NOTE: Hindi pa po ito yung part na naglalaman ng Revealing Point of View na magpapabago sa takbo ng kwento, tulad ng Post ko sa aking f*******: Account. Baka sa next chapter pa pu yun kaya kapit lang! Nagpapasalamat nga po pala ako sa lahat ng bumuto sa El Gamma Penumbra. Sa mga hindi naman bumoto, maraming salamat na rin, Wala naman akong magagawa kung yan ang kagustuhan niyo. Basta El Gamma Penumbra tayo FTW!!
|DENNIS|
"Ate magkano po lahat?"
"Wan Forti lang po"—Biglang natahimik ang lahat, ganun din si Milo at Krab na nagkaka-initan ay tila napahinto.
"Para wala ng gulo, ako nalang magbabayad.. libre ko na kayong lahat"—Nakangiting sabi ni kuya Brenth. Hay salamat! to the Rescue si Bro ko Hehehehehehe..
Pinulot niya yung pera ni Krab at Milo na kapwa nahulog na sa lupa. "Libre ko nalang tohh Ganny, sayo din.. Milo diba?", Inabot niya pareho ang pera ng dalawa.
"Ayos! Ang bait ni Kuya Brenth ohh.. Salamat kuya Brenth"—Biglang lapit si Joaquin at nagpasalamat kay kuya. Ganun din yung dalawang napangiti pang huminto at tumingin kay Milo at Krab.
"Uyyy Milo, mag sorry ka nalang diyan kay kuya Danny", Sigaw naman ni Tonton kay Milo na pumagilid na sa may pansitan. Ako naman ay lumapit nalang kay Krab. Nginitian ko siya at tinignan ng matang nagtatanong na bakit mo ginawa yun?
"Sorry", mahina niyang sabi sa akin. "Okey lang"—Pabulong kong sabi habang malapit na malapit ako sa kanya. Ngumiti siya ng napakasaya, parang wala ring nangyaring kakaiba.
"Pasensiya sa nagawa ko"—Nagulat nalang ako ng nasa tabi na namin siya at nakalahad ang kamay. "Mabuti marunong kang umako ng kasalanan..", napatingin ako sa mayabang na boses na sumagot. "Aaa Milo, okay na wala na yun.. kalimutan mo nalang"—Sabi ko naman.
"Kalimutan mo na ang lahat ng dapat kalimutan, hindi yung patuloy ka parin sa pagkimkim"—Sagot ulit ni Krab. Hala anu nanaman itey!!
"Ano bang ibig mong sabihin pare?! Tungkol pa ba ito sa kanina.. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan"—Inalis na nito ang kamay na nakalahad na di naman tinanggap ni Krab.
"Alam kong alam mo kung anung gusto kong sabihin. Kalimutan mo na siya"—Si Krab. Hala ano bang kakalimutan? Nabubuang na ba itong dalawa? Unang kita palang pero parang matagal ng magka-aaway! Pero I saw the word na sa bawat sinasabi ni Krab.. Parang ako yung tinutukoy.
"Isininyo, sugad kamo sin mga kapay. Uno baya pinagkakarabungan nyo dun Milo?"
"Aaa pasensiya na Ate marie, ito kaseng dayo dito sa lugar natin mukhang di nagenjoy dito sa baryo"
"Ayy amo?
"Amo.. Abnormal gayud"—Sabay ngiti niya ng nakaka-inis.
"Milo..."—Di ko mapigilan maasar sa ugaling pinakita niya.
"Huy, kayong tatlo diyan ano pa bang hinihintay niyo?!"—Biglang sigaw ni Joaquin. Natawa naman ako ng makita sila, yung apat nagsisimula ng kumain! "Oo papunta na diyan!"—Mayabang na humakbang papunta sa medyo may kahabaang lamesang kahoy si Milo kung saan nakapwesto yung apat.
"Ganun talaga yun pabayaan mo nalang"
"Naiinis ako."
"Bakit?"
"Hindi ko maintindihan pinagsasalita nila.. Pero ang malinaw sakin tinawag niya akong abnormal!"
"Uyyy hindi aaaa.. pabayaan mo na yun. Ang tanong Abnoy ka ba?"
"Hindi aaa!"
"Yun naman pala ehh, wag masyadong apektado. Wag masyadong pikon .. Mahal ko"—Pabulong kong sinabi yung salitang "Mahal Ko"
"Sige"
Madame-dame na rin yung tao pala sa pansitan, masarap kase yung lutong pansit ni Ate Marie ehh.. Yung may sabaw pa yun tas titimplahan mo ng naayon sa gusto mo. May Suka, patis, Toyo, kalamansi, at Bagoong na may Sili :)
Pagdating naman ay puno na dun sa kabilang mahabang bangko, kaya naman naka-upo kame ni Krab dun sa isa.
Katabi si Milo..
Napatingin ako kay Krab. Umupo siya tabi kay milo, pero may konting ispasyo. Pagkatapos pina-upo na niya ako sa tabi niya rin. Siya ang nasa gitna. Napapagitnaan namin siya ni Milo.
Nasa tapat na rin namin yung mainit na pansit na umuusok usok pa ang sabaw. Tsaka yung sinapot na nakatuhog sa bamboo stick na maiinit din! Sarap.. Uhmmmm nakakamiss yung ganito #@^__^@#
"Ohhhh anghang!"—Si Tonton na pinapaypay pa yung kamay niya sa may labi. Ganun din si Joaquin na pawisan na. "Wohhh Grabe! Pero ang sarap"
"Bat maanghang?"—Tanong naman ni Krab, ayyy hehehehehe medyo di rin pala nakain to ng maanghang.
"Nilagyan lang namin kuya Danny nung bagoong try mo.. Wooo Wooo", Si TonTon. "Kame nitong si lourd konti lang nilagay namin.. di rin ako sanay sa maanghang ehh", Si kuya Brenth na nakatawa sa dalawang pawisan.
"Ahh di nalang ako maglalagay ng sili.. pwede naman yun diba Dennis?"—tanong niya sa akin. "Ahh ou naman, walang kaso dun Krab.."
"Krab?"—Ohhhh My Gadd?! Nasabi ko yung tawagan namin.. May Gaddd si Kuya Brenth pa unang nakapansin!
"Anu yun Bunso?"
"Krab? Alimango.. etooo kase ohhh!", Sabay turo ko sa alimangong nakaprint sa damit ni Krab.
"Kinaka-usp ko siya.. sensiya baliw lang"—Para tuloy akong tanga. Tawanan tuloy sila ng malakas.
"Kung tunay kang lalaki, kahit konting sili kaya mong tumikim.. Lalaki ba talaga toh?"—Biglang ngumiti nanaman ng nakaka-inis si Milo. Kinuha niya yung bagoong at naglagay sa kanyang pancit. Iniinis niya ba si Krab?
"Yabang ni Milo ang wala.."—Sabi naman ni TonTon.
"Biro lang..", sabi nito sabay kuha ng ibang panimpla. Pero di nakatanggal sa kanyang mukha yung nakakapikon na ngiti.
"Yan lang ba ang kaya mong anghang?"—Nagulat ako nung kinuha ni Krab yung lagayan ng bagoong at sumalok ng dalawang kutsara ng maanghang na bagoong!
"Akala ko ba ayaw mo?"—Bigla kong tanong.
"Huyy Gan.. Maanghang yan"—Babala ni kuya Brenth. "Maanghang lang naman tol, hindi naman lason"—Sabay ngumiti ito.
"Wow.. kumasa sa hamon si Kuya Danny ohhh! Anu ka ngayon milo? Isang kutsara lang ba talaga kaya mo hahahahaha!"—Sabay apir nito kay Joaquin.
"Kaya niyo ba talaga yan? Eto ngang kay Joaquin at TonTon mga kalahating kusara lang ehhh. Pero pinagpapawisan na sa arang..", sabi naman ni Lourd.
"Walang problema tohh sa akin, hindi naman ako tulad ng iba na mayabang pero di kayang higitan ang kaya ko"—Paringig ni Krab.
"Suko na ako sayo pre.. sige ikaw na ang tunay na lalaki"—Kinuha ni Milo yung Sinapot at sumubo ito, kasabay ng paghigop sa sabaw ng kanyang Pancit.
Tumingin siya sa akin.
"Wag kang mag-alala, di naman ako papatayin nito. Kain na tayo"—Ngumiti nalang ako sa tapang na pinakita ng Mahal ko! Ang Tapang niya talaga! Kumuha rin ako ng gapiranggot na bagoong at hinalo ko rin ito sa aking pancit, sinimulan ko ng timplahin at kainin.
TAHIMIK ANG LAHAT HABANG PATULOY SA PAGSUBO, TILA NAGPAPAKIRAMDAMAN KAME SA MGA MAARING MAGANAP! ESPECIALLY SA KRABYLABS KO. NAWOWORRY AKO.. ANG TAHIMIK NIYA, TAZ PINAGPAPAWISAN NA RIN SIYA!
"Sa wakas.. tapos na rin!"—Dinutdut parin ni Tonton yung piraso ng sinapot sa nalalabing sabaw ng kanyang pancit, pagkatapos kainin ay hinigop ang sabaw na natitira. Sila kuya Brenth naman at Lourd ay tapos na rin, pati si Joaquin na nagtanggal na ng damit sa sobrang init. Maganda rin ang katawan ng loko, tulad rin ng sa kuya erick niya.. Hmmmmmp! Ummandar nanaman ang pagnanasa ko.
"Inet nga..", Biglang tumayo si Milo at nagulat ako ng naghubad ito ng damit. Mainit! Nag-iinit tong paligid sa mga nakikita ko! Umiwas ako ng tingin, pero alam kong nahuli niya akong napatitig rin kanina. Habang iwas-iwas ko ang paningin ko ay tila umalis naman sa kina-uupuan ang nasa tabi ko.
Si Krab ba yung umalis? Nakadinig nalang ako bigla ng tunog na parang nasusuka. Pagtingin ko sa likod sa bandang labas ng pancitan na medyo damuhan na ay nakita ko si Krab na nakatukod ang isang kamay sa puno ng Kamansi at nakayuko siya at sumusuka!
"Ganny?!"
"Uyyy anong nangyari dun?"—Naringig kong sabi naman ni Tonton. Tatakbo na sana ako nang makita kong nauna na pala si Kuya Brenth para alalayan ang kanyang kaibigan.
"Ayus ka lang?"—Tanong ni Kuya Brenth? Nakita ko yung pamumula ng mukha niya ng humarap ito kay Kuya Brenth. Nagulat naman ako ng tumakbo rin si Lourd papunta sa pwesto nila, may dala itong isang baso ng Juice.
"Kuya inom po kayo nito, mabawasan man lang yung anghang"—Sabi niya. Bat ganun, parang ako walang magagawa sa pagkakataon na ito para humilom ang anghang na nararamdaman ng mahal ko. Bat parang nagiging wala akong kwenta?
"Kuya ito pa Ohh!", nakita ko naman si TonTon at Joaquin na may hawak na isang pitsel ng malamig na Juice. "Ang yabang kase..", Parang mabilis na tumama sa akin yung mga salitang yun, na mabilis kong kina-irita.
"Hindi siya mayabang.."—Tinignan ko siya ng masama.
"Anong tawag mo dun? Pagiging Humble? Kung di ba naman yan uto-uto.. Nagpa-uto naman siya sa paringig ko."
"Milo ano bang nangyayari sayo?"
"Hindi ako ang nauna, siya nagsimula.."
"Pwedeng unawain mo nalang?"
"Okay.."—Tumayo siya sabay punta dun sa may Malaking dilaw na Water Jug at kumuha ito ng tubig at ininum niya. NA-IINIS AKO SA KANYA! MAYABANG SIYA!
"Okay na ko, salamat"—Nasa kung anong lugar ako sa pansitan nun nakatingin ng madinig ko ang boses ni krab. Pulang pula parin ito at nakaka-awa ang mukha. Tumayo na rin ako at lumapit.
"Kase naman kuya danny, bat kumuha ka ng maraming bagoong na maanghang?"—Tanong ni Tonton.
"Pag tinawag mo pa ulit ako na danny.. papakainin kita diyan ng maraming sili"—Pabirong sabi ni Krab. Hahahahahahaha tawanan sila. Lumapit naman ako at kinamusta na siya. Bigla naman sumimangot si Krab at tumalikod sa akin at may binulong siya kay kuya Brenth.
"Sige uwe na muna kame aaa, masama parin daw pakiramdam nitong kaibigan natin ehhh. Bukas nalang ulit"—Si Kuya Brenth.
"Kuya sama na ako!"—paghabol ko.
"Naku Bunso, wag na. Ako na bahala dito sa lokong to.. Makipaglaro ka nalang diyan sa mga kaibigan mo"
"Kuya?"
"Wag ka ng makulit.."—Sabi niya sabay naka-alalay kay Krab. Si Krab galit siya sa akin! Alam ko nagtatampo nanaman siya? Siguro dahil nakita niya akong ka-usap ko si Milo! Eeee pinagtanggol ko lang naman siya ehhh.
"Magiging okay rin yun si Kuya Gan dhenz.."—Lumapit sa akin si Lourd ng nakangiti. "Oo nga.. tsaka parang ayus naman na ehh.. For sure may phobia na yun sa sili no Ton?"—Sabi ni Joaquin sabay palis ng juice sa pitsel at inom. "Kawawa naman si Kuya danny. Kaninong sinapot toh?"—Tanong ni Tonton. Siguro ang tinutukoy niya ehh yung tira kong sinapot. Nakatitig parin ako kay Kuya brenth at Krab na unti-utning ng lumalayo. Huminto sila sa may nag-iihaw ng mais. Tapos nagulat ako ng muling lumingon si kuya Brenth at tinawag ako! Yeheyyyyyy papasamahin narin nila ako! Agad akong tumakbo at lumapit..
Kapwa na sila nakatayo ni krab at tumitingin sa iniihaw ni manong. "Ito na Sir yung dalawa", inabot ng lalaki yung dalawang mais na inihaw na nakatuhog sa isang stick. "Bunso, kunin mo nalang yang limang natitira pa. Pamigay mo sa mga kaibigan mo"—Bilin niya sa akin. Hala.. yun lang yung sasabihin niya?
"Ganny!"—Tinawag ko naman pangalan niya. Lumingon siya at tumingin ng walang kabuhay buhay. Sinenyasan ko siyang ngumiti gamit ang hintuturung ginuhitan ko ang labi ko ng smile. Di siya ngumiti, bagkus ay tumalikod na. "Sige Bunso, una na kame"—Hanggang sa malayong malayo na sila sa paningin ko. Hangang sa kumanan na sila sa pakurbang daan at di ko na nakita ang kanilang mga imahe.
"Yung mais mo Boy..", Biglang abot sa akin nung nakalagay sa paper pack ng mga ihaw na mais. "Salamat po.. bayad na po ba?"—Tanong ko sa matandang pawisan na dulot sa pagpapaypay sa may ulingan. " Amo..", mabilis na sagot niya.
Umalis na rin ako at pinuntahan yung mga iniwang kaibigan. "Akala namin uuwi ka na"—Sabi ni lourd habang naka-upo sa pahabang bangko sa harapan ng pancitan. "Yung tat... aaa yung dalawa nasaan?"
"Nauna na dun sa may Fish Pond ng pinsan ni TonTon"
"Iniwan ka nila dito?"
"Iniwan nila tayo.. sumunod nalang daw tayo"
"Ganun ba? Saan ba yun?"
"Malapit lang.. lika"
Dala- dala ko nun yung mga inihaw na mais ng pumasok kame sa medyo gubat na parte ni Lourd. Di rin naman nagtagal ay nakatagpo kame ng isang maliit na kubo. Dinig ko yung boses ng tatlong nagtatawanan.
AT ISA LANG ANG TIYAK KONG PINAGTATAWANAN NILA.
Si Krab V>___>V
"Uy nandito na sila Ohh"—Sabi ni tonton. Kita ko parin sa mukha nila yung parang nagpipigil sila ng itatawa, maganda pala yung lugar. Ngayon ko lang ito nakita, di naman kase ko pala gala sa parteng ito ng baryo.
"Uy something Corny.."—Paringig ni Tonton sa akin. "Ayy oo nga pala, tig-iisa daw tayo sabi ni kuya Brenth", tapos kumuha ako ng isa at inabot ko na sa kanila yung tira. Bahala na sila maghati-hati.
"Ang bait talaga ni kuya Brenth! Andameng libre satin aaa.. Swerte nitong si dennis at may kuya siyang ganuon"—Habang ina-amoy amoy ni Joaquin yung mais.
"Uyy may isa pa.. wala ka pa ba Lourd?"—tanong ni Tonton.
"Meron na.. si Milo wala pa"
"Asan na ba yun?"—Tanong naman ni Joaquin.
"Andun na sa fish pond"—Turo ni Tonton. Nakikinig nalang ako sa usapan nila, la akong pake dun. Masyadong mayabang na nilalang, di naman siya ganyan dati. Siguro nalagyan na ng DNA ng Michael na yun ang pagkatao niya. Feeling! Hmp!
"Tara na nga dun, panuorin natin yung mga Isda!"—Patakbong tumungo yung tatlo, kung nasaan yung FishPond. Hindi naman kalakihan yun, tila isang bilog na palaisdaan na may dayametrong 4 meters.
Naupo ako kung saan naka-upo si Joaquin at Lourd. Sa kabilang banda naman ay naroroon si mayabang at si Tonton. Napakalinis ng pond, buhay na buhay at kitang kita yung malulusog na isda! Parang may Hito! Tilapya! Bangus at Hipon dun! Hehehehehe ang cool ang ganda!
Katapat ko sa pagkakaupo yung mayabang, pansin kong nakatingin siya sa akin. kaya naman todo layo ako ng mata ko. Baka masilaw ako sa katawang nakabalandra, katawang natikman ko na rin nuon. "Eto ohh kain kayo..", biglang may tinapon si Lourd na medyo may karamihang butil ng mais sa palaisdaan.
Dahil sa ginawa niyang yun ay lumabas halos ang maraming isda na naninirahan sa FishPond. Pinagpiyestahan ng mga ito ang mga butil ng mais na palutang lutang.
Pero hindi pa nga umuusad ang isang minuto ay naubos na yung mais. Gumaya na rin kame, habang kumakain din ay nagtatapon rin kame ng mangilan ngilan sa Pond na kinatutuwa naman ng mga isda. Pero di lang dun nahantong yung feeding moment sa fish, napunta rin sa batuhan ng butil yung apat. Pero di ako nakisali sa kanila.. Paiwas akong naka-upo sa batuhan nila.
Lourd'Joaquin versus Mayabang'Tonton
"Uy matamaan ako ahh", sabi ko sa kanila. Pero wala silang paki-alam nagulat nalang ako ng biglang may tumama saking mga butil na sunod sunod. "Ba yan!"—Inis na sabi ko. Bigla silang napahinto..
"Uy di ako.."
"Lalo akong hindi"
"Hindi rin ako"
Mga nariringig kong sabi nila. "Aaaa sorry akala ko kase si Joaquin. Ako yung may gawa, Sorry Dennis"—Nagulat ako ng maringig ko yung mga sinabi niya, nagulat ako ng muling maringig ang ganun niyang boses at pakikitungo. Hes Back?!
"Uy si Milo pala may gawa. Suntukan na yan!"—Si Joaquin na halata namang nagbibiro.
"Ganito nalang.. maglaro nalang tayo"—Sabi naman ni Tonton. "Anung laro Pre?", tanong naman ni Lourd. "Joke time!", sagot ni Tonton.
"Nu yun?"—tanong naman ni Joaquin. "Magjojoke tayo ng tungkol sa.. anu bang pwede.. ahhh sa FISH! Oo sa Fish! Pag nakakatawa yung joke magpapakain yung napili mong kalaban sa mga isda. Pero kung Corny babatuhin ka naman ng mais!", Sabay bato ng mais kay Joaquin.
"Gagu toh! Sige game ako diyan!"—Si Joaquin.
"Dapat kasali lahat para masaya. Diba dhenz? Wlang KJ ngayon?"—Nakatingin sa akin si Tonton at Joaquin at naghihintay ng sagot.
"Fight!", sabi ko naman.
"Sige ako na muna titira.. ang joke na ito ay para sayo.. Lourd!"—Sigaw ni Tonton.
"Sige..", sagot naman ni Tonton. Nakatingin kameng lahat ngayon kay Tonton.
"Anong isda ang bagong ligo?!"—Tanong ni Tonton kay Lourd.
"Anu daw?"—Lourd
"Ehh di Naka-TaFISH!"-UYYYYYYYYY HAVEY!! Tumawa kame sa biro ni Ton, simbolo na talo si Lourd. Di naman nagpasabi si lourd, agad niyang pinakain yung mga isda.
"Kaw naman Lourd! Bawal ulitan ng kalaban!"—Sabad ni Tonton, porket nanalo na ang loko!
"Sige, handa mo na mais mo Joaquin para ipakain sa kanila"—Ha?! Yung katabi talaga ang pinili?
"Ahh lagot ka sakin! Dali anung joke mo.. Lourdy?!"—Tanong ni Joaquin.
"Anong Fish ang Feeling Paro-Paro?"
"Ano Lourdy?"
"Ehh di I-FISH!"
Wahahahahahahaha Oo nga naman! Kaya Havey yung Joke niya, nagtawanan naman ng bahagya, sapat na para magbigay ng konting ngisi sa aming mga sarili.
"Sige na nga pagbigyan na!"—Nagbudbud na ng butil ng mais si Joaquin sa Tubig. Ang saya nung mga isda, dame nilang nakaka-in dapat patuloy lang yung pagiging havey ng mga Joke!
"Ako naman ngayon, sisiguraduhin kong nakakatawa to"—Pagmamayabang ni Joaquin.
"Huy Joaquin ako piliin mo", pabulong kong sabi sa kanya. Tumingin lang ito sakin, "Ayoko dhenz masyadong malapit ka para batuhin ako hehehehe", tawa nito sa akin.
"Kaya naman ang joke ko ay para kay Milo!"
"Sige na Pre.. handa na tong mais para ibalong sayo!"—Ang yabang niya nanaman Hmmmmmp!
"Joaquin galingan mo!"—Pagcheecheer ko sa aking kaibigan.
"Ou ba dhenz! Eto na! Anong FISH ang dumaan sa ilong ni Tonton!"—Napatigil kameng lahat at napatingin kay TonTon. "Ano daw?"—Mag-isa kong tanong..
"Ehhh di..
FISHon!"—Tawang tawa kame sa sinabing iyon ni Joaquin. Pero kabaliktaran kay Tonton. "Yabang mo naman.. ehh mas matangos pa nga ata ilong ko sayo ehh", Inis na sabi nito kay Joaquin.
"Uy apektado? Nagbibiro lang naman ahhh.."
"Pake ko sa biro mo.. ayusin mo yang mga lumalabas sa bunganga mo"—Hala, natahimik bigla kame dahil sa inaakto ni Tonton. "Nagbibiro lang naman ahh.. uyy sorry na", di sumagot si Tonton sa paghinge ng tawad ni Joaquin.
"Tama na yan.. mawawala rin init nitong ulo ni Tonton mamaya. Diba pre?"—Tanong ng mayabang na nilalang.
"Ano tuloy pa ba natin?"—Si Joaquin.
"Siyempre.. di pa ko nakakatira ehh"—Sagot ni Milo.
"Sino bang titirahin mo pre?"—tanong ni Joaquin.
"Ahhhh si..
si..
si Dennis, si Dennis ang titirahin ko"—Ha anu daw? Ako titirahin niya? Saan? Ohh my Gad? Sa pwet?
"Bastos mo.."—Inis na sabi ko.
"Huh?"—Siya.
"Sabi ko, ang bastos mo"
"Bat naman ako bastos?"—Nakipagharapan na ito sa akin ng pag-uusap.
"Bat mo ko titirahin?"
"AHH ayos lang naman siguro na ikaw yung tirahin ko nung joke ko?"—Ayyy Omeygad. Maling akala nanaman ako! Mayy Gushhh!
"Hahahaha patawa si dennis, san ka ba titirahin niyang si Milo?! HAHAHAHAHAHAHA"
"Ahhh anu? sabi ko tirahin niyang mais niya! Joaquin ohhh!"—Inis na sabi ko.
"Tirahin ng mais ni Milo? Wahahahahahaha makikihati ka pa sa mais niyan ehh may kumakain na ng mais niyan ehhh si Michael!", sabi pa nito.
"Huyy joaquin anu yang sinasabi mo?!"—Si Milo
"Ibig kong sabihin yung mga butil ng Mais na hawak niya! Masyado ka ehh!"—sabay tulak ko dito na mahuhulog na sana sa fish pond.
"Huyy .. grabe kayo. Biro lang.. mga tohh ohh"—Sabi nito na nakahawak mabuti sa may lupang kina-uupuan.
"Biro kase ng biro.. mukhang naman biro yang mukha niya"—Biglang singit ng naiinis na si Tonton.
"Huyy.. pre di ka parin ba maka move on sa FISHon..?"
"Tang-ina mo!"—Si Tonton, pero tinawanan lang siya ni Joaquin. "Huy tama na yan, anu bang joke mo para kay Dennis ahh Milo?"
"Pwede ba sayo Dennis?"—Tanong sakin ni Milo, kapwa na kame nagkatitigan. "Oo naman, anu bang joke mo?", Ewan ko ba naging mahinahon ang sarili ko sa pagkakataon na yun. Mukha kaseng bumalik siya sa pagiging cute na Milo na dati'y aking matalik na kaibigan.
"Anong Fish gusto kong sabihin sayo?"—Napa-isip ako, joke ba talaga ang sinasabi niya. "Ehh ano bang Fish yan?", sagot ko naman. Tumayo siya at puma-ikot papunta sa pwesto namin. Anong ginagawa niya? Lumapit siya sa akin at tumayo sa aking harapan.
Nakaka-akit pa naman yung hubad niyang itaas na katawan, tapos ang gwapo niya sa gupit na UnderCut. Mukhang gangster na napaka Angheliko ng mukha. Inilahad niya yung kamay niya. "Bakit?"—tanong ko sa kanya. Pero hinatak nalang niya akong patayo.
Sabay yakap sa akin..
Gulat na gulat ako sa ginawa niyang iyon!
"Anong ginagawa mo?"—Tanong ko. Muli siyang Humarap sa akin, "Sorry na kung may nagawa man akong ikinainis mo. Nais ko lang sabihin na ako parin ito.. Si Milo ang kaibigan mong iniwan. Kaya pwede ba FISH (Peace) na tayo?"—Kinabahan ako bigla, anu ba ito? Still the game parin ba? Part parin ba ito ng Biruan?
Muli siyang yumakap sa akin! At ikinagulat ko ang mga salitang ibinulong niya sa pagkakataon na yun.
Ang mga salitang..
"I Love You"..