"Lexie ano ba talaga to? Bakit sinasabi nung Mr. De Silva na yun na asawa ka niya?" tanong ni Ava sa kanya. "Take note Carina ang tawag niya sa 'yo" dagdag pa ng kaibigan niya. Pinuntahan siya ng kaibigan sa Villa na pinagdalhan sa kanya ni Kyle. "Hindi ko din alam Ava, alam mo naman na kahit boyfriend eh wala pa ako asawa pa kaya" sagot niya sa kaibigan. "BFF alam ko naman yun kaya lang malaking gulo tong nasuungan mo. Isa pa pano mo papaliwanag na hindi ikaw ng nanay ng mga bata". "I know kaya lang ewan ko ba kanina habang yakap ko ang mga bata iba ang pakiramdam ko, di ko maexplain kaya tuloy nung tanungin ako ni Drea nasabi ko di na ako aalis " paliwanag niya kay Ava. "Pano yan anong gagawin mo? We need to inform Tita Lourdes alam ko na matutulungan ka niya" tugon ng kanyang kaibi

