PROLONGUE

214 Words
Kasalukuyan akong naglalakad sa may kanto ng village namin.Madilim -dilim na rin dahil Ala's 5 na ng hapon. Habang naglalakad ako biglang may humintong itim na van sa harap ko ,kaya natigilan ako sa paglalakad. Dali-dali bumaba ang apat na lalaking may dalang armas, sa katunayan anim sila kasama ang driver at yung isang naiwan sa loob. "Sumama ka sa 'min ng maayos,kung ayaw mong masaktan" Nagbabantang sabi ng isa sa kanila habang nakatutok pa sa 'kin ang baril na hawak niya. Ngumunguya-nguya pa akong tingnan ang suot nila lahat . 'Men in black,hanep' Matapos ko pasadaan ang mga itsura nila nauna na akong naglakad papuntang sasakyan. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ng isang nasa kanan ko kanina. "Edi sasakay,Tabe!Umurong ka dun " Sagot ko at pinaurong yung isang lalaking naiwan sa loob. Nakapandikwatrong naupo ako sa loob ng van habang prenteng nakahilig ang ulo ko sa upuan habang ngumunguya ng bubble gum. Naiinip nako kaya naman tiningnan ko sila sa labas na kanina pa nakanganga ang bunganga. "Hoy!"sigaw ko"Ano pang hinihintay niyo diyan?Pasko?Tara na bilis.K*ng -ina ang bagal-bagal niyo,ano kayo turtle?". Nagmamadali naman silang pumasok sa loob. "Sigurado ba kayong siya yung pinapakidnapped ni boss?" Tanong nung lalaking nasa likod ko kanina. "Oo nga ,sigurado ba kayo?P*ta sinong tangang sasama mismo sa kidnapper?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD