Chapter 2

578 Words
"Pupunta ba tayo sa MOA?" tanong niya kay Ava. Nasa elevator sila papunta sa canteen ng pinapasukan nilang ad agency ang Glam and Printz Advertising. Pagkagraduate niya ng Business Ad, sa GPA siya nag-apply kung saan ay Assistant Account Manager si Ava. Natanggap siyang Creative Designer. "After work hours girl, excited na ako we need to shop para sa gagamitin natin sa Saturday" sagot ni Ava sa kanya. "Alam mo naman dapat ready tayo ayaw ko palamang sa 3 witches hahahaha" ang tinitukoy nito ay ang 3 kasamahan nila sa trabaho na taga accounting na lagi na lang nagtsismis sa buhay nila ni Ava. Well sabi nga ni Ava sa kanya ay insecure ang mga to sa kanila. "Ano pa bang dapat nating iready? Naayos ko na ang mga gamit ko 2 nights lang naman tayo sa resort" sabi niya kay Ava habang palabas sila ng elevator. "Hi babe!" bati ni Nathan kay Ava sabay kabig at nagbigay naman ng tango sa kanya. Kasama nito si Dave ang sinasabing makakadate niya sa outing. "Good afternoon Lexie, sabay na kayo sa amin sa labas kami maglunch" sabi sa kanya ni Dave. Gwapo si Dave moreno at maganda ang pangangatawan. Matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya pero di niya pinapansin. "Hi sige para maiba naman ang menu" tugon niya sa binata. Palabas na sila ng masalubong nila ang grupo ni Alice ang tinaguriang 3 witch ni Ava. Masama ang tingin sa kanya ni Alice maging ang 2 kaibigan nito na si Ruby at Trina. "Hi Dave!" Sabi nito sabay pulupot ng kamay sa braso ni Dave. "Palabas na kayo tamang tama sa labas din kami maglunch di ba girls" "Kaloka talaga tong mga bruha na to" bulong ni Ava kay Lexie "Hayaan mo na sila wag mo na lang pansinin" tugon niya kay Ava. Sabay sabay silang pito pumasok sa Hapag Kainan ang restaurant sa tapat ng GPA building. All Filipino dishes ang siniserve dito. Ng maka order na sila ang grupo ni Alice ang nagmanipula ng usapan. Kwento to ng kwento habang panay ang pacute kay Dave. Habang si Trina naman ay panay ang kausap kay Nathan. Kaya sila ni Ava tahimik lang pero ang mga mata ni Ava panay irap. After ng lunch out nila ay bumalik na sila sa GPA. May tinatapos siyang design for Japanese Beauty Products. Nagring ang kanyang phone si Ava. "Girl tapos ka na ba sa lobby na lang tayo magkita" saad ni Ava " sige girl patapos na ako mag-aayos lang see you in 10 minutes" tugon niya dito. Nag-aabang na si Ava sa kanya. Matapos makapag-out sa time keeping nila ay sumakay na sila sa honda accord ni Ava regalo ito ni Tita Lourdes. Ang sasakyan nito ang ginagamit nila dahil di siya marunong magmaneho. Nagtry siya dati na mag-aral magdrive pero di talaga niya kaya nanginginig siya na di mawari. Sabi ni Tita Lourdes sa kanya wag na niya ipilit mag aral magdrive dahil may sasakyan naman sila at kung kailangan at wala si Ava pwede siya magpahatid kay Mang Nestor driver ni Tita Lourdes. Mga 6 na ng gabi sila nakarating sa MOA. Walang kapaguran si Ava sa pamimili ng mga damit at swimsuit. Sa totoo lang ay excited din naman siya para sa outing nila. Matagal tagal na kasi ang huling bakasyon niya noon pang nagpunta sila sa Puerto Prinsesa kasama si Tita Lourdes noong nakaraang taon. "Ano ba tong nararamdaman ko excited ako na parang kinakabahan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD