pinag-uusapan nila, basta ang alam ko may pinaguusapan sila.
Labo ko noh? Tch!..
"Anong meron?" tila takang taka si Krab.
"Tuytuy yan"
Oo nga pala, wala tong alam sa pinagsasabe ko. Hmp!
"Isang sementadong tulay na walang hawakan.. ano get's?"
"Uhmmmm parang daanan?" magsasalita na sana ako ng pigilan niya nanaman ako gamit ang napakamakapangyarihang titig niya. "Patapusin mo na muna ako Krib.. parang daanan na nakalutang sa ere at iniiwasang mahulog sa tubig?"
Nakangiti siya ganito Ohhh --- > (o^____^o)
Tch! Feeling Genius? Ehhh tulay na nga lang in short dame pang sinasabe ehhh. Keso anu daw.. daanan na nakalutang sa ere at iniiwasang bumagsak sa tubig. WatDaPak! Patawa talaga Bwahahahaha!
"Ah ouu.." sabay tumango at nginitian ko na na siya.
"Tara na gusto ko tumanaw parang ang gandang tumambay" Tama ka Krab sobrang ganda at ang sarap mag-Emo diyan! May gusto akong alalahanin pero binura ko agad sa isip ko.
Di naman nagtagal ay nasa bungad na kame ng tuytuy. Shet namiss ko ito!
"Uyyy Ceith nakahuli ako! Putsa laking Hito Ohh!"
Ceith?
"Tangna patingin kuya Ram!"
Ram? Kuya Ram?
Hindi kaya?
Bigla lumakas ang t***k ng Puso ko..
Patuloy yung ingayan pero, parang wala akong nariringig. Dahan dahan ay inangat ko yung ulo ko ng tuluyan at paderektang tumingin sa tuytuy at sa mga taong naroroon!
dO___Ob
!!dO_____Ob!!
..O_____O..
Oh May God! Nagulat ako ng makitang nakatingin na sa amin si Kuya Ram at si Ceith na kung saan ay relatives ni..
DARYLE!
Asan siya?
Asan si Daryle?!
Hangang sa mapatingin ako dun sa lalaking naka-upo sa tuytuy at nakalambitin ang mga paa habang..
Namimingwit? Nakaheadset siya..
Tama nga yung Hinala ko! Siya yung nakita ko Kanina! At kaya naman pala parang may dala siyang balde kanina at parang kahoy ay dahil namimingwit sila ng Isda!
Pero yung mata ko di parin mawaglit kay Daryle, tila sabik ang pagkatao kong lapitan at kumustahin siya. Pero may pag-aalinlangan rin sa aking damdamin.
"Dennis? Dennis Tama ba ako?" bigla tanong ni Kuya Ram. Hehehehehe buti naman nakilala mo pa ako Kuya Ram? Onetime lang naman kase kameng nagkita nito ehh. Tch!
Nagulat naman ako ng mapadako ang tingin ko kay Ceith! Tila nagtataka ito at parang tumatabinge pa ang ulo. Ohhh Myyy God! May Bigla akong naalala! Shheeett!
FLASHBACK...
"España Station.. España"
Di ko namalayan na nakarating na pala kame sa istasyong dapat hintuan. Konti narin yung tao, dahil halos nagbabaan sa Sta. Mesa station.
Tumayo na ako, at muling isinuot yung bag ko sa kanang balikat at paharap ko itong niyakap. Si Joey mabilis na tumapat sa pinto..
Dahan-dahan akong humakbang, hindi ako tumingin sa tatlong lalaki na di parin pala nakababa. Ganun din si manong na himbing parin ang tulog.
Nakatingin sila sa akin, pero ako dirediretso nalang. "Pre paalis na.. tangna torpe ohh", naringig ko sa aking likuran. Nasa tapat na rin ako ng pinto. "Si Krab.. Oo Si krab lang.. Mahal na mahal ko si krab siya lang.."—Ipinapasok ko ang mga katagang yan sa akin isipan.
BUMUKAS NA YUNG PINTO..
"Miss..", Nagbingibingian ako at derederetso ako. Nakaringig nalang ako ng nagtawanan. "Booomm di pinansin! Torpe mo men.. torpe mo Ceith!"
"Ceith??.."—Napabulong ako. Muli kong tinitigan siya.. TINITIGAN KO SIYA!
Ohhhh EhhhMM Gehh.. Kumaway at ngumiti ito sa akin na para bang ang lungkot na nagpapa-alam ganun din mga kasama niya. "Bye miss Ganda!"
SHeeetttt! Bakit nandito si Ceith? Oo di ko agad napansin! Siguro sa sobrang ang dame kong iniisip. Si Ceith!! Oo siya si Ceith! Pero bakit siya nandito?
BIGLANG SUMARA YUNG PINTO.
END of FLASHBACK...
Naalala ko yung time na ginawa akong babae ni Joey, tapos nakasakay ko siya sa may Train! Pero bat ganito ang inaakto niya? Nakilala niya ba ako?
Dennis hindi ka niya nakilala!
"Oo di niya ako nakilala.. Oo tama ako!"
d0_____ob ??? – Si Ceith at Kuya Ram.
Hala? Ohhh Myyy gad!
"Anong sabi mo? Sinong di nakakilala sayo?", nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Nasa bungad kame nun ng kabilang tuytuy.
Si Krab yun Oo si Krab yung nagsalita! Peste bat ko ba naiwika yung laman ng kukute ko? WatDaPak naman Uh!
??d0_____--b??!! – Si Krab, na tila naghihintay ng sagot.
"Huh?" ako.
Sumimangot si Krab
"Sila!" nakangiti kong turo kina Kuya Ram at Ceith, pero napasulyap pa ulit ako kay Daryle. Hmmmp hindi niya ba alam na nandito ako? Di man lang ba siya nagulat? Ohhh di kaya galit parin siya sa akin?!
Hala?! Parang galit pa nga' di man lang siya nga siya umangat o napatingin mula sa kinapepwestuhan niya ehh. Seryoso lang siyang namimingwit at parang sinasabayan ang musikang nasa tainga.
"Anong sila?" biglang balik ako sa realidad ng magsalita si Krab. Pabulong yun, na tiyak ko ay ako lang ang nakadinig.
"Ahhh Hi po.. Opo si Dennis po kuya Ramm hehehe nice meeting you again po" biglang pansin ko na kay Kuya Ram na tila napapahiya na kase di ko sinusuklian yung tanong niya kanina pa. "Ahhhh sila Kra--- (Aist mali) Kuya Ganny, mga kakilala ko"
Patay mas lalong Mali! Anong Kuya Ganny?! Dapat Ganny Lang s**t naman Ohhhh!
(>____c) – Si Krab na ibinaba na yung baldeng dala. Patay galit nanaman kaya siya sa akin?
"Uyy musta Long time no see ahh"
"Ahh ou nga po.." Kuya Wag pong ganyan, baka kung anong isipin nitong Krab ko eh! Ibinaba ko narin muna yung mga dala ko.
Muli akong sumulyap kay Daryle pero naka-upo lang siya at namimingwit. "Ahh hehehehe namimingwit pala kame, kasama ko tong dalawa kong kamag-anakan .. Si Ceith" sabay turo niya at napatingin naman ako!
WatDaPak!
Bat ganun yung tingin niya?! Prang takang taka parin siya habang inililibot ang tingin sa akin.
Hindi kaya?..
"May kapatid ka bang babae?" si Ceith na nakatitig parin sa akin!
*LUNOK*
Putragis! Sinasabi ko na nga ba ehhhh..
*AWKWARD*
Anong isasagot ko? Puta! Ano na ito?! Sobrang naiilang ako..
"Lahat sila lalaki sa pamilya nila, bakit may problema ba Pre?", nagulat ako ng magsalita si Krab..
"Krab.." mahina kong usal pero di niya pinansin.
"Ako nga pala si Jhonny-Han Mendez, tawagin niyo naring Ganny. Isa sa pinakamalapit na tao dito kay Dennis"
d0_____0]
Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan. "Diba Dennis?", nang tinignan ko siya ay parang may inis sa mata niya.
"Ahh Ou kuya Ramm.. S-Siya pala si Ganny ahhh hehehe", Ano bang sasabihin ko? Pero nagpasalamat narin ako kay Krab dahil nawala yung pagkailang ko kay Ceith. Kaya di na ako ulit sumubok na tignan siya.
Baka di nanaman ako makawala sa pagka-ilang at baka makahalata si Krab..
"Tss.." singhal ni Krab.
"Ahh nice, namimingwit po kayo?" Ayyy Hindi tumatae sila Dennis! Nakikila mo namang may pamingwit at mga wormy dun sa maliit na balde diba? Tch! Tonto!
"Ahh ou pero nakaka-isa palang kame ehh, tapos ako pa nakakuha. Itong dalawa wala pang nakukuhasa ni isa" natatawang turo niya kay Ceith na bumalik sa pamimingwit at kay Daryle na parang wala paring paki-alam! Kainis!
"Ahh si Daryle yan?" nagtataka kunwaring turo ko kay Darle na patuloy parin sa pamimingwit.
"Ayy Ou nga pala.. Uyy Dar" yugyug niya rito. Putcha! Biglang lumakas ang pintig ng puso ko.
"Daryle pala ahh"..
Bigla niyang inalis yung kamay na naka-akbay at nakasimangot na nakatayo nalang sa tabi ko. Patay!! Si Krab nakasimangot nanaman ng husto Huhuhuhuhu, siguro naget's na niya yung napanaginipan ko nuon sa may Bus. Hmmmmmp..
Kaya naman napatungo nalang ako sa sementadong tuloy. Hmmmmm badtrip naman Ohhh!
FLASHBACK...
Nasa kalsada kame nun ng makaringig ako ng isang pamilyar na boses! "Dennis!!", Boses niya yun! Hindi ako nagkakamali!
Kapwa kame napalingon sa likuran nakita ko si Milo.. Umiiyak ito at may dalang malaking itak.
"Siya ba ang ipinagpalit mo sa akin?! HAH!!", Nagulat ako ng gilitan nito ag sarili niyang braso. Dumugo yun! Tumalsik ang mga dugo!
"Milo!!", Sigaw ko! Bakit niya yun ginawa?! Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Krab. "Sino ba yang baliw na yan? Wag kang lumapit.. Dito ka lang", niyakap ako ni Krab. Naluluha na ako.
"Mas mabuting mamatay nalang ako! Niloko mo ako!"
"Hwaggg!!! Milo!!"—Hindi ko na nagawang pigilan pa ito. SInaksak niya ang kanyang Dibdib. Anong nagyayari.. Dahan-dahan akong napapaluhod habang pinagmamasdan ang paglabas ng dugo sa kanyang mga bibig. Pati ang dahandahan na pagbagsak niya sa lupa.
"Dennis.."
May isang mahina at napakalungkot na boses ang muling tumawag sa aming likuran. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang napakalungkot na si Daryle. Sa bandang likuran niya ay may paparating na sasakyan. Isang poultry harveSting truck!!
Agad akong tumayo.. "Daryle may sasakyan!!"
Pero muli akong pinigilan ni Krab, "Ano bang nangyayari? Sino ba sila!"—Inis na ang mukha ni krab sa akin. "Bitawan mo ako please!!"
"Hindi!"
Sa muli kong pagtingin sa aking harapan ay nakatalikod na si daryle. Nakaharap na ito sa malaking truck at parang inaalay na niya ang sarili kay Kamatayan.
"DARYLE!!"
Nagkalat ang dugo sa lubak na kalsada. Nakahiwalay' Hiwalay ang internal Organ nito. "Anong nangyayari!!"
"MILLO!!"
"DARYLE!!"
Bigla akong nagising! "Anong nangyayari Krib?", tanong sa akin ni Krab na nasa aking tabi akbay ako habang nakahiga ako sa kanyang katawan. Nasa dulo kame ng bus..
Konti nalang ang tao maraming ng bumaba. Aircon ang aming sinakyan kaya naman ay napakalamig.
"Krab nanaginip ako ng nakakatakot..". Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Bakit ko sila napanaginipan?
"Yan nuod nuod ka kase niyang Final Destination akin na nga yang ipod", Binawe na niya yung cellphone niya kung saan nanuod ako nung Final Destination Series habang nasa byahe.
Siguro yun nga ang dahilan..
"Sino yung Milo? pati yung Daryle?", Agad itong nag-usisa habang inaayos ang headset ng ipod niya.
"Ahhh.. milo? daryle?"
"Naringing ko habang dinadalaw ka ng panaginip na yan.."—Medyo malungkot niyang sabi. Parang pinagseselosan niya ang mga pangalan na yun.
"aaaa milo.. sa panaginip ko kase pinapainom akong isang drum na milo.. OO yun yun!"-- Paliwanang ko sa kanya.
"Eee yung daryle?"
"Sabi kase krab ko nung witch na nasa panaginip ko.. kaylangan ko daw maging daryle (the real) favorite na inumin yung milo.. dahil kung hindi... lulutuin niya daw ako sa talyasi niya"—Pagsisinungaling ko ng todo.
END of FLASHBACK...
Sana naman di na niya maalala yun Huhuhuhuhuhu.. Please Lord wag mo ng iparemember sa mahal ko. Please?
Lilingunin ko sana muli si Krab ng biglang nakita ko yung pagtayo ni Daryle. Siya nga! Siya talaga yun nakita ko Kanina! Pero bat pa kaylangang magtago? Tch!
Remember Dennis isa yan sa mga naging Jowa mo! Aist Ou nga pala Sheyyyt bigla akong nakaramdam ng hiya at pagka-ilang!
Ang gwapo niya parin..
Napalunok ako ng mapansin kong tila lumaki na ang pangangatawan niya, bahagyang nagkamasel na siya at parang binatang binatang Hunks na siyang tignan.
Ibinaba niya yung pamingwit at iginala ang paningin sabay alis ng headset sa tainga. "Bat Ram? May Dadaan ba? Nakakaharang ba tayo?", takang tanong niya sabay tingin sa paligid.
Tumitig ka sa akin!
Sheettt nagtama yung mga mata namin, nginitian ko siya! #^____^#
Namiss ko siya. Puta di ito pwede! Ano ba itong nararamdaman ko? Tch! Tch! Tch! Mali Mali!
Babatiin ko nalang siya Hehehehe..
"Hi Daryle.." malambing kong pagbate. Hindi siya ngumiti, nakasimangot lang ang mukha niya sa akin.
"Sino ka?"
'Sino ka?'
'Sino ka?'
'Sino ka?'
'Sino ka?'
'Sino ka?'
>O____O -- Ako
---____--- -- Siya, wala man lang kaemo'emosyon. Tch!
"Ahh si Dennis... Dennis Hernandez? Remember?"
"Dennis?" siya na nag-iisip parin.
"Ou.." naramdaman ko nalang na palapit na ako sa kanya. Muling kumabog ang didib ko. Baka di niya lang ako nakilala Hehehehe.. Lalo kase akong gumayon!
"Wala akong kilalang Dennis.."
'Wala akong kilalang Dennis..'
'Wala akong kilalang Dennis..'
'Wala akong kilalang Dennis..'
'Wala akong kilalang Dennis..'
'Wala akong kilalang Dennis..'
Umecho nanaman ulit yun sa isipan ko. Parang nanghina ang katawan ko, parang nanlumo ako ng husto.
Anong nangyare? Bat di na niya daw ako kilala?
"Wag mong sabihing hindi mo rin siya maalala Dar?"
"Hmmmm dapat ba kilala ko siya?"
"Oo kaibigan mo siya Tuleg!"
"Hmmmm.." sabay tingin niya sa akin. "Wala talaga eh, di ko talaga siya maalala" Parang winasak ang utak ko! Huh?! Bat di mo na ako kilala!
Hoy si Dennis toh! Yung dating minahal mo! Na dati ring naadik at nagmahal sayo >....
"Pucha ehh di may Partial Amnesia ka nga! Si Mama mo di mo rin maalala, bat pati si Dennis?" si Kuya Ram na agad ko namang kinagulat.
Partial Amnesia?
DARYLE POV
Partial Amnesia?
Tch! Sabi nung Doktor yan daw ang meron ako kung bakit di ko maalala ang nanay ko.
Pero sorry si Dok, mali siya sa haka haka niya. Ayoko lang talagang maalala ang nanay ko. Ayoko na siyang maging Nanay!
"Pucha ehh di may Partial Amnesia ka nga! Si Mama mo di mo rin maalala, bat pati si Dennis?"
Bat pati si Dennis?
Siyempre pareho lang sila ng Nanay ko! Mga walang kwenta, pareho nila akong sinaktan! Kaya dapat lang talaga sa kanilang wag ng maalala! Dapat nagkatotoo nalang talagang nagkaPartial Amnesia ako! At silang dalawa yung burado sa isipan ko! At gusto ko sana panghabang buhay na.
Pero lintek! Bat kase di pa ako pinuruhan ng Truck na yun?! Dapat Pinatay nalang ako ehh.
Bubundol na nga lang, di pa ako tinuluyan!
Ilang araw ang makalipas nung umalis ako dito nung nakaraang taon ay Nabangga ako ng Truck, nandun na ako nun sa may Blumentritt nakikitira sa kapatid ng tatay ko. Sa Tito Turoy ko..
Pero nabaon ko run yung sakit na binigay sa akin ng Nanay ko, sa pagpapalayas niya sa akin sa bahay at kasabay na dun ang panloloko sa akin ni Dennis!
Isang araw wala ako sa sariling naglalakad sa kalsada ng..
Nabundol nga ako. Humigit anim na buwan akong na comatose sa Hospital, yun ang sabi nila.
At nung magising nga ako, naisip kong samantalahing ang kalagayan ko. Kaya naman kunware may amnesia ako, para naman makalimutan at lumayo na sila sa buhay ko! Putragis!
Di ko mapigilang maluha, na agad ko namang pinahid. Si Dennis naman ay nakikita kong nakikipag-usap kay Kuya Ram, tila andameng gustong malaman!
Ano bang pake mo Dennis! Diba may Milo ka naman! Niloloko mo lang talaga ako! Pinaasa mo ako! Lintek ka! Buysit ka! Mamatay kana!
Pero bat ganun, bat nasasaktan ako? Lalo na't may kasama siyang lalaki na kung maka-akbay sa kanya ay parang syota niya! Di pa ba siya sapat kay Milo na nakasama niya rin kagabi dun sa peryahan! Ang Sweet ng mga lintek sa Tsubibo. Ang sarap pasabugin ehh!
Bigla namang tumingin sa akin yung lalakeng napakakoloreto ng buhok. Isang napakasamang tingin! Ginantihan ko yun, hanggang sa ito ang umiwas.
Wala ka pala ehh!
Siya rin yung kasama ni Dennis kanina dun sa hila ng Kalabaw. Saan sila galing sa oras na yun? Bat magkasama sila? Anong ginawa nila!
Naiinis ako! Naasar ako!|>......
"Una na ako"
Sabi ko sabay kuha ng sa pangbingwit na dala ko at sabay talikod paalis. "Bro una na ako" paalam ko kay Ceith. Si Ceith ang isa sa mga umalalay sa akin sa Hospital. Kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa pinsan kong yan.
Tinitigan niya lang ako ng kakaiba. Tch! Binabasa niya ba ang nasa isip ko?
Papalapit na ako nun sa may bungad ng tuytuy ng biglang may humawak sa aking balikat.
Isang kamay..
Paglingon ko ay agad kong pinagsalubong ang mga kilay ko at ginusot ang noo ko sa inis.
(>____
"Daryle? H-Hindi mo na ba talaga ako maalala?" si Dennis na tila naghahanap agad ng mabilisang sagot.
"Hindi"
Sabay talikod ko.
"Teka lang" muling humawak yung mga kamay niya.
"Ano ba! Kulit Mo ahh!" pagtalikod ko para muling harapin siya ay nagulat ako ng mahawi siya nung kahoy ng pangbingwit ko.
*DUB!*DUB!*
*DUB!*DUB!*
*DUB!*DUB!*
*DUB!*DUB!*
Bigla siyang nag hahanap ng mahawakan sa ere! Parang pinipigilan niyang ibagsak ang sarili sa tulay! Puta Mahuhulog siya! Agad akong kumilos! Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang bilis ko para kunin yung kamay niya!
"Dennis!" sigaw nung Ganny ba yun!
Ang higpit ng hawak niya! Naabot niya ang kamay ko..
Pero huli na ang lahat, di ko namalayan na nawala na rin sa tuytuy ang paa ko. Kapwa kameng nahulog sa ibaba ng tuytuy.
Para kameng mga para-parong nawalan ng pakpak..
BAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!
BAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!
(A/N: Hindi yan gamit! Tunog yan ng pagkahulog! Wag kang Ano!)
Sheett buti nalang medyo buhangin ang nadito sa binagsakan namin. Nagulat ako ng makitang naka-unan ang Braso ko, sa ulo niya.
"Arayyyyyy..", mahinang ungol niya. Agad ko siyang tinignan, nakita ko yung parang gasgas sa may bandang braso niya. Lumalabas na yung mga Dugo!
Saan galing yun?
Agad kong nilibot ang paningin ko at nakita ko yung Puno ng RapRap! "Shittt!", nasambit ko.
(RapRap – isang puno na may tiniktinik sa palibot ng kahoy nito. Kinakain rin ang talbos nitong epektibong magpa-antok agad sa taong nakakain. Pero Pramis! Sobrang sarap po niyan! Yum Yum Yum! Si Otor ito! Wag kayong ano!)
Agad namutawi ang pag-aalala ko sa kanya, kita ko sa pumipikit niyang mata yung Kirot. "Dennis Okay ka lang?", sobrang nag-aalala ako. Sobrang Sobra , kasalanan ko ito! (@____@)
Parang gulat naman itong nagmulat ng mata, habang hawak pa ng kaliwa niyang kamay yung kanang braso. Puno narin ng Dugo yung kamay niya.
"Naalala mo na ako?"
#^___^# -- Nagulat ako ng magkaroon ng saya sa kanyang mga Mata! Nakuha niya pa talagang ngumiti? Tch!
Shit Deputa Lintek! Kahit Anong Pilit na Bura ko sayo sa Utak ko Dennis Di ko magawa! Natatalo ng Puso ko yung Isip ko. Putang-ina bat ko ba nararamdamin ito ulit? Dapat wala na ito Ahh?!!
Bat sobrang mahal na ulit kita Dennis? Bat ang bilis naman? Naalog ba ng pagkahulog natin yung utak at isip ko? Na imbis mahulog sa lupa at masaktan ay nahulog ulit ang buhay ko sayo! s**t Deputa Lintek Buyset!