Akuma?
Parang may nabasa na akong Akuma na word noon.
Yun ang tawag sa nagbabantay ng School? At hindi tao?
Paano siya makakapanakit oh makakapatay kung hindi siya tao, at hindi kami mahahawakan.
Isa talaga itong kalokohan.
"Akuma sir? Ang tawag?"
Tumango ang prof. Namin.
"Makinig kayo sakin. Wag na wag kayong hihiwalay please lang. Para rin ito sa inyo. Maayos tayong makaka-alis doon kung walang hihiwalay satin"
"Ligtas po ba kami sir kapag sumunod kami? Hindi kami mapapano?"
Tumango siya ulit.
"Kung ganun sumunod na lang tayo"
"Eh sir, sabi niyo..Hindi tayo aalis doon hangga't hindi nahahanap nung.. ni Mr. Gonzales ang Head. Yung hinahanap niya?"
"May naisip na kami diyan. Kaming mga teachers ang bahala"
"Hay! bakit pa kasi kailangang ganito. Hindi niyo ba pwedeng itakas na lang kami?"
"Hindi pwede"
"At bakit?"
"Ma-aalis kami sa trabaho kapag ginawa namin yun. Ito lang din hanap-buhay ko. Kaya hindi pwede. Dapat lang tayong sumunod sakanya. Hindi naman mahirap yun diba? Susunod lang tayo"
Wala kaming nagawa lahat kundi ang mag-antay.
Hindi na kami pinababa para kumain dahil baka may umalis pa raw na estudyante. Bwisit talaga. Buti at nagbaon ako.
Lahat kami ay doon na sa bus kumakain.
Pasilip-silip ako sa bintana ng bus. Ibang daan na ang tinatahak namin. Tila naging magubat na. Pero malawak parin ang kalsada. Kita parin ang tirik ng araw.
Nagpalinga-linga ako. Wala na yung ibang bus na kasabayan namin.
Napaka-mautak ng makasariling Mr.Gonzales na yun.
Sinabi niyang para sa grades namin. Kaya obligadong sumama.
Napadungaw narin ang lahat ng sa di kalayuan ay may nakita kaming building.
Walang mga bahay dito. Walang kahit ano. Parang isang napakalaking lupain na puro d**o at mga puno lang. Yung building lang na yun ang nag-iisa doon.
Nang dumaan ang bus malapit dito ay nakita ko kung gaano ito kalaki.
Nakadama ako ng pangingilabot.
Pula ang kulay sa labas. Sobrang luma na. Kumbaga sa tao. Na-aagnas na ang building na yun.
Hindi magaan ang pakiramdam ko. Parang may kung anong aura..
Parang may mali.
Gusto kong maiyak.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Tinitignan ko isa-isa ang mga bintanang nandoon.
May ilang basag na. May ibang buo pa pero sobrang luma na.
Hanggang 4th floor ang building na yun.
May ibang mga halaman na nakadikit sa pader ng school. May mga d**o na.
Napakabigat sa pakiramdam..
Biglang kumu-limlim noon.
Nag-uusap usap ang iba.
"Gusto ko nang umuwi, natatakot ako"
"Tatawagan ko na sina mama"
"Ako din! Sir! Ano pong address ng lugar na 'to?"
Noon ay nakita kong tulala ang prof. namin habang umiiling.
"Sir?"
"Hindi ko alam.. Si Mr.Gonzales lang ang nakaka-alam"
"Ano?! Eh paano kami magpapasundo dito?!"
"Isa lang ang ibig-sabihin nun. Hindi tayo makaka-alis dito"
Tumingin ako sa paligid. Nagmamani-obra na ang driver para i-park ang bus.
Walang kung anong signs. Walang street signs. Walang kahit ano.
Para kaming nasa kawalan. Iisang building ang nandito.
"Lahat tayo? Hindi makaka-alis dito?!"
"Oo! Kung hindi kayo susunod! Kaya sumunod kayo!"
Nasa pitong bus na ang nakaparada doon.
Sinubukan kong kontakin sila mama.
"Cannot be reached"
"Huh?"
Walang signal, kahit isang bar sa signal display sa phone ko ay wala.
"Guys? walang signal sa cellphone ko. Sa inyo?"
"Wala rin sakin"
"Sakin din"
"Uhh!! Bwisit! Bakit walang signal? Bakit walang mga bahay dito? Walang mga establishment.
Walang street signs! Ni poste wala! Gina-gago ba tayo ni Mr.Gonzales??!"
Hindi na nakapag-pigil noon si Zeik.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Ngayon ko lang naramdaman, habang naglalakad kami papasok sa malaking gate ay di matanggal ang titig ko sa building na yun. Napakalaki.
Nakakatakot.
Napaka-open field ng lugar.
Niyayakap ko ang sarili ko, hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nangingilabot ako ng sobra.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kung saan. At sa mga bintana. Sinusuyod ng mga mata ko.. Hanggang may mahagip akong mas nakapag-pakilabot sakin..
Isang lalaking halos nakabakat na ang mukha sa salamin ng bintana.. nakangiti.. Namumula ang mata at labas ang pangil.. Ang nakatingin sakin... ngayon.
Biglang lumandas ang
luha sa mata ko.
Ano itong pakiramdam na 'to? Sobrang nakakapangilabot. Nanlalambot ang tuhod ko.
Parang siya yung nasa panaginip ko.. P-pero paanong? Totoo siya?
Binawi ko ang pagkakatitig ko sa bintana at napahinto.
"Macy? ayos ka lang?"
Hinawakan ako ni Darlene sa braso dahil para akong matutumba. Nanlalambot ang tuhod ko.
"Uy, Macy!"
Napa-awang ang bibig ko. Nakita ko ang mga kaibigan kong nag-aalala sakin. Kami na lang ang nasa hulihan.
"Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka? Natatakot ka ba?"
"H-huh? uh.."
"Naiintindihan namin. Lahat tayo natatakot. Para tayong mga aliping pinilit isama sa lugar na 'to. Mukhang walang paraan para maka-alis dito. Basta't susunod lang tayo sakanila"
Si John
"Hoy! Kayo diyan sa dulo! Wag kayong magpapa-iwan!"
Sigaw ng isang estudyante samin, papasok na sila sa loob. Binuksan ng isang matandang lalaki ang gate. Nasa unahan si Mr.Gonzales.
"Macy, nandito lang kami. Basta wag tayong maghiwa-hiwalay sa loob"
Tumango ako na wala parin sa sarili.
Binigyan ako ni Liza ng tubig, kahit papano medyo nahimasmasan ako.
Sumunod na kami sa loob at pagkapasok pa lang.. Parang mas umintig ang takot na nararamdaman ko. Ayoko nang tumingin sa mga bintana. Madiin kong ipinikit ang mga mata ko. Nakahawak sa braso ko si Liza. Nasa likod lang namin ang iba.
May malaking fountain sa gitna ng school. Nilagpasan namin yun para makapunta sa entrance ng building.. Binuksan nila ang pintong naka-lock na tila marupok narin at pwedeng bumigay anytime.
Nang bumukas na ang pinto. Hindi muna kami pinapasok. Tumayo sa harap naming lahat si Mr.Gonzales. At nagsalita.
"Sa inyong lahat, aking magigiliw na mga estudyante. Malamang ay nagtataka kayo, nagtatanong kung bakit kayo nandito. Alam kong natatakot kayo. Wag kayong mag-alala. Hinding-hindi ko kayo ipapahamak. Nandito lang tayo para may hanapin na isang bagay. Isang bagay na kayang paunlarin ang ating paaralan. Na kapag nakuha natin ito.. Kayo ay maaari nang makapag-aral nang libre sa ating paaralan.
Lahat kayo!"
Nag-umpisang mag-ingay ang mga estudyante. Yung iba ay natuwa. Yung iba ay balisa parin.
Seryoso ba siya? Kapag nahanap namin ang kayamanang sinasabi niya ay makakapag-aral na kami ng libre? Sana lang tuparin niya ang sinabi niya.
"Kailangan niyo lang akong tulungan. Magtulungan tayong lahat, para maaga din tayong maka-alis. Sumunod lang kayo samin. WAG na WAG kayong hihiwalay"
Madiin niyang sinabi.
"Hay, tara na para matapos na 'to. Gusto ko nang umuwi"
Si Zeik na napapakamot sa ulo.
Nag-umpisa na kaming pumasok sa loob.
Dahan-dahan dahil parang anumang-oras, pwede nang bumigay ang mga kisame.
Pagkapasok namin, sa bungad ang hagdan paakyat sa 2nd floor.
"Saan ba tayong mag-uumpisang maghanap?"
"Ang sabi.. sa isang basement daw. Doon daw nakabaon eh. Si Mr.Gonzales lang ang nakaka-alam"
Dinig kong usapan ng iba.
"Sumunod na lang tayo sakanya"
Na-occupy namin ang buong hallway. Naglalakad kami at di ko alam kung saan kami pupunta. Palinga-linga ako sa paligid. May mga halaman narin sa loob ng building at maging sa kisame.
Napaka-luma na ng mga classroom at nakakatakot ang itsura sa loob. May mga upuan at desk pa pero sira na ang karamihan.
Ang ibang classroom ay nakasara ang pinto. Ayoko nang igala pa ang mga mata ko dahil baka may mahagip nanaman ako.
"Macy, Macy"
Kinalabit ako ni Liza.
"Huh? Bakit?"
"Na ccr ako"
"Huh? Di mo ba pwedeng pigilan muna? Hindi tayo pwedeng humiwalay sakanila"
"Hay, ang sakit na ng puson ko eh. Saglit lang naman. Sabihan na lang natin sila Darlene. Saglit lang"
Napakamot ako sa ulo ko.
Sabi nilang di dapat kami humiwalay. Pero di ko naman pwedeng pabayaan si Liza.
Kaya tinawag ko sina Darlene na ngayon ay nauuna na samin.
"Darl"
"Oh bakit? ba't kayo huminto?"
"Na ccr daw kasi si Liza. Sasamahan ko na muna"
"Huh? Eh hindi pwede. Hindi kayo pwede humiwalay samin"
"Sige na, saglit lang. Hindi ko na talaga kaya"
"Oh siya, babagalan namin ang paglalakad para pagtapos niyo ay masundan niyo kami agad"
Si Zeik.
"S-sige salamat"
Humiwalay kami saglit sakanila, at naghanap ng Cr.
"Dito.. may cr"
Sinundan ko na lang si Liza.
Luma narin ang cr at napakadumi.
"Sigurado ka bang dito ka mag ccr?"
"Eh san pa ba? No choice na rin"
"Oh sige, antayin na lang kita dito sa labas huh"
"Salamat"
Iniwan ko na si Liza sa loob ng cr. Tsaka lumabas. Nag-antay lang ako sa tapat ng pinto.
Iginagala ko ang mata ko.
Kahit maliwanag pa sa labas eh parang walang talab dito sa loob. Medyo madilim.
Makulimlim pa at parang uulan.